CHAPTER 27: FULL OF SURPRISES

6 0 1
                                    


Rina's POV

Habang pinapanood namin sa stage si Jason ay pinapanood ko din kung paano tumitig si Jason sa katabi kong si Marion.

Nagseselos ako pero alam ko wala naman sa lugar ang pagseselos ko dahil hindi naman kami ni Jason. At wala din siyang

idea na may gusto ako sa kanya, kaya eto ako hoping lang sa lalaking hoping sa iba. Hindi ko din maiwasan na sumulyap kay

Marion ng paunti-unti. Simple lang siya pero may something na positive vibes sa pagkatao niya. Mabait siya kaya siguro

gustong gusto siya ni Jason. Malakas pa rin ang hiyawan ng mga bisita ni Jason at sadyang nakabibingi,

mga ilang minuto ay natapos ang performance ni Jason at pumalakpak ang lahat gayon din ako at si Marion.

"Salamat..salamat" pagkatapos ng isang pasada ng guitar playing ni Jason at bumaba na siya sa mini stage. Sa table kung

nasaan kami, naupo siyang muli.

Pagkatapos ay may sumunod na performance from the band. "Ang galing galing mo talaga Jason the best ka talaga"

pagpuri ko agad sa kanya pag lapit sa amin. "Jason napakagaling mo talagang musician wala kang katulad napaka versatile

mo talaga" sinundan ni Marion.

"Nalulunod na ako sa papuri teka gusto niyo ba ng ladies drink?" Ngumiti lang kami ni Marion. Dumating ang waiter at

binigyan kami ng ladies drink. Nag toss ang lahat ng nasa table na kung saan kami naka upo "para sa birthday boy!!"

pagkatapos ay sabay-sabay naming nilagok ang alak. Kagaya ng ibang nagtatagayan ay iba't-ibang trip na dito maraming mga

dare games kaming nilaro at nag-eenjoy naman ang lahat. marami na din nainom sila pero kami ni Marion ay agapay lang.

"ahm excuse me" tumayo si Marion. "Marion san ka pupunta?" inalalayan

ni Jason ang upuan ni Marion. "Pupunta lang ako sa ladies room" sagot ni Marion. "Ok" tugon ni Jason.

Von's POV

Medyo late pero sa wakas nakarating din sa Venue ni Insan Jason. Pumasok agad ako at nagkakasiyahan na talaga dito

mukang huli na talaga ako sa kasiyahan lahat sila mukang may amats na dito. Dala ang alak na regalo ko ay binaybay ko ang

loob ng venue. Lahat ng kababaihan dito ay nakasulyap sa akin. May mga nagpapa cute at may parang nang aakit pero derecho

lang ang tingin ko at ang focus ko ay ang makita si insan, nasan kaya siya? Puro hiyawan ang maririnig dito dahil sa bandang

tumutugtog. Hindi nagtagal ay natamaan ng aking tingin ang table kung saan naka-upo si insan. Nagmadali akong lumapit sa

kinaroroonan niya.

"Insan!!! Happy birthday!!!" sigaw ko at biglang lingon niya. Dali-dali siyang tumayo at sinalubong ako at niyakap ko siya.

"Insan nga pala regalo ko buksan na natin to at inumin" inabot ko ang tequilla na dala ko para sa kanya.

Magkatapat kaming naupo "Teka insan siya na ba?" agad ang tanong ko nang makita ko ang isang babae sa tabi niya. Nangiti

lang ang babae. "Siya nga pala Von si Rina kaibigan ko at nagtatrabaho din siya sa music school.Rina si Von ang

pinsan kong pogi." "Hello nice meeting you!!" tugon ni Rina

When I Dreamed About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon