Marion's POV
Today is Oct.12 at Birthday ni Von nagsend ako ng text message sa kanya para bumati.Iniisip ko pa rin ang mga nangyari kagabi.
Binuksan ko ang transparent door at naupo ako sa terrace ng room ko.
Sumilip ako sa labas at sa ibaba ay nakita kong nakatayo si Von. Kinawayan niya ako.
"Birthday mo pala ngayon hindi mo man lang sinabi kung hindi ko pa nalaman kay Jason kagabi" naglakad lakad kami
ni Von sa mapupunong lugar dito sa village. "Plano ko talaga yun na hindi sabihin sayo kasi sa totoo sosorpresahin san kita
pero kagabi mukang tayo ang nasorpresa." Nahinto ako sa paglalakad sabay sambit sa pangalan niya.."Von?"
Makabuluhang pagtawag ko.
Tumigil din siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"Nahihirapan ka alam ko ganun din ako" lumapit siya sa akin at tumingin sa malayo.
"Si insan simula nung bata pa kami napaka bait niya na sa akin at hanggang ngayon higit pa sa magpinsan at magkaibigan
ang turingan namin..para na kaming magkapatid..kuya ko siya" malumanay niyang sinabi. Pagkatapos ako naman
ang nagsalita "Sa tingin ko nga base sa nakita ko
sa inyo kagabi napaka close niyo sa isa't-isa at talagang napaka ganda ng samahan niyo. Mabait talaga si Jason kaya talagang
makakapalagayan siya ng loob ng kahit na sino" muli akong naglakad at sinundan ako
ni Von. Dito sa sementadong tulay na kung saan napaka ganda ng view kami nakarating ni Von. Sumandal si Von sa sementadong
tulay habang nakatuon naman ako at pinagmamasdan ang mga lumalangoy na swan sa river. "Hindi ko alam kung papano sasabihin
kay insan...ayokong masagasaan ang feelings niya at hindi ko alam kapag nalaman niya ang tungkol sa
atin. Alam ko kung gaano ka niya ka gusto..alam ko yun dahil madalas niyang maikwento sa akin. Minsan lang siya magkagusto
sa babae katulad ko din siya. Pero..."
Nilingon ko si Von sa sandaling ito. "Ayokong isawalang bahala ang feelings ko para sayo."
Tumingin din siya ng diretso sa akin at makabuluhan ang kanyang pagtitig sa aking muka.
"Bakit ganun may mga bagay talaga na hindi natin inaasahan na magpapakumlikado ng lahat?
mahirap talaga magbalanse...hindi ko rin alam kung ano ang isasaalang-alang."
Nagtitigan kami at wari sa mga mata namin bakas
ang lungkot. May pangamba na maaaring may masirang relasyon sa kung anu't ano pa man ang mangyari."Kadalasan talaga
nagiging makasarili ang tao kapag sinunod niya ang puso niya..pero minsan kaylangan talaga para maitama kung ano ang dapat.
may mga bagay kasi na pagsisisihan kapag hindi natin ginawa ng naaayon sa tunay nating nararamdaman."
Ngumiti lang si Von ng isang makabuluhang ngiti sa aking sinabi. "Tama ka.." sabay patong ng kamay niya sa ulo ko at ginulo
niya ng bahagya ang buhok ko at ngumiti. "Birthday ko
ngayon at dapat mamaya wag ka din mawawala sa celebration ko" bigla change topic niya subalit natahimik muli ako "Mamaya?..
Anong sasabihin natin kay Jason? hindi niya alam ang closeness natin diba? ang alam lang niya magka campus mate lang tayo"
napag-isip si Von. Maya-maya ay biglang nagtext si Jason kay VOn. "heto may solusyon na...isasama ka ni insan mamaya sa bahay"
yan ang sinabi niya after niya mabasa ang text. Hindi namin alam kung matutuwa ba kami o hindi sa mabilisang pagtugon sa
pagkakaroon ng mabilisang solusyon sa aming gustong mangyari. "Pero bago ang lahat tara sumama ka muna sa akin" hinila ako
ni Von at wala akong nagawa kundi ang sumama. "Teka saan tayo pupunta?" habang hila hila niya ako. "Wag kana magtanong
pa sumama ka na lang" nginitian ko nalang siya at nagpadala sa pagkahila, "ikaw talaga" pahabol ko pang sinabi.
