Von's POV
Kung ano man ang nangyare kanina at nag walk-out ang The Queen of Hearts ay malaking katanungan para sa akin. Nagulat lahat
ng audince at nadismaya sa nangyari. "Napaka un proffesional niya sayang ang galing pa naman" mga naririnig kong
komento habang hinahanap ko siya. Nakarating na ako ng backstage pero mukang wala siya dito. Nakasalubong ko ang ilang
pamilyar na organizer ng event sila Peachy muka silang malulungkot. "Nasaan na kaya?" bulong ko.
Pag nakalampas ang gabing ito at hindi ko na reveal sa sarili ko kung sino siya...mahihirapan na ako kaya dapat
ngayong gabi mismo malaman ko kung sino ba talaga siya. Nagtanong tanong ako sa mga tao dito sa backstage about sa
kanya sana may makapag turo sa akin kung saan siya nagpunta.
Marion's POV
Nakakahiya ako kanina...yan ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Ang pinakamalala pa..si Aunti Rebbeca, paano ako haharap
sa kanyang muli? Naupo ako sa pahabang upuan na yari sa bato. Mas komportable ako ngayon dito mag-isa sa pinaka dulo
ng oval kahit mag emote ako walang makakakita sa akin dito. Muka akong basang sisiw sa itsura ko ngayon. Ang masscara
sa mata ko nagkalat sa muka ko dahil sa pag iyak ko. Muka akong wasted habang naka nakaupo at yakap ang mga binti ko
sa mahabang upuan na to.
Tumingala ako sa langit para pigilan ko pa ang luha ko sa pagpatak. "Mama hindi ko maintindihan..." sabay kausap ko kay
mama. "Malaking palaisipan sa akin kung bakit ganun si Aunti..alam ko naman na sa ikabubuti ko ang iniisip niya pero
ano bang ikasasama ko sa pagkanta? Kung bakit sa ginagawa ko... para sa kanya malaking kapahamakan at kahibangan?"
Pumikit ako habang nakatingala sa langit. Dinadama ko ang katahimikan dito. Sa calculation ko mga 3 minutes at hindi pa
rin ako dumidilat nang..."Ms. Queen of Hearts!!" isang pamilyar na boses ng lalaki ang nanggagaling sa likuran ang bumasag sa
katahimikan ng pag-iisa ko. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko. Malaking rebelasyon sa akin ang nakita kong lalaki
walang iba kundi si Von at inaabot niya sa akin ang puting panyo na sa tingin ko ay gusto niyang gamitin ko para punasan
ang luha kong mistulang putik sa masscara. Sa tagpong ito mukang hindi lang ako ang nagulat, maging siya.
Parang nag slowmo ang paligid ko. Anong ginagawa ng lalaking ito dito? at bakit mukang concern siya sa akin?
Von's POV
Para akong naglaro ng statue dance sa pagkaka freeze ko dahil sa gulat. Is this a joke? si Queen of Hearts ay si Marion?
habang nakaliyad ang braso ko dahil sa inaabot kong panyo. Napaka awkward masyado ang naging atmosphere ko dito.
Revealing at embarrasing pero sa totoo lang ibang iba siya sa karaniwang psycho girl na nakikita ko na weird.
This time na figure out ko na may tinatago din siyang angking ganda kahit kalat kalat na ang masscara sa muka niya sa pag
iyak. Iba talaga siya ngayong gabi nakaka akit ang ganda niya.
Ang girl na hate na hate ko ang siya palang nagmamay-ari ng boses na LVS ako o last voice syndrome.
Para akong napaglaruan ng tadhana ah. "Ahhhhm sige na kunin mo tong panyo ang panget kasi kung makalat na yang muka mo"