Marion'POV
Sa gate ng school ay biglang lumitaw si peachy sa aking harapan "Marion!" tinawag niya ako. Habang naglalakad sa entrance
ng school ay nagkwentuhan kami ni Peachy "Talaga si Von ang lalaki sa panaginip mo? ibig sabihin soulmate talaga kayo."
ngayon ko lang ito naikwento sa kanya simula ng ma analyze ko ang dream sequence. "Pero malungkot ka base sa nakikita ko sa
muka mo..hindi ka ba masaya na si Von ang lalaki sa panaginip mo?" tanong ni Peachy. Nakarating kami sa Botanical garden
dun muna kami tumambay medyo maaga pa naman. "Ou Peachy malalayo na kasi ako sa inyo..sa mga kaibigan ko, kay Von" biglang
naiba ang itsura ni Peachy. "Bakit aalis ka? san ka naman pupunta? at bakit ka aalis? sunod-sunod na tanong niya. "Si Aunti
kasi biglang nagdesisyon na mag ibang bansa kami at doon na daw ako mag-aaral" malungkot kong sinabi kay Peachy.
"Teka anu na naman bang trip ng Aunti mo? Alam mo Marion dapat minsan umalma ka naman sa mga kagustuhan ng Aunti mo..hindi
naman sa lahat ng oras tama siya..bakit hindi mo i try kausapin maigi ang Aunti mo? ipaglaban mo din ang sarili mo ang
side mo ipaliwanag mo sa kanya. Hindi naman sa lahat ng bagay ay dapat hawak niya ang buhay mo may sarili ka din." Tama si Peachy
pero wala pa akong sapat na lakas ng loob. "Susubukan ko ang bagay na yan..pero sana hindi ako masamain ni Aunti natatakot
lang talaga ako sa galit niya pero ayoko talagang lumayo eh."
"ou tama yan. Pag nalayo ka mamimiss kita friend" hinawakan ni Peachy ang aking mga kamay.
Jason's POV
Ngpa-flash back sa akin ang mga nasaksihan ko noong nakaraang gabi iniisip ko pa din kung anong relasyon meron si Insan at Marion.
"Ang lalim ng iniisip natin ahh" biglang dating ni Rina "Pagod lang ako marami kasi akong ginawa ngayong araw" pagdadahilan ko.
"May bagong bukas na foodcourt sa labas tara treat kita" Si Rina talaga sa tuwing may problema ako napapagaan niya ang
pakiramdam ko dahil sa kakulitan niyang taglay. "Sige ba..maganda yang naisip mo" agad akong tumayo at sumama para kumain.
Rina's POV
"Alam mo Jason wag ka magpapalipas ng gutom ha tignan mo itsura mo pumapayat ka na. Concern lang ako sayo kasi nitong mga
nakakaraang araw mukang malalim lagi ang iniisip mo eh" pagdadaladal ko kay Jason habang kumakain kami dito sa bagong bukas na
foodcourt. "Rina pwede ka bang mapag share-an?" napatigil ako sa pagkain at napatingin kay Jason. This time kasi mukang seryoso
ang sasabihin niya. "Sige ok lang tungkol ba saan yan?" agad kong tanong. "Tungkol kay Marion at Von" sa pagkakataong sinabi
niya ang mga pangalan ay halatang halata ang lungkot ng tono ng boses niya. "Oh anong problema kay Marion at sa Pinsan mo?
tinignan ko mata sa mata si Jason. "Kasi....hindi ko alam kung tama ba yung naiisip ko oh nagkakamali lang ako ng palagay..
Nakita ko kasi sila last night magkasama. Iba yung naramdaman ko hindi ko alam kung anong meron sa kanila pero nagseselos ako
pero sana mali ang nasa isip ko." uminom muna ako ng juice bago mag salita "Naka-usap mo na ba ang pinsan mo?
