CHAPTER 14: THE REVELATION

6 1 1
                                    


VON'S POV

Nakatanggap ako ng tawag mula sa staff ni Mr.Romualdez thankful talaga ako at nagkaroon ako ng second chance para

sa application ko ng OJT sa SYNCRO productions. Siyempre thankful din ako sa pinsan ko dahil natulungan niya ako

sa bagay na ito. Pangarap ko kasi talagang makapag trabaho sa kumpanyang yon.

Natapos ko ang proseso ng application ko at maganda ang naging resulta. Tanggap ako at walang duda sa SYNCRO productions na

nga ako mag o-OJT. Yes sa wakas makakapagtrabaho na ako sa gantong klase ng kompanya.

At dahil dito tinawagan ko agad ang taong nakatulong sa akin, si insan Jason.

"Gusto kong sabihin na maraming maraming salamat insan the best ka talagang pinsan," habang kinakausap ko si insan Jason sa

kabilang linya.

(JASON: Masaya ako sayo Von deserve mo naman yan kaya pasalamatan mo din ang sarili mo at si God.)

"Oo thankful talaga ako kay God at may mga tao sa paligid ko na nagsisilbing blessings para sa akin."

(JASON: Ok sige na i treat mo na lang ako kapag sumahod kana diyan.)

"Sure insan Salamat ulit"

Pagkatapos ng maiksing conversation namen ay umuwi agad ako sa bahay para i-sorpresa si mama sa maganda kong balita.


"Masaya ako isa na yang achievement para sayo mukang nagbubunga na ang pagpupursige mo!!!...sa pangarap mo" bungad agad ni mama after

kong sabihin sa kanya ang magandang balita ko.

"At siguradong matutuwa din ang Papa mo ipagmamalaki ka niya kapag nalaman niya na unti unti mo nang natutupad ang mga

inaasam mo...Proud talaga kami at biniyayaan kami ng anak... na gwapo na, matalino pa."

Sunod sunod na pagpuri ni mama sa akin habang ginagawa niya ang flower arrangement dito sa garden namin. Naupo din ako

para magkaroon kami ng bonding ni Mama. "Siyempre san paba ako magmamana?

biniyayaan din ako ng mga mapagmahal at maalagang mga magulang..kaya utang ko lahat sa inyo ni papa to mama"

maya-maya ay may bigla kaming dumating na bisita. "Hello tita, hello insan...!!! magandang araw sa

inyo!!!" si insan Jason pala sabay beso niya sa pisngi ni mama. "Oh iho..!!!Jason ikaw pala? buti naman at napadalaw ka?"

masayang pagtatanong ni mama.

"Pasensiya na tita kung bihira lang ako makapunta, alam niyo na medyo busy" habang paupo si insan na nakikipag usap

kay mama. "Insan...Salamat ulit ahh utang ko talaga sayo to", pag singit ko naman sa usapan nila.

Isang malaking ngiti lang ang itinugon sa akin ni insan Jason. "Siya nga pala jason, kamusta naman ang buhay mo?"

tanong ni mama. Nakangiti si Insan sa tanong ni mama na may halong pagtataka. "Ahhhh ayos naman tita sa araw-araw ay nakaka

raos" initial na sagot ni insan. "Haha ang ibig kong sabihin ay ang buhay binata mo...sa tingin ko sa edad mong yan at sa

achievements mo sa buhay dapat siguro ay mag umpisa ka na rin maghanap ng makakatuwang mo" pabirong banat ni mama.

Nagkatinginan kami at nag ngitian ni insan sa hindi inaasahang tanong ni mama na para bang may pagka talk show host ang dating.

When I Dreamed About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon