Aunti Rebecca's POV
6pm na at pabalik na ako sa hotel kung saan ako naka check-in ng isang linggo dito sa Baguio. Sa counter area ay may isang
pamilyar na lalaki akong namataan. "Hindi ako maaaring magkamali" lumapit ako ng konti para i-confirm kung tama ba ako o baka
kamuka lang niya. "Siya nga ba talaga yon?" Nagmadali ako para maitago ang aking sarili dahil sa biglang paglingon niya
sa lugar na kinatatyuan ko. Nagulat ako, maliwanag na nakita kong hindi ako nagkakamali at siya nga. Nang matapos niya ang
transaction sa counter at ni lead na siya ng boy buhat ang kanyang mga bagahe ay sinundan ko sila.
Marion's POV
Excitement ang nararamdaman ko kasi ngayon na ang gabi na manonood ako ng concert ni Heleyna together with Peachy at Sr.Jason.
Napakasaya ko kasi 1st time ko mapapanood ng live mag concert ang iniidolo kong performer artist from US pa. Once in a
lifetime chance ko to kaya sobrang excited talaga ako. Kung may special seat lang or vip seat para sa akin para maka harap
at maka usap ko siya personally gusto ko i-grab yon.
Habang nasa loob kami ng MOA Arena ay walang humpay ang pag picture picture ni Peachy kasama kami hindi pa nag iistart ang
concert. Napakalaki ng concert stage at hindi mahulugang karayom sa dami ng tao dito.
Maya-maya pa ay nagsimula na ang concert. Grabe nakaka starstruck talaga siya at ang ganda niya. Nakakabingi ang
ingay ng mga taga hanga niya dito sa loob ng arena ngayon opening number na ni heleyna.
Aunti Rebecca's POV
How co-insidence na sa parehas na floor ang room namin limang rooms lang sa 4th floor ang pagitan. "Hindi niya ako
maaaring makita dito" bulong ko. Sa malayo ay hinintay ko lang siya pumasok sa room niya at sumalisi ako para ako naman
ang maka pasok sa room ko.
Marion's POV
Sulit na sulit ang gabing ito para sa akin natapos na ang concert at halos mapaos paos si Peachy na dinaig pa ako dahil sa
pagkaka-alam ko ako ang talagang fanatic kay Heleyna. "Jason sobrang salamat talaga na enjoy ko ang gabing ito" nasa
labas na kami ng Arena habang may tig-iisang hawak na drinks except Peachy na marami palang dalang food at hindi drinks lang.
"Wala yon ano ka ba... nag enjoy din ako salamat din sa time
na pina unlakan mo ako para dito. Si Paechy mukang solve na solve ahhhh" sabay tingin ni Sr. at ako rin kay peachy na di magkanda
ugaga sa mga pagkaing dala-dala niya. "Oo nga ang saya saya grabeh... si Peachy na halos hindi na maintindihan ang sinasabi
sa sobrang puno ng bibig niya. "hahaha Lunukin mo nga muna yang kinakain mo" natatawa kong pagsita sa kanya.
Napatawa din si Sr.Jason "nakaka aliw pala tong si Peachy kasama...gusto mo pa ba ng makakain?" pabirong tanong ni Sr. jason
"ahhh wait ka lang ha uubusin ko muna mga to" si Peachy talaga ayaw pa awat sa mga pagkain.
After ay nagpahtid na kami kay Sr.Jason nauna na namin ihatid si Peachy sa kanila at ngayon ay kaming dalawa na lang ang nasa
kotse niya habang nag da-drive siya ay napansin ko na soot niya ang necklace na may guitar with serpent pendant.
Naalala ko na naman ang panaginip ko na yon. Madali din kami nakarating sa bahay. Sa gate ng bahay ay inalalayan ako ni
Sr.Jason "sige ok na kaya ko na Jason salamat" ang sabi ko. Bubuksan ko na ang gate nang biglang niyakap ako ni Sr.jason habang
nakatalikod ako. Nagulat ako sa ginawang yon ni sr. heto na yata yong nasa panaginip ko at mukang magaganap na sa totoong
buhay. After niya akong yakapin ay kumalas na din siya at hinawakan ang dalawa kong kamay. Wala akong reaksiyon sa mga
pangyayaring ito expected ko na rin kasi ang bagay na ito subalit hindi ko alam kung papaano ko sa kanya sasabihin. Pero
bakit ganun? iba ang pakiramdam ko sa panaginip? bakit hindi ko ito maramdaman sa kanya ngayon? tama ba talaga na
siya ang lalaking tinutukoy sa aking panaginip? Hindi naman ako maaaring magkamali dahil lahat naman ng clue ay nasa kanya.
"Marion Im sorry" depensa niya agad sa nagawa niya. "Ahhmmm" tangi kong nasabi.
"Hindi ko alam kung pano ko uumpisahan sabihin..pero ayoko nang manatiling torpe sa harapan mo i mean lahat ng efforts ko
may dahilan yon...ahhhm siyempre lahat ng bagay may dahilan at ngayon Marion ayoko nang sarilinin tong feelings ko sayo
I just want to say na... Gusto kita at sana payagan mo ako na ligawan kita" tinitigan niya ako mata sa mata. "Ahhmmmm Jason
kasi..." bigla niyang inilapat ang hinlalato at hintuturo niya sa aking labi hudyat na wag ko na ipagpatuloy ang aking
sasabihin. "Hindi naman ako nagmamadali kung hindi ka pa handa maghihintay ako..pero sana maging magkaibigan pa din tayo
at walang ilangan Marion". "Jason hindi sa ayoko sayo.. gusto kita ngayon bilang kaibigan ayoko naman na paasahin ka"
"dont worry Marion no regrets naman ako ngayon atleast nasabi ko na din sa'yo to ng harapan" mabilis niyang sinabi sa akin
subalit alam ko sa kaloob looban niya ay malungkot siya.
Author's POV
Umuwi si Jason na may baong lungkot at katamlayan. Kagaya ng nakaugalian niya kapag hindi siya makatulog ay nag inom muna
siya ng beer sa kanyang sala at nagbukas ng dvd player para makinig ng malulungkot na music.
Para sa kanya dinibdib niya ang resulta ng pag amin niya ng pag-ibig kay Marion hindi lang niya pinahalata na nasaktan
siya at being sport na lang ang kanyang naging outcome.
Teary eyed siya sa mga oras na ito subalit hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa, Pag-asa na matututunan din siyang
mahalin ni Marion.
-------------------*