"Hindi pa ayoko naman magmukang assuming hindi naman kami ni Marion para usisain ko siya ng ganun" sa mga naririnig ko mula kay
Jason ay ako man may nararamdamang pagseselos. Selos na itinatago ko dahil manhid si Jason hindi niya maramdaman na may
gusto ako sa kanya dahil naka focus siya kay Marion. Ang mahirap na part pa sa mga shine share niya ay mukang kaylangan
ko siyang bigyan ng payo bilang kaibigan na magiging labag sa kalooban ko. "Kung sa bagay wala naman yata namamagitan sa
inyo ni Marion bukod sa magkaibigan kayo..pero obvious naman na gustong gusto mo siya ang nagpa komplikado nga lang sa lahat
ay parang magiging karibal mo pa yata ang pinsan mo na super close mo." nanahimik panandalian si Jason sa aking sinabi.
"Yun na nga ang problema hindi ko alam kung papano ko tatanggapin to" Nagpatuloy ako sa pagkain ngumuya ako
at nilunok ko ang aking kinakain tapos nagsalita ako muli "Alam mo Jason sa panahon ngayon
hindi na uso ang martir kung gusto mo si Marion ipaglaban mo siya kaso ang tanong nga lang ay kung gusto ka din ni Marion..
I mean kung gusto ka niya as ka partner at hindi yung kaibigan lang." Hindi ko alam kung ano ba ang aking naipayo lahat ata ng
sinabi ko labas sa ilong ko mema lang. Pano naman kaya ang feelings ko? Nagpapaka plastik na ako sa sarili ko ngayon.
Marion's POV
Pinuntahan ko si Aunti sa Faculty room, tinayming ko na wala siyang kasamang mga co-teachers. This time ay kaylangan ko na
masabi sa kanya ang aking saloobin. Sana sapat ang lakas ng loob ko ngayon. Sa pinto ay medyo nang-aalinlangan pa akong
kumatok ng biglang nagbukas ang pinto nanlaki ang aking mata dahil wala na talaga atrasan to walang iba kundi si Aunti lang
ang pwedeng magbukas ng pinto.
"Ano!!!!!" sigaw ni Aunti sa akin after ko masabi sa kanya ang desisyon ko. Napatayo siya sa kanyang pagkaka-upo sa
hydraulic chair. "Hindi mo pwedeng baliin ang gusto ko Marion!!! pagbubulyaw pa niya. Sobrang yuko ko sa pagsigaw-sigaw niya
na hindi naman maririnig sa labas dahil sound proof ang faculty. "Aunti alam ko hindi ninyo ako mapapatawad pero patawad
sa pagkakataong ito susuwayin ko ang gusto niyo" mahinang sabi ko habang naka yuko." Tumuon si Aunti sa kanyang table na para bang
nawawalan ng lakas at nanginging sa galit tapos tinignan niya ako ng napakatalim niyang tingin. Nakakatakot talaga magalit si Aunti
eto ang unang beses ko maglakas ng loob para magsalita para tutulan siya. "Talagang sinusubukan mo ako humahaba na ang
sungay mo!!! ano ang dahilan at impluwensiya para suwayin mo na ako ng tuluyan!! Sa ayaw at gusto mo aalis tayo tapos!!"
"Ayoko na!!" biglang naisabat ko dahil sa bugso ng nararamdaman ko. "Buong buhay ko kayo ang gumawa...ikaw ang nasunod
at ikaw ang nagmaniobra.. Aunti sakal na sakal na ako hindi ko maramdaman ang laya ko daig ko pa ang de remote control
na bagay sana mapatawad niyo ako pero ayoko..ayokong umalis dito lang ako sa Pilipinas!" intense masyado ang sagutan namin
na ito ni Aunti hindi ko na nga alam halos kung ano ang mga lumabas sa aking bibig. Dinabog ni Aunti ang kanyang kamao sa
table at nanginginig siya sa sobrang galit. "Umalis ka sa harapan ko ngayon din!! walang modo!!! baka kung ano pa ang magawa ko!!"
maluha luha akong umalis at lumabas ng pinto habang kita ko talaga ang nanlilisik na mata ni Aunti. Ang susunod na magyayari?
Yan ang hindi ko masasabi ang mahalaga nasabi ko na ang saloobin ko sa kanya na matagal ko nang kinikimkim.