Marion's POV
Sa Harap ng pintuan ay sinalubong ko si Aunti subalit ganoon pa rin ang timpla niya sa akin mistulang hangin ako na dinaanan
lamang niya. Mukang matatagalan ang ganitong set-up namin sa bahay. Nakakalungkot at nakaka ilang kumilos. Subalit may
napansin ako sa kanya bukod sa galit niya ay mukang balisa siya at may malalim na iniisip.
Tinulungan ko na lang ang driver niya para hakutin ang ilan niyang mga bagahe.
Aunti Rebecca's POV
Hindi ko parin maipalagay ang sarili ko sa nakita kong lalaki sa Hotel. Nanganagmba ako sa posibilidad na pwedeng mangyari.
Palakad lakad ako sa loob ng home office ko at hindi mapakali kung uupo o tatayo at sisilip sa bintana tapos titingin sa malayo.
Dahil ang lalaking nakita ko..."hindi...hindi niya pwedeng makita si Marion"
bulong ko sa sarili habang nakatiklop ang mga kamay ko.
Marion's POV
Kinahapunan ay dinalaw ko ang puntod ni Mama. Mga halos 30 mins. din akong nandoon at kinausap si mama. Nang pauwi na ako
sa hindi inaasahan ay biglang nabunggo ko ang isang may edad na lalaki. Hindi ko siya napansin dahil nakayuko ako
"s-sorry po" pagtingin ko sa may edad na lalaki..ay naalala ko siya. Tama siya yon ang lalaking nakita ko din noon na
bumisita sa puntod ni Mama. "Pasensiya ka na rin iha at nagmamadali din kasi ako" dumirecho na siya agad sa pagmamadali niya
kaya hindi ko na siya nagawang mausisa. Kung hindi lang galit si Aunti gusto ko sana siya tanungin at kwentuhan tungkol dito.
Pagkatapos ng senaryo ay naka tanggap ulit akong ng text message galing kay Von.
Sa Park muli ay pinuntahan ko sila Hello Kitty at Dear Daniel na nakasabit sa puno.
Habang pinagmamasdan ko iyon ay biglang nag message alert ang phone ko. Kinuha ko ang
phone si Von pala ulit at nagreply ako. Ganito na lang kami ni Von parang magkatextmate na lang. Hindi na kami nagkikita ng
personal. Daig pa namin ang LDR. Hehe assuming ako.
Von's POV
Habang hawak at nakatutok ang lente ng camcorder ko pinagmamasdan ko siya. Dahil ako na nga ang no. stalker niya ay hindi niya
alam na sa tuwing nasa paligid niya lang ako ay kinukuhanan ko siya ng video. Madaya man ako sa kaniya dahil parati ko naman
talaga siya nakikita at ako hindi nagpapakita sa kanya pero ngayon sosorpresahin ko siya.
Itinago ko ang camcorder sa compartment ng motor ko at lumapit ako kay Marion ng hindi niya nararamdaman.
"Mukang masaya sila sa taas kasi magkasama sila lagi" lumingon agad si Marion nang marinig niya ang boses ko.
Author's POV
Sa ilalim ng dalawang puno, sila Von at Marion ay gumawa ng malaking saranggola. Ginawa nila itong bonding moment.Katulad din
ng bonding moments nila Von at Ella noon.
Bakas sa kanila ang saya sa muli nilang pagkikita na para bang halos isang taon silang hindi nagkasama. Kulitan doon,