Mr.Romualdez POV
Sa katahimikan ng aking opisina, ako namalagi ngayong araw na ito. Lahat ng mga nakaraan ko ay nagbabalik tanaw sa aking
isipan. Palaki ng palaki ang pag-asa ko sa hindi inaasahan pagkikita namin ni ate Rebecca. Kaylangan ko matagpuan kung
saan siya nakatira at isang tao ang makakatulong sa akin.
Lumabas ako ng office sa pagkakataong ito at nag drive ng kotse subalit wala talaga akong destinasyon. "Ang nag-iisa kong
anak kaylangan ko siyang mahanap at makilala" bulong ko sa aking sarili.
Jason's POV
Sa bahay habang gamit ko ang yokalele na regalo sa akin ni Marion ay biglang sumagi sa isip ko ang ireregalo ko kay insan
Von. At dahil dito ay biglang napansin ko ang suot kong kuwintas. Tinignan ko at hinawakan ang pendant.
(Flashback)
..............................................................................................
"Happy Birthday!!!" isinuot si Ella ang kwintas kay Von. "Wow ang ganda nito at mukang mamahalin? hindi ka na dapat nag-abala
pa ng ganto Ella sapat na sa akin yung makasama kita ngayong birthday ko" sabay yakap ni Ella kay Von.
"Von gusto ko palagi mo yang isuot..iingatan mo yan at wag na wag mo iwawala ahhh. Ngayon lang din ako nagregalo ng ganyan
sa lalaking mahal ko." Yumakap din si Von ng mahigpit na nasaksihan ko. Noong mga araw na yun ay kitang kita kung gaano nila
kamahal ang isa't-isa.
Subalit nasaksihan ko din ng hindi sinasadya kung paano nasaktan si Von sa pag-ibig niya kay Ella. Kitang kita ko ng mga
araw na yun ang sobrang sakit at dalamhati sa puso ni insan. Nakita ko kung gaano at paano nila minahal ang isa't-isa ngunit
sa isang desisyon ni Ella ay naglaho lahat ang nasimulan nila ng pinsan ko.
"Aalis ako Von para katuparan ng panagrap ko at wag mo sanang isipin na hindi kita minahal..mahal kita Von..pero sana
maintindihan mo ako.." pagpapaalam ni Ella. "Pero hindi ko talaga maintindihan Ella akala ko ba..? pagsusumamo niya sabay
lisan ni Ella at naiwang lugmok sa ilalim ng malakas na ulan si Von.
Sa mga sandaling nasaktan si insan na halos umikot na ang mundo niya kay Ella ay na depress talaga siya ng ilang araw.
At isang araw, nakita kong may tinapon siyang bagay sa tabi ng dagat. Pinuntahan ko agad iyon ng sandaling naka-alis
na siya. Ang kuwintas na iniregalo ni Ella sa kanya pala ang bagay na itinapon niya. Pinulot ko muli ito at ibinulsa.
...................................................................................................
Ilang taon ko na rin kinukupkop ang bagay na alam kong may negatibong sumisimbulo sa ala-ala ni Von kay Ella.
Kaya ni minsan ay hindi ko ipinaalam na hawak ko ito. At hanggang sa ngayon ay nag eexist pa rin ang necklace na binigay
sa kanya ni Ella. Masyadong mapait ang pinagdaanan ni insan kay Ella. Kaya hindi maaaring makitang muli ito ni Von.
Magbabalik lang sa kanya ang mga ala-ala ng pagkabigo niya noon.
------------------------------*