Jason's POV
Habang hinehele ako pababa ng sinasakyan kong Ferry's wheel ay napatanaw ako sa di kalayuan. Si Marion ang bumungad sa akin
sa ibaba habang ikinakaway niya ang braso niya na nakaagaw ng pansin ko.
Sa bench ay naupo kaming dalawa upang makapag-usap subalit parehas kaming naghihintayan ng tiyempo para makapagsalita.
Feeling ko masyadong compressed ang lugar at nakakailang gumawa ng kahit anong galaw. Hindi ko alam ang iaarte ko sa harap ni
Marion ngayon. "Ahm..." bungad na imik ni Marion. Hindi siya makatingin ng derechahan gayunman ako. "J-Jason...gusto ko sanang
humingi ng sorry sayo..patawad kung nasaktan ko ang feelings mo. Hindi ko sinasadya nagi-guilty ako sa mga nangyayari ngayon.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sayo.." Bigla akong sumingit "Marion..." natahimik si Marion sa pagsabat ko bigla dahilan
para hindi matapos ang sinasabi niya. "Wala kang kasalanan. Hindi mo kailangan ma-guilty. Single ka naman at wala kang obligasyon
sa akin. Inaamin ko nasasaktan ako lalo't pinsan ko pa ang kakompetisyon ko diyan sa puso mo. At alam kong may feelings ka rin
sa kanya. Ayoko naman na ako ang maging hadlang sa inyo. Ayaw ko din na maging dahilan ako para mahirapan ang pinsan ko.
Lalayo nalang siguro ako sa inyo" biglang sumabat si Marion "Jason.." at muli siyang natigilan hindi niya alam ang mga salitang
iduduksong niya. "Marion ano ka ba wag ka nga tumingin ng ganyan ok lang ako. Malalagpasan ko rin to" sabay ngiti ko pretending
na kaya ko ang sarili ko. "Jason makakahanap ka din ng babaeng bagay sayo. Hindi imposible yun napaka bait at gwapo mo napaka
responsable pa. Sana as soon as possible dumating na siya sa buhay mo dahil deserve mo siya. Napaka swerte niya kapag nahanap
kana rin niya" pagpapalakas ng loob ni Marion sa akin. Pero hindi ko alam kung sinong babae ang katumbas niya sa puso ko.
Napangiti ako sa sinabi ni Marion. "Hindi muna importante sa akin ngayon kung may darating o kung sino. Basta magfofocus na lang
muna ako sa trabaho. Di pa naman huli sa akin ang lahat at hindi naman ako desperado. Kung may darating, tanging panahon na lang
siguro ang makakapag takda." tumingin pailalim si marion sa aking mga sinabi. Tumayo siya at tumingin sa malayo. "Alam mo
Jason tama ka bilib ako sayo kasi ang galing mo magdala, pero sana hindi magbago ang turingan nating dalawa ha." mga sumunod
na sinabi niya. Tumingin ako sa mga mata niya at ngiti lang ulit ang aking naisagot.
"Jason..Marion!!!" si Rina biglang sulpot sa aming harapan. " Ah pasensiya na mukang naka istorbo yata ako sa pag-uusap niyo"
"Hindi Rina paalis na rin naman talaga ako" sabi ni Marion. "Ganun? kakarating ko lang aalis ka na agad?" tugon naman ni Rina.
"Teka san ka ba galing?" tanong ko kay Rina. "Ahhh inutusan kasi ako ni kuya pero naisip ko maaga pa naman kaya nagliwaliw
muna ako mag-isa tapos nakita ko kayo". Tumingin si Marion sa kanyang wrist watch "Ahhh mukang maiwan ko na talaga kayo
kasi may appointment pa ako. Pasensiya na Rina ahm Jason" sabay tango niya. Dali-dali nang umalis si marion at naiwan kami ni Rina.