CHAPTER 12: THE HINT

8 0 0
                                    


Marion's POV

Pag dating sa bahay ay dumiretso agad ako sa aking kwarto. Wala pa si auntie sa bahay malamang marami pa siyang inaasikaso sa

office niya sa SCHU. Humilata ako sa aking kama na nakatihaya at nakatitig sa kisame. Iniisip ko pa din ang nangyari kanina

naguguluhan ako sa aking nararamdaman. Tinatanong ko ang sarili ko, "bakit ganito? bakit di ko mapigilan ang pag kabog ng

dibdib ko kanina ko pa to nararamdaman patuloy pa din gang ngayon at sa twing maiisip ko ang napaka among muka ng lalaking

yon." kumapa ako sa aking dibdib at tiklop kamao kong ipinatong ang aking kamay sa aking dibdib.

"Kaylangan kong pigilan ang nararamdaman ko...masasaktan lang ako sa ganung klaseng tao alam ko."

Kinabukasan pa hapon,ay nakipagkita ako kay Sir.Jason inimbitahan niya kasi ako ulit lumabas para mamasyal sa Mary Land Theme Park.

Naupo kami sa isang open field food court habang nanonood ng mga nag gigig sa center stage. Mga pop rock band ang nagpeperform

dito at ang gagaling nila. Umorder si Sir. jason ng Nacho's and Taco's at Burger with soda drinks. "Ang dami mo namang inorder

na pagkain Jason... masisira ang diet ko sa ginagawa mong to eh."

"Kaylan ka pa naging health conscious? oh dapat kong sabihin..fitness aware?" napangiti

ako kay Sir.Jason sa kanyang sinabi. "Nga pala tungkol dun sa babaeng nagugustuhan mo..kamusta? may pag-asa ba?"

"Ayoko umasa pero sana kung pagbibigyan niya ako na mapa sa kin siya gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para

mapasaya ko siya." sagot niya na may tonong hindi sure.

"Kung natotorpe ka at kaylangan mo ng tulong nandito lang ako Jason ....ahmmm teka nga sino ba talaga siya?"

Ngumiti lang si Sir.jason at biglang nagbato ng salita.... "Ikaw". "A- I mean Ikaw...may nagpapatibok nadin ba ng puso mo

ngayon? "Huh bakit ako? ang love life mo ang pinag uusapan natin ahhh bakit biglang napunta sa akin?" biglang hindi ako

naging palagay nang biglang ibinaling ni sir.Jason sa akin ang topic.

"haha nakakatuwa ka naman bigla ka na taranta sa tanong ko. Never kapa ba talag nagkaka boyfriend?" mapang asar na

tanong niya sa akin. "Kumain na nga lang tayo kung saan saan pa napupunta ang usapan natin ehh." Natawa nalang kami sa

isa't-isa sa pagkakataong ito. Habang kumakain ay napatingin ako sa kwintas na ngayon ku lang nakita na suot-suot ni

Sir.Jason. Tila pamilyar sa akin ang ganoong itsura ng pendant.

Habang kumakain ay panakaw nakaw akong sumusulyap sa pendant. Napapansin ni Sir.Jason

ang pagsulyap sulyap ko sa kwintas niya. Sa isang huling sulyap ko ay biglang nabuo na sa isip ko..tama ang pendant.

Iyon mismo at hindi ako pwedeng magkamali...iyon mismo ang pendant na nakita ko sa aking panaginip. Ang siver guitar na may

gold serpent na nakapulupot. Iyon ang actual na figure ng nakita kong pendant na nahulog ng misteryosong lalaki sa aking

panaginip. Hindi kaya siya ang tinutukoy sa aking panaginip? ang lalaking naka maskara? maraming tanong ang nabuo

sa aking isip sa pagkakataong ito. "Huy Marion? parang ang lalim ng iniisip mo ah." tanong sa akin ni Sir.jason

habang kumakain at giliw na giliw siyang nanonood sa mga nagpeperform sa stage.

"Ahhh w-wala jason may bigla lang akong naalala sa kanta." pagtatakip ko sa aking sarili.

Kung si Sir.Jason nga ang lalaki sa aking panaginip kaylangan ko mapatunayan may dalawa pang clue.

kapag taglay niya ang dalawang natitirang clue walang duda siya nga iyon.


---------------*

When I Dreamed About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon