CHAPTER 16: ACQUAINTANCE PARTY "The Most Awaited Night"

6 0 0
                                    


AUTHOR'S POV

Sumapit na ang gabi at ang lahat ng student ng SCHU ay parang nasa red carpet entrance ng Oscar's Award. Pabonggahan ng mga

kasuotan na may temang pang fantasy. Na occupied ang kalahati ng oval ng SCHU at nagmistulang concert stage na nasa open field

venue. May mga special seats para sa mga special guests at mga teachers na nakalaan. Ang venue ay nahaharangan ng mga

golden fences at ang Venue ay naka design na parang nasa Enchanting garden. Sa entrance ng venue ay isang malaking

golden gate at may mga naka panamit na mistulang the three musketeers na nakabantay. Pag pasok ng grupo nila VON sa Venue ay

halos matunaw sila sa mga tingin ng mga taga hanga nila sa campus. Center of attraction talaga sila at mukang mga prinsipe

ang attire nila FRANK,PAOLO at VON habang sila MERRY at JERICA ay mukang mga seductive modern fairies naman.

Malaya ang lahat na gumalaw sa malawak na venue at malaya din silang makisalamuha sa kahit na sino sa loob. Samantala sobrang

abala naman ng mga student counsils sa backstage at ang iba ay nakakalat sa loob ng venue for peace and order.

Ang lahat ng food ay nakaprepare nadin para i serve at may mga ibat-ibang booth din ng pagkain at drinks sa loob.


MARION'S POV

Sa loob ng dressing room na malapit sa backstage ay nagaganap na ang transformation na gagawin sa akin sa tulong nila

Joel at Milka. Buti nagawa ko ng maaga ang pinagagawa ni Aunti sa akin at mukang wala naman siyang idea na nandito ako

sa Party. "Milka sigurado ba kayong sa gagawin natin hindi ako makikilala ng kahit sino lalo na ni Aunti?" pangangamba

kong tanong. "Well malamang sa oo, dahil sobrang ibang Marion ang lalabas mamaya at leave it to me baby

makikita mo ang big transformation mo na halos ikaw hindi mo na makikilala ang sarili mo" buong kumpyansang sagot ni Milka

sa akin. habang kinakabit niya ang hair extension sa akin.

"Ah nga pala nandito na ang lahat ng costume mo Marion pati mga accesories kumpleto yan" biglang pasok ni Joel at

isinalansan lahat ng gagamitin ko malapit sa amin."Kumpleto na yan maliban sa isa pang importanteng accesory pasensiya na

wala pa pala yung magtatago sa katauhan mo ng lubos" biglang bawi niya.


PEACHY'S POV

Pumunta ako sa dressing room ni Marion para silipin ang nangyayare doon medyo na set na rin naman lahat ng Technical

supports sa backstage kaya nagkaroon na ako ng pagkakataon para puntahan si Marion.

Pag pasok ko sa dressing room ay almost done na at napaka perfect talaga ng magiging transformation niya.

"Wow!!! Hindi na kita makilala...ang galing ibang iba ka ngayong gabi ahhh..perfect ka talaga Milka talagang maaasahan

ka sa gantong bagay."

"Well alam mo yan friendship!!! wala pa akong tinrabahong pumalya lahat pasok sa banga!!"

"Ang ganda ganda mo talaga Marion sabi ko na nga ba at may tinatago kang ganyan" pagpuri ko sa aking friendship habang

When I Dreamed About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon