CHAPTER 9: HIDDEN FEELINGS

11 1 0
                                    


JASON'S POV

Past 12 na nang madaling araw at gising pa din ako binuksan ko ang fringe at kumuha ng maiinom na canned beer.

Umupo ako sa sofa at kinuha ko ang remote control sa table para i on ang flat screen T.V. Naglipat lipat ako ng channel

pero mukang wala akong matipuhang palabas kaya nagpatugtog na lang ako gamit ang Dvd.

Pop rock ang on track, naalala ko si Marion. Oo siya ata ang dahilan kung bakit ako balisa ngayon, parang habang tumatagal

napapalapit ako sa kanya at lagi siya ang sumasagi sa isip ko. Mukang nahihibang na naman ako sa isang babae. Pano

ko kaya maipagtatapat sa kanya ang feelings ko? Bahala na nga basta sa ngayon nakikita kong ok kami at lagi kami nagkakasama

masaya muna ako sa ganoong set up balang araw masasabi ko din tong tunay kong feelings para sa kanya.

--------*

Kinaumagahan sa Music class ko...

Isa isa ko silang pina breathing exercise at pagkatapos ay sumalang sila para sa vocal range using piano instrument.

Sa pagkakataong ito ay si Marion na ang magdedeliverate. Nag start na akong i-play ang piano at sasabayan niya ang piyesa.

Ang tinig talaga ni Marion ay likas na maganda at may quality talaga. Napakasarap pakinggan ng version niya ng Jar of hearts.

Pagkatapos niya ay nagpalakpakan ang lahat. Iba ang feelings ko pagkatapos parang ako ang lubos na masaya sa palakpakan

na iyon. Proud ako sa ginagawa niya at sa ipinapamalas niyang talento.

Pagkatapos ng klase at matapos ko ang deliveration ng lahat ng estudyante ko ay nagtungo ako sa fountain para uminom ng

malamig na tubig. Habang umiinom sa fountain ay nakita kong umiinom din si Marion sa kabilang fountain.

Pagkatapos kong uminom ay nilapitan ko siya "Pwede ko ba mahiram ang konting oras mo ngayon? bigla siyang natigilan sa pag

inom at tumingin sa akin.


Niyaya ko si Marion sa Mary Land Theme Park na malapit lang at nag treat ako ng ice cream habang nililibot

namin ang lugar. Pagkatapos ay sumakay kami sa ibat-ibang rides at enjoy na enjoy kami sa ginagawa namin.

After non ay nagpahinga kami at naupo sa isang bench sa tapat ng Carrousel.

Pinagmamasdan ko lang siya habang giliw na giliw siya sa kanyang paligid para siyang bata na natutuwa sa mga nakikita.

Maya-maya pa ay bigla siyang lumingon at nahuli niyang nakatitig ako sa kanyang mukha "May problema ba sa muka ko?

may dumi ba? tanong agad niya. Nataranta ako bigla sa isasagot ko "ahh w-wala.. wala naman mukang enjoy na enjoy mu ahh?

pabiro kong tanong sa kanya. "Bakit sir ikaw hindi mu ba na-enjoy?

"Di ba sabi ko sa iyo kapag wala tayo sa klase wag mu na akong tawaging sir. masyadong pormal Jason nalang mas ok yun"

tinignan niya ako ng parang batang inosente.

"ok sir" pang aasar niya "sabing Jason nalang eh" mabilisang pagtugon ko.

Tumawa siya "oo na Jason" sabay ngiti ulit.

"Nga pala may isasama ka naba sa concert?" tanong ko kasi mukang mawawalan na ako ng topic.

"Oo si Peachy nasabi ko na yon sa kanya tuwang tuwa nga siya"

"Sa totoo niyan tatlo talaga yung tickets at manonood din ako"

"Talaga! edi mas ayos tatlo tayo sabay sabay manood" tugon niya. "Ok lang ba kung sasabay ako sa inyo? pakunwari ko pang

tanong. "Anu kaba bakit aman hindi magiging ok eh sa totoo nga dahil sayo mapapanood ko ang idol ko magperform ng live

at utang ko sayo to nuh dapat nga ako ang mahiya sayo sobra-sobra na ang ginagawa mong pagpapasaya sa akin" masarap pakinggan

kapag na a-appreciate ni Marion ang ginagawa ko para sa kanya kaya uplifted ang feeling ko ngayon sa naririnig kong

sinasabi niya.



"Ahmm Jason medyo matagal na tayong magkakilala pero gang ngayon wala ka pang naikukwento sa akin tungkol sa buhay pag-ibig

mo... Na stock-up ako sa bigla niyang naisingit na topic para akong nanlamig sa kaba kung papaano ko ba sasagutin ang

ganung klase niyang tanong. "Ang swerte nang babaeng magiging girlfriend mo nuh bukod sa gwapo kana eh napaka bait mo pa

at talentado..pati siguro lagi mo mapapasaya ang babaeng mahal mo" sunod-sunod niya sinabi.

Sa pagkakataong ito ay parang lalo akong natotorpe sa kanya. Kinakabahan ako kasi baka sa oras na may masabi akong mali

o kung ipagtapat ko kaya ang feelings ko para sa kanya ay iniisip ko agad kung pagkatapos kong sabihin ay magiging pareho

pa din kaya ang pag trato at turing niya sa akin?

"May nagugustuhan ako pero wala akong lakas ng loob para ipagtapat sa kanya" yun lang ang naisagot ko.

"Maaasahan mo ako Jason. Kung kailangan mo ang tulong ko sabihin mo lang" nginitian niya ako at tipid

na ngiti lang ang naiganti ko. Bahagyang nalungkot ako sa

narinig ko kasi manhid siya hindi niya maramdaman na siya ang babaeng tinutukoy ko.

Ewan ko I really dont know what to say pa kaya niyaya ko nalang siya para umuwi.

---------------*

When I Dreamed About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon