MARION'S POV
Halos maubusan ako ng hininga sa sobrang hapo ko sa layo ng tinakbo ko. Nahinto muna ako saglit halos nalibot ko na yata ang
oval ng school na napaka lawak. Ang bilis niya manakbo, maya-maya ang lalaking hinahabol ko ay siya namang lumalapit
patungo sa pinagkakatayuan ko. Naka yuko at napatukod na ang dalawang kamay ko sa tuhod ko sa sobrang pagod.
Habang pinagmamasdan ko ay kinikilala ko ang kilos niya. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha. At nang halos ilang metro
nalang ang lapit naming dalawa ay tumindig ulit ako. Tama siya ulit ang misteryosong lalaki na naka maskara.
Hinaplos niya ang aking muka at niyakap niya ako ng mahigpit at napaka init. Damang dama ko ang kanyang yakap kaya lumaban
na din ako ng pagyakap dahan-dahan ko inilagay ang mga kamay at braso ko sa kanyang likuran.
Biglang kumabog na naman ang aking dibdib. Ang puso ko parang nagkukumawala sa sayang nadarama nito.
Kahit ako hanggang ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama. Sa pagkakataong ito para akong nahihiya at natatameme
sa sitwasyon kong ito.
Pero pakiramdam ko safe na safe ako sa bisig niya at mahal na mahal niya ako nakakapagtaka lang bakit kaylangan niya
itago ang kanyang pagkatao sa akin.
Gusto ko marinig ang boses niya pero hindi niya rin magawang magsalita. Pero ewan ko ba, bakit ang saya ko sa pagkakalapit
namin dalawa ng ganito? Ngayon ko lang naramdaman ito, iba siya sa ibang lalaki na nakasalamuha ko na.
Ilang minuto din ang tinagal ng pagyakap niya sa akin at kumawala na kami sa isat-isa inilapat ko ang mga braso ko
sa kanyang dibdib at humawak siya sa aking baywang bahagyng itinaas niya ang maskara niya dahilan para masilayan ko ang
kanyang mga labi. Ang nipis at napaka kissable ng lips niya sa pagkakataong ito unti-unti naglalapit ang aming mga labi
pabilis ng pabilis ang tibok ng aking puso mahal ko siya sa pagkakataong ito yon ang sinasambit ng isip ko.
Di nagtagal ay naglapat ang aming mga labi at nag kiss, napaka lambot ng kanyang mga labi. Dahil doon hindi ko namalayan
at hindi niya rin namalayan na nahubad na pala ang kanyang maskara. Nakapikit ako noon bigla siyang kumalas sa pagkaka
halik sa akin at tumalikod pagmulat ko ay bahagyang nakalayo na siya sa akin. Tumakbo siyang papalayo muli at hindi
ko na nagawang siya pa ay habulin. Tumingin ako sa lupa at naiwan at pinulot ko ang kanyang maskara. Pangalawang
bagay na ito na naiiwan niya sa akin sa twing kami ay magkaka encounter.
Biglang namulat ang aking mga mata sabi ko na panaginip ulit. Napatulala muna ako nakatulog pala ako at nandito pa
rin ako sa rooftop ng school building. Naupo ako at napatingin sa booklet na nasa tabi ko, naka bukas ito at hinahangin ang
bawat pahina. Nang humina ang hangin ay tumigil ito sa pagbuklat at dinampot ko ang booklet ng mga panaginip at ang pahina ay
tumapat sa topic na "Panaginip na may Zodiac Signs".
Binasa ko ito.
"Ang Zodiac Sign sa panaginip ay kadalasang nagpapakilala sa isang pagkatao at may kinalaman ang kanyang birth sign.
Kung sa iyong panaginip ay may misteryosong pagkatao na hindi nailahad sayo oh malabo kung sino ang
pagkatao niya at may zodiac symbol kang nakita sa isang series ng
panaginip mo na ito, ang magpapakilala sayo kung sino siya ay ang zodiac symbol. Maaaring malapit siya sayo, kakilala
mo o makikilala pa lang".
Huminto ako sa pagbabasa " Libra ang lumang timbangan sa Zodiac" malalim ang aking pag iisip at mukang gusto kong alamin
kung sino siya sa aking panaginip may isa na akong clue. "Tama Libran ang lalaki sa aking panaginip" bigla akong
napatingin sa aking cellphone " Haah? nako late na naman patay na naman ako kay aunti nito" pangangamba ko muli. Dalian
na akong tumayo at pinulot ko ang aking mga gamit.
---------------*