CHAPTER 29: THE SO CALLED ROMANTIC BIRTHDAY MOMENT

8 1 0
                                    


Von's Pov

Sa loob ng simbahan ko dinala si Marion. Dito kaming dalawa ay magkatabing nagdarasal. Ipinapasalamat ko ang isa pang taon

na ipinagkaloob sa akin ni God ang mga blessings na dumating at marami pang iba. "Sobrang thankful ako kay God"

nanatili kaming nakaluhod ni Marion habang kinakausap ko siya. "Kasi nakilala kita at kasama kita ngayon mismo sa araw ng

birthday ko...ikaw ang best gift na natanggap ko mula sa kanya ngayon.." Sa pagkakasabi kong ito ay kitang-kita ko ang

tamis ng ngiti ni Marion. "Ang korni mo na ahhh..." biglang tugon niya sa nasabi ko. "Korni ka diyan tignan mo nga nagba

blush ka.."sabay duro ko sa pisngi niya. "Nagba blush ka diyan...hello sadya kayang rosy cheek ako" tumayo ako pagkasabi niya

at muli ko siyang hinila ng walang sabi-sabi. "Aray teka...Von dahan-dahan..ahm" Dinala ko siya sa gitna

papuntang altar.

"Von anu bang mga pakulo to...?" mahinang bulong ni Marion na may halong pagtataka sa ginagawa ko ngayon. Kumuha ako ng maliit

na portion ng sampaguitang nakasabit sa poon malapit sa altar at pagbalik ko ay kinuha ko ang kamay ni Marion. Habang

pinapanuod lang niya ang mga gimik ko at clueless siya sa ginagawa ko.

Itinali ko sa kanyang daliri ang maliit na portion ng sampaguita na nagmistulang singsing habang sinasabi

ko ang mga katagang "Ikaw babae tinatanggap mo ba ang nuknukan ng gwapong lalaki na nasa iyong harapan? at

nangangako ka ba ng wagas na pag-ibig sa hirap at ginhawa..in sickness and in health till death do you part?"

Natawa si Marion sa pagkakataong ito ng aking kabaliwan. "Teka pag iisipan ko muna.." pang-aasar na tugon ni Marion

"Sagot na" pagmamando ko na may halong pagpapa cute. "May magagawa pa ba ako? opo Father..." sagot niya na para bang

napilitan lang. "Ok I will now pronounce you husband and wife you may kiss the bride" sabay lapat niya ng dalawang daliri

sa aking mga labi hudyat na pagpigil niya sa kiss na hindi ko naman talaga itutuloy.

"Abuso ka na ahhh hindi ka na makaka-isa sa akin" sabay takbo niya na parang runaway bride at hinabol ko siya na para

bang mga bata kaming naglalaro ng habulan palabas ng simbahan.

Hingal na hingal kaming nakalabas ng simbahan. Pareho kaming napatukod ng mga kamay sa

tuhod at walang humpay ang aming mga tawanan. Nilingon namin ang isa't-isa at nagtitigan. Pilyo at pilya, the way ng aming

pagngingitian wari nangungusap ang aming mga mata.

Maya-maya ay dahan-dahang kinuha ni Marion ang aking kamay at naglapat ang aming mga palad. Dumiretso kami ng tindig at

ako naman ang biglang hinila ni Marion. "Huyyy!!! teka!!!" sigaw ko.


Marion's POV

Ginalugad namin ang Park na palagi naming pinupuntahan. Dito, sabay kaming nagpapadyak ng bisikletang ni rent namin.

Unahan kami sa pagba-bike. "Ahhhh hindi mo ako mauunahan!!!" sigaw niya habang nauungusan na niya

ako. Binilisan ko ang pagpadyak "Hindi ako papayag!!! andyan na ako!! wohhh!!! Kasabay ng pagkakarera namin ay kitang-kita

namin ang ganda ng view ng Park. "Sabi ko naman sayo mas magaling ako mag drive ng bike!!! sigaw ko kay Von at naka overtake

ako sa kanya. "Ah wag kang pakasiguro heto na ako hintayin mo lang woohh!!!" para kaming bumalik sa pagkabata nakaktuwa

kung mapagmamasdan ang aming pagkukulitan. Maya-maya ay narinig kong sumigaw si Von mula sa aking likuran at narinig ko

ang kalabog ng bike. Nahinto ako at pumreno bigla. Nilingon ko agad si Von at nagulat ako dahil sumemplang siya.

Dali-dali kong iniwan ang bike at tumakbo patungo sa kanya. "VOn!!! anong nangyari.!!?" Nag worry ako sa pagkakataong

ito at dalian kong inalalayan si Von upang tumayo subalit masyado siyang mabigat. Dahil sa bigat niya..sa halip na maitayo

ko siya ay na out of balance ako at dalawa kaming nahulog sa lupa. Napailalim ako sa kanya sa pagkakahulog namin sa lupa

sa hindi sinasadyang pagkakataon. Para na namang nag slow motion ang buong paligid namin at natulala kaming pareho sa

ganoong posisyon. Mga ilang sigundo ay tumayo na si Von at inalalayan na rin niya ako para makabangon. Pagkuha niya sa

kamay ko para makatayo ay hinila ko ulit siya pababa dahilan para mapa-upo kaming pareho sa madamong lapag.

Tapos sa walang kadahilanan ay napatawa nalang ako sa aming katangahan. "Anong nakakatawa?" pa inosenteng tanong pa

niya. "Ikaw kasi ang lampa lampa mo" pang-aasar ko. "Lampa ka diyan aksidente yon bakit ikaw? lampa ka din naman ahh?"

sabay mahinang batok niya sa akin. "aba sumosobra kana ha" sabay ganti ko ng pagbatok sa kanya at napakamot lang siya ng

ulo at pangisi-ngisi na tila nang aasar pa talaga.

Ilang oras din ang naging bonding namin. Npakasaya ng naging pagkakataon na nagkasama kaming dalawa at nasulit naman ang

mga oras namin na iyon. Hinatid na ako ni Von sa bahay angkas ng kanyang motor. Sa tapat ng gate bago kami tuluyang maghiwalay

ay kinuha ko ang kanyang braso at kinuha ko ang sign pen sa aking bulsa. Sinulatan ko ang braso niya ng ganito...

[ TAKE CARE AND HAPPY BIRTHDAY!! :) ] sabay pirma ng pangalan ko. "Wala akong regalo sayo Von..at dahil ikaw

no.1 stalker ko at no.1 fan kO.. ayan may autograph ka sakin..anong feeling? aba maswerte ka dahil kaw ang kauna-unahang

tao na nakatanggap ng autogragh sign ng future singer na kagaya ko" yabang yabangan kong sinabi sa kanya. Napangiti lang

siya "Wag ka mawawala mamaya ahhh..para ma meet mo rin si Mama" tanging nasabi niya pabalik sa akin. Matamis na ngiti ang

sinagot ko "ok sige na umuwi ka na at magpahinga mamaya magiging abala ka" lumakad si Von patungo sa motor niya at muli

ay tinawag ko siya "Von!!!" lumingon siya. "Happy Birthday!!!" with a smile.

----------------------------------*

When I Dreamed About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon