Marion's POV
Ako si Marion ang bida sa kwentong ito. Simple lang ang ugali at pagkatao ko pero kakaiba ang itsura at porma ko.
Para sa kanila looking weird ako. Mahilig lang ako sa mga panglalaking pormahan, naka six pocket pants,
t.shirt na faded o patay ang mga kulay tapos papatungan ko lang ng mga dark color na cardigans minsan loose
na chaleko top.
Medyo buhaghag at wavy ang buhok ko na lagpas balikat lang. Maliit ang aking muka at matangos ang aking ilong. Manipis din ang
aking mga labi. Maputi ang kutis, balingkinitan ang pangangatawan 5'4 ang height ko at may pagka western look nga daw ako.
Sabi nang iba may tagong kagandahan daw din akong tinataglay. Pero hindi naman kasi ako yung feminine type na palaging nag
aayos ng sarili.
Ang importante sa akin mapanatiling malinis lang ang personal hygiene ok na yon konting powder lang sapat na.
Medyo tahimik lang din ako bibihira ako makisalamuha sa tao siguro yung mga taong nakakapalagayan ko ng loob sila na yung
mga best of the best para sa akin. Kaya sa School namen lagi ako nasasabihan na may sarili akong mundo. Never pa din akong
nagka boyfriend pero minsan napapa-isip ako kung ano kayang klase ng lalaki ang bagay sa akin at magugustuhan din ako?