CHAPTER 26: JASON'S BIRTHDAY

9 0 2
                                    


Author's POV

Mabilis lumipas ang mga araw at Month of October na. Sem-break na. Limitado ang mga naging galaw ni Marion sa mga nakalipas

na araw. Hindi na siya masyadong nakaka pasyal sa park bagay na alam na rin naman ni Von. Bihira na rin Makasalamuha si

Marion kay Jason dahil tumigil na nga siya ng tuluyan sa pagpapatutor sa Music School.

Marion's POV

Sa kwarto lang ako ngayon habang ang lahat ng artwork mask letters ni Von sa akin simula noong una niyang

ipinadala hanggang pinaka-latest ay sinabit ko sa ceiling at nagmistulang chandelier.

Ang dami na rin at nakaka aliw silang pagmasdan sa itaas

habang nagiis-sway sa hangin. Habang nakahiga ako at pinagmamasdan ko ang mga maskara ay biglang nagtext si Jason.

Isang Invitational Text. Oo nga pala bukas ay October 11 at birthday niya.

Kaylangan magawan ko ng paraan makapunta para makabawi ako sa kanya ayoko naman na isipin niya na napaka unfair ko,

total kaarawan naman niya. Magiimbento na lang ako ng reason kay Aunti hmmm ano kaya? Basta bahala na talaga si Batman.

Kinahapunan ay patakas akong umalis ng bahay para makabili ng ireregalo kay Jason. Sa likod ng bintana ng kwarto ko ako

pumuslit at sa awa ng Diyos ay maayos din akong nakababa. May naisip ako mahilig siya sa instruments

kaya pumunta agad ako sa music store para bumili ng Yukalele gamit ang konting ipon ko.

Mabilis lang at nakauwi din naman agad ako sa bahay ng hindi halata ni Aunti.

Von's Pov

[ Konting preparasyon lang ang inihanda ko insan ok na yon maidaos lang ang birthday ko. ]

Si insan Jason sa kabilang linya. Vacant time dito sa Pantry ng company kaya nagamit ko ang mobile phone ko medyo maingay

kaya dumistansya ako ng konti sa mga kaworkmate ko.

"Madadagdagan na naman ang edad natin insan lalo na ikaw..." sabay tawa ko sa kanya.

[ Haha kaw talaga basta wag ka mawawala bukas ahhh pati bukas makikilala mo na rin yung babaeng nagugustuhan ko kaso hindi pa

siya handa na magkaroon ng relasyon eh kaya single pa rin ako. ] naglakad ako malapit sa vendo machine para kumuha ng maiinom

na canned drinks. "Ahhh sige makaka-asa ka na pupunta ako...sa birthday ko naman ipapakilala ko na din sayo ang bago kong

napupusuang babae...kaso katulad ng sayo wala pa rin kami kasiguruhan M.U kung baga." sabay kuha ko ng canned drinks sa machine.

Naglakad ulit ako at naupo habang kinakawayan ako ng mga ka-workmate ko sa kabilang table. [ Sige makaka-asa ka rin na

pupunta ako sa birthday mo. Na ko-curious din kasi ako dyan sa girl na pumalit sa pwesto ng ex mo sa puso mo eh ano kaya

ang kakaiba sa kanya at nabihag ka niya na napaka pihikan. Ok basta bukas asahan kita wag ka mawawala ah. ]

"Ok basta ikaw insan" sabay baba ng phone.

After ng pag-uusap namin ni insan ay lumipat na ako sa kabilang table sa mga ka officemates ko dala-dala ang canned drinks.

"Von ano ang balak mo sa birthday mo lahat ba kami imbitado?" bungad na tanong agad ni Echo bago pa lang ako maupo.

"Oo nga balita ko house party yan?" sabat ni Rico isa rin sa mga ka close ko sa office. "Oo naman invited kayo dun..kayo pa ba?

When I Dreamed About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon