Jason's POV
Masarap magpakalasing kaya heto ako ngayon sa labas ng apartment nag-iinom, nag-iisa. Wala ako mapaglabasan ng sama ng loob
ko. Napakasakit na makita ang dalawang importanteng tao sa buhay ko na napagtaksilan ako at nagawa pa nilang magsinungaling
sa akin. "Bakit nila nagawa sa akin to?" tanong ko sa lasing na tono. habang lagok ako ng lagok ng beer.
Maya-maya ay nagring ang aking cellphone, si Rina nagtext.
Rinas's POV
Agad akong pumunta sa apartment ni Jason. Kaylangan niya ng makaka-usap ngayon at ako lang ang pwedeng makiramay sa pinag
dadaanan niya ngayon. Dito sa labas ng apartment ko siya natagpuan. Lasing na lasing siya at naka upo na ng walang paki-alam sa sahig.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya upang akayin siya. Halos mahirapan akong akayin siya patungo sa kwarto niya
ang bigat niya at puro suka ang damit. Tinanggal ko ang kanyang t-shirt at inihiga ko siya sa kanyang kama.
Kumuha ako ng basin na may tubig at bimpo upang punasan ang ulo at katawan niya. Habang ginagawa ko ito ay bigla niyang hinawakan
at hinigit ang aking kamay sabay sambit ng "Marion..mahal kita wag mo akong iwanan dito ka lang" Natigilan ako at nalungkot
sa aking narinig. Sa mga effort ko ngayon si Marion pa rin talaga ang tinatawag niya. Sa sobrang kalasingan niya ay hindi na siya nakaka
kilala. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin at nakatulog na din sa sobrang kalasingan niya.
Marion's POV
Umuwi ako ng bahay ng may baong problema at pagdating ko sa bahay, sa pintuan pa lang ay nakita kong naka impake ang aking
mga damit. Isa pang problema na inaasahan ko nang sasalubong sa akin dito sa bahay. Nilapitan ako ng aming kasambahay
"Marion iha galit na galit si maam kanina pinapalayas ka niya dito sa bahay kaya ipina impake niya sa akin ang mga gamit
mo..wala naman akong magawa..ano na naman ba ang pinagtalunan niyo?" kinuha ko ang malaking maleta "mahabang kwento manang
alam kong sa ganito patutungo ito nagtalo kasi kami kanina. pansamantala lang naman to alam ko mapapatawad niya rin ako
balang araw. Manang ikaw muna bahala kay Aunti bantayan at alagaan mo muna siya habang dipa ako nakakabalik..sige po
alis na po ako" umalis ako ng may doble ang lungkot na nararamdaman. May naisip agad akong matutuluyan dun muna ako magpapalamig
habang mainit pa ang lahat.
"Marion pagpasensiyahan mo muna tong kwarto ha konting linis lang naman yan..matagal kasing walang gumagamit niyan eh"
Pumasok ako sa kwarto at dito muna nagpasyang manuluyan sa bahay ng matalik kong kaibigan. "Ano ka ba ako nga ang dapat
mahiya nuh.. pansamantala lang naman ako Peachy maghahanap din ako ng sideline na trabaho para naman hindi ako maging
pabigat" naupo ako sa kama. "Ano kaba wala yun kung gusto mo pwedeng dito ka nalang talaga tumira nuh wlang kaso yun
mas ok pa nga lagi tayo magkakasama di ba?" na appreciate ko ang mga efforts ni Peachy. "Peachy salamat talaga ha
makakabawi din ako sayo" tinapik ako ni Peachy "ano ka ba Marion wala yun diyan...ka muna ha at tamang tama nag mimidnight
snack kasi ako wait ka lang kakain tayo dito wait lang ha." Nakakatuwa talaga siya maswerte ako at nagkaroon ako ng kaibigan
na tulad niya. Maya-maya ay nagtext si Von nangungumusta kung ano nang kalagayan ko. Maya-maya ay di na siya nakontento
at tumawag na nga.
Ako: "Nandito ako pansamantala kala Peachy wag kana mag-alala nasa mabuti ako. Kaya wag ka na masyado mag-isip pa diyan."
Von: "Mabuti kung ganun..pupunta puntahan kita dyan.
Ako: "Sige na matulog kana at maaga ka pa bukas sa OJT mo."
Von: "Teka lang bago mo ibaba.."
Ako: "Oh ano yun?"
Von: "Marion....
Ako: "Ano?"
Von: "Hehe wala sige na matulog ka na rin diyan goodnight take care!!!"
Ako: "Ikaw talaga..Ok same sayo"
Biglang dumating si Peachy at dala ang mga midnight snacks. "Tara at kumain para makalimot ng konte sa problema"
masaya niyang inalok sa akin ang mga dala niyang pagkain. "haha Peachy ang takaw mo talaga kaya ang taba mo eh"
First night ko na matutulog sa ibang kwarto masasanay din ako. Habang kumakain naalala ko si Jason. Ganito din kasi
siya lagi sa akin ang bonding namin. Bigla akong nakonsensiya muli at nagpepretend ngayon sa harap ni Peachy na ok lang
ako.
Jason's POV
Kinaumagahan ay nagulat ako dahil katabi ko si Rina. "Teka anong ginagawa mo dito sa kwarto ko at bakit nakahubad na ako?"
Bumangon si Rina "Kumalma ka lang wala akong ginawa sayo..Lasing na lasing ka kaya kagabi at pinapunta mo ako dito
kaya ayan nagmalasakit lang ako..Ang dami mong suka at nilinis ko. Grabe ka pala malasing..teka ano nga ba naging problema?
hindi kita maka-usap ng matino kagabi eh" sunod-sunod kong arangkada. "Ganun ba? naabala pa pala kita pasensiya na."
Tumayo ako para maghanap ng damit sa closet ko. "Uy Jason ano bang nangyari ha at nagpakalasing ka ng ganoon?"
nagsuot ako ng t-shirt at humarap muli kay Rina.
Rina's POV
Sa harap ng dirty kitchen naikwento sa akin lahat ni Jason ang mga pangyayari. "Kung ganun karibal mo talaga ang matalik
mong pinsan? kung sa bagay sa gwapo ng pinsan mo na yon hindi malayong magustuhan talaga siya ni Marion" inilapag ko ang
breakfast na ni prepare ko sa table at naupo na din ako almusal namin ni Jason perfect ang moment na ito.
"Ano ka ba hindi ganoong klase ng babae si marion..Hindi siya tumitingin sa itsura" pagdedefend niya dito. "Ok pero kung
ako sayo maghanap ka nalang ng ibang babae ang dami-dami sa paligid mo..wag ka mag aksaya ng feelings mo para sa taong
hindi naman naglalaan ng feelings para sayo." payo ko na may halong personal na interest.
Nanahimik lang si Jason at sinimulan na ang pagkain ng almusal.
-----------------------*