PEACHY'S POV
Dumating na ang araw na pinaghandaan ng mga student counsils ng SCHU. Ang Aquaintance Party. Umaga pa lang ay aligaga na kami
kasama ko sila Joel at Milka sa pag aasikaso.
Simula sa pagdedesenyo, pag iisip ng tema, program proper, lahat ng counsils ay abalang abala sa pag oorganize nito.
Kailangan maging memorable ang party ng batch na ito kaya naman lahat ng klase ng entertainment ay ipagagawa namen sa mga
piling student ng SCHU.
Sa backstage na pagdarausan ay di ako mapakali hinahanap ko kasi si Marion mamaya na kasi ang production number niya na
inihanda namin. "asan na kaya si Marion? Hays parang ngayon ako na ang kinakabahan sa performance niya ah" bulong ko sa sarili.
kinuha ko ang cellphone ko para kontakin si Marion. "hello Marion nasan ka? puntahan mo ako dito sa backstage ngayon...ok
sige hihintayin kita." sabay baba ko ng phone.
MARION'S POV
Nagpunta agad ako kay Peachy hindi ko mapalagay ang aking sarili kasi wala na yatang urungan to mamaya na ang kauna unahang
on stage performance ko na may live audience at mga ka campus mate ko pa. Isa pa mapapanood ako nila Von at ang pinaka
nakaka kaba sa lahat si Auntie, sana maging effective ang mga plano nila Peachy. Jusko Lord sana hindi ako mabuko.
"Ano ok naba ang lahat na briefing ka na ba nila Milka at Joel sa mangyayare?" tanong agad ni Peachy ng makita ako.
"Ou Peachy Salamat sa pag aasikaso alam ko masyado kang stress ngayon pero mas inuuna mo pa ako". "Wala yon ano ka ba...
basta tiwala lang kaya mo yan matutupad na din ang isa sa mga pangarap mo ang mag perform sa stage sa harap ng maraming tao
higit sa lahat sa harap pa ng aunti mo".
"Kaw talaga masyado ka mabiro" tinapik ko ang braso ni Peachy. "Haha pinapa limot ko lang sayo ang kaba ano kaba" sabay
ganti din niya ng tapik sa braso ko. "Mapalimot o baka dinagdagan mo pa?" Nagngitian kaming dalawa.
JERICA'S POV
Sa backstage ay para akong nag ii-spy kala Marion at Peachy. Narinig kong may plano sila at gimik na gagawin mamayang gabi
sa production number ni Marion. Mukang ka abang-abang ang mangyayari mamaya ah. At mukang umaandar na naman ang kamalditahan ko
ngayon. Kung ano man ang plano nila sira sa akin yan. Hmmmm wala na man kami personal na alitan ni Marion pero ewan ko
ba bakit ang init ng dugo ko sa psycho na yon. "Well Marion tapos ang pagka ilusyonada mo mamaya." Isang malditang ngiti
habang sinasabi ko yan sa sarili ko. Mamanmanan ko lahat ng galaw nila. "Hmmmmm may naisip ako... maglalaro na naman si Jerica"
madali akong umalis at nag pasyang magtungo sa office ni Ms.Apacible ang teacher na tita ni psycho girl.
VON'S POV
Natatawa lang ako sa tropa kong sila Frank at Paolo masyado nilang kinakarir ang gagawin nilang performance mamayang gabi sa
party. Mga pa-kwela talaga. Malamang titilian na naman sila ng mga kolehiyalang fanatic sa grupo namin dito sa SCHU.
Ako hindi na ako mag eefort manonood na lang ako sa mga kabaliwan nila. Iniwan ko nalang muna sila para makapag prepare
nadin ako ng aking susuotin.
Mukang excited ang lahat mamaya sa party ah. Last Aqcuaintnce party narin ng batch namen dito sa campus kaya lahat kami
mamimiss to kaya din siguro mga nag eeffort kami ng ganito.
Aunti REBECCA'S POV
"Marion total hindi ka naman aattend ng party mamaya gusto kong puntahan mo si LUcilla para personal na iabot sa kanya ito"
sabay abot ko kay Marion ng isang folder na may mga legal documents.
"Ahm sige po Auntie ako na pong bahala mag abot nito kay Lucilla sa bahay niya". Si Lucilla ay ang personal Attourney ko
at matagal ko na ring kaibigan. Pagkakuha ni Marion ng mga documents ko ay mabilis na rin siyang umalis. Hindi siya
aattend ng Party dahil simulat sapol ay hindi siya mahilig humalubilo sa nakararami.Simula noong bata pa siya ay never siyang
lumahok sa mga gantong klase ng socialization. Mas gusto pa niya kaharap ang mga ginagawa niyang guryon kesa sa mga gantong
bagay, bagay na para sa akin ay mas ok na kesa sa matuto pa siyang makipag barkada at maimpluwensiyahan ng mga kabataang
walang ambisyon sa buhay.
Naglakad lakad ako sa Hallway ng SCHU patungong office ko sa 3rd floor at kita kong busy talaga ang mga Counsils at
iba pang mga co-teachers ko sa pag prepare sa party.
Pag dating ko sa office ko ay may nakita akong notes sa table ko na may nakasulat na (IKAW ANG MAGIGING NUMBER ONE FAN
NI MS.PSYCHO). Napa isip ako sa notes na nabasa ko. Kanino kaya galing to? at sinong walang modo ang pumasok sa office ko?
Lumapit ako sa bintana at dumungaw para pagmasdan ang nasa ibaba. May hindi magandang kutob ako na nararamdaman.
---------------*