Marion's POV
Fresh new day para sa akin mukang ngayon lang ako naging inspired nang ganito sa buhay ko. Pero nagi-guilty ako kay Sr.Jason
alam kong nasaktan ko siya kagabi. Feeling ko nga nagiging makasarili ako ngayon kasi ako masaya habang may nasaktan akong
damdamin. Pero ayoko naman siya lokohin at paasahin.
Vacant time, at nagpunta ako sa rooftop kung saan ako pag
masaya man o malungkot. Napapakanta ako dito hays mga love song ang napapansin kong nahihiligan kong kantahin ngayon
napansin ko. Totoo nga weird ako gaya ng sabi nila. Hindi ko pa kasi nararamdaman ang ganitong feeling noon. Iba kasi
ang pakiramdam ko ngayon hindi ko rin maipaliwanag basta alam ko mukang naiin-love na ako sa isang tao.
Von's POV
Habang umaawit si Marion sa rooftop ay hindi niya namamalayan na nasa kabilang rooftop ako at nakikinig sa napakaganda
niyang boses. Mula dito ay pinagmamasdan ko siya. Gamit ang camcorder ko ay hindi niya rin namamalayan na may nakamasid
sa kaniyang lente. Inspirado ako ngayon. Dati kay Ella ko nararamdaman ito. Masaya ako at talagang nabura na ang
feelings ko kay Ella at nabaling na kay Marion. Wala na siguro akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Gusto ko na
siyang ligawan pero paano ko kaya makukuha ang loob niya?
"Mukang masaya ka ngayon ahh!!?" sigaw ko mula sa kabilang building. Nagulat siya at biglang nahinto sa pagkanta at napa
tayo sa kanyang pagkakaupo. "Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya bigla kong ibinaba ang camcorder ko.
"Hindi kakarating ko lang...ano nga palang ginagawa mo diyan?" tanong ko ulit na pasigaw sa kaniya.
"A-ako?..."
"May iba pa bang tao diyan?" pilosopo kong sagot. "Madalas talaga ako dito tuwing vacant time ikaw bakit ka nandiyan?
hindi ka naman mahilig sa ganitong lugar ah". Napangiti ako "Palagi din ako dito akala mo ikaw lang remember?"
"aahhh oo nga pala..hmmmm siguro nag iistalk ka na din sa akin noh?" pabiro niya. "A-ako?...hindi ah baka nga ako ang
sinusundan mo ehh" patawa kong sabi. "Lumalabas na naman ang kahambugan mo ahhh" not in bad mood siya sa
pagkakataong ito na nasabi niya yon. "Hindi...actually oo aaminin ko this time sinundan talaga kita dito..hmmm wala lang
try ko naman na ako naman ang maging stalker"
"wala ka rin magawa" sabay matamis na ngiti na nagugustuhan ko.
Marion's POv
Mula sa pakikipag-usap ko kay Von sa kabilang Building ay hindi na rin siya nakatiis at pumunta na rin siya dito sa
building kung nasaan ako. Parehas kami naupo habang pinagmamasdan ang mga nasa ibaba.
"Naniniwala ka ba sa mga panaginip?"
biglang tingin niya sa akin na para bang nagtatanong din. "Sabi kasi nila at sa mga nababasa kong libro na ang panaginip daw
ay pwedeng sign,warning o kaya clue sa mga nangyayare sa buhay natin araw-araw pwede rin naman daw na kabaligtaran."
"Bakit tungkol sa panaginip naman ang iniisip mo?, siguro napanaginipan mo na ako nuh? hala hindi ka lang pala istalker sa