CHAPTER :32 PLAN OF BREAKING RULE

9 0 1
                                    


Mr.Romualdez POV

Sa parking lot ng SYNCRO Building ay mga ilang minuto din akong naghihintay kay Mr.Filan. Wala siyang ideya na hinihintay ko siya

ngayon dito. Mga ilang minuto pa ay natanaw ko na si Mr.Filan at agad ko siyang nilapitan ng hindi niya napapansin.

"Mr.Filan!!!" pagtawag ko sa kanya mula sa kanyang likuran at bigla naman siyang napalingon.

Dito sa coffee shop ko siya niyaya para sa isang importanteng usapin. "Mr.Filan" panimula ko. "Ahm Mr.Romualdez Von nalang po

ang itawag niyo sa akin total wala naman po tayo sa opisina" mungkahi niya. "Ok sige Von" sagot ko sa kanyang mungkahi.

"Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo kung bakit kita inanyayahan dito ngayon." tumingin si Von na halata kong

nakukutuban na niya ang pakay ko. Humigop muna siya ng coffee "Ahm tungkol po ba ito sa gusto niyong malaman? kay Ms. Apacible?"

tanong agad niya sa akin pagkababa ng cup of coffee. Tinignan ko muna si Von ng may pagka agresibong titig bago ako magsalitang muli.

"Sa pagkakataong ito..alam kong ikaw ang lubos na makakatulong sa akin para makapagbigay ng impormasyon..gusto kong

malaman kung saan ko siya matatagpuan at alam kong alam mo kung saan.." lubos ang pagtataka sa emosyon ng muka ni Von

sa aking mga sinasabi. Wala siyang idea kung bakit

nais kong malaman ang bagay na noon ko pa inuusisa sa kanya. "Si Ms.Apacible...alam mo kung saan ko siya matatagpuan diba?"

Nagpalinga linga si Von bago makasagot sa aking pagiging agresibo. "Opo sir..ahm mukang may malalim kayong ugnayan sa kanya

at mukang matagal na kayong magkakilala ano po?" Tumingin ako sa direksyon kung saan tanaw ang labas "Oo Von at may mga bagay

kasi na dapat itama..gusto ko siyang makaharap muli para masabi sa kanya at malinawan ang lahat." pagsisinungaling ko upang

hindi mabuko ang plano ko.

Marion"s POV

Sa bahay pagkauwi ko galing school ay sabay kami ni Aunti sa hapag. Kumakain kami na tila parang hindi kami magkasama o wala

akong kasama dahil wala kaming imik sa isa't-isa. Maya-maya ay bigla siyang nagsalita "Marion ihanda mo ang sarili mo dahil

lalabas tayo ng bansa next month." bagay na ikinagulat ko. "Ahm aunti pabigla bigla naman po ata? bakit may problema po ba?"

tanong ko ng may pag aalinlangan. "Naisip ko kasi na doon mo nalang ipagpatuloy ang pag-aaral mo..doon mas marami kang

matututunan dahil mas advance ang study." Nailapag ko ang mga kubyertos sa pinggan na pinagkakainan ko sa narinig kong plano

ni Aunti na yon. "P-pero Aunti ok naman po ako dito" mababang tono ko. "Hindi ka magiging ok dito at alam ko ang pinaplano ko

wag mo akong kinokontra na naman na bata ka" pagmamasungit niyang muli. Sa pagkakataong ito ay masasabi kong sobra na si

aunti at hindi ko talaga siya maunawaan sa gusto niyang mangyari sa buhay ko. Completely kinokontrol na niya ang buhay ko

mas malala ngayon kumpara noon. Isa pa si Von, kapag natuloy ang balak ni Aunti...tuluyan magkakalayo ang aming landas

at nakakalungkot isipin ang bagay na yon para sa aming dalawa. Bumigat ang aking pakiramdam sa aming pag-uusap na ito ni

Aunti feeling ko gusto ko na siyang pangatwiranan ng pangatwiranan. Gusto kong magsalita para kontrahin siya subalit nauunahan

When I Dreamed About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon