Marion's POV
2 weeks ang nakalipas at ang pagdududa ko ay nasakatuparan. Hindi ako pinapalabas ni Aunti at
gwardiyado ako sa bahay napabayaan ko na ang pag aaral ko at baliwala lang iyon kay Aunti. Bagay na pinagtatakahan ko
dahil noon importante kay Aunti ang pag-aaral ko subalit ngayon siya pa ang gumagawa ng paraan para pigilan ako
pumasok sa school. Bagot na bagot ako sa bahay wala din kaming contacts ni Von kahit ni Peachy.
Lahat ng pintuan naka kandado pano ang gagawin ko? Ayoko ng ganito patagal ng patagal lumalala sitwasyon ko.
Ayokong isiping nababaliw na si Aunti pero sa ipinapakita niya.. basta hindi ko na alam.
Von's POV
[The number you are trying to reach is unavailable at this time]
Nakaka ilang miss call na ako kay Marion since nung pina-uwi siya sa kanila pero off pa din ang phone niya.
Ano na kayang nangyari sa kanya at ng Auntie niya? Dahil hindi na ako nakatiis pinuntahan
ko na siya sa bahay nila.
Sa labas ay paali-aligid ako. Dito ulit ako sa likod bahay nila dumaan subalit may naka bantay na lalaki.
Mukang ikinukulong siya at tama ang hinala ko, guwardiyado siya. Mukang may nangyari na naman sa kanila ng Aunti niya.
Paano ako makakalapit sa kanya? Mga ilang minuto din ang itinagal ko na parang assassin na pamasid masid sa target ko. Subalit hindi ko maisip ang diskarte.
Nagdesisyon ako para puntahan nalang si Peachy para makibalita baka sakaling may alam siya sa nangyayari.
"2 weeks na siyang walang paramdam kahit sa akin Von ano pa bang i eexpect? Ang Aunti niya paranoid na sa sobrang talino
hindi mo na mahulaan ang takbo ng isip kawawa naman si friendship. Bago sila umalis dito mukang ayos naman" napaisip siya after
niya magsalita. "Ganun ba? sagot ko lang. "Try kong dumalaw sa kanya hindi naman siguro ako pagdududahan ng Aunti niya
tapos balitaan kita ok ba yon?" offer ni Peachy. "Ok sige ipa abot mo na rin sa kanya to" inabot ko ang extra phone ko.
"Ok sige didiskartehan ko sana hindi magduda ang Aunti niya kunwari sa akin tong phone na to" bright idea niya.
"Tama maraming salamat Peachy" bigla niyang sinundan ang sinabi ko "Ano ka ba para din kay Marion tong gagawin ko
hindi na kasi tama nangyayari sa kanya..alam ko pagsuway to sa Aunti niya pero hindi na kasi tama ang pagmamaniobra niya
kay friendship kaya ok lang sumuway paminsanminsan pag ganun diba?" Pagkatapos nun ay umuwi na ako.
Peachy's POV
Kinabukasan..Heto na gagawin ko na ang aking misyon at kaylangang hindi ako mabigo nag sign of the cross ako sa tapat ng
gate nila Marion pakiramdam ko final judgement ito at pag nabuking ang plano at diskarte ko ay mandatory ang
pag evict sa akin palabas ng bahay ni kuya este ni Aunti pala. Nasilip ko ang daming naka paligid na mga lalaking mukang goons nakakatakot
sila ang lalaking tao. Para akong papasok sa hide out ng mga kidnapper tapos makikipag deal ako sa mga yon para
pakawalan na ang hostage nila. Parang sa mga teleserye. Ok hinga ng malalim Peachy.
Pag door bell ko sa gate nila ay agad lumapit ang isa sa mga lalaki at ininterview agad ako. "Ahm magandang umaga po
im Peachy bestfriend ni Marion nandyan po ba siya?" palunok lunok ako ng laway habang nagtatanong sa mukang goons na mama.
"Ano ang kaylangan nila?" tanong ng mababang tono ng mukang goons. "Ahhh kasi may naiwan siya sa bahay ito ohh" ipinakita ko
ang lipstick na nasa bulsa ng shoulder bag ko. Patay mukang hindi talaga ako handa at kabado sa ginagawa kong ito hindi ko
naman kasi expected na ganito ang set-up sa kanila eh. bakit ba lipstick ang nailabas ko hays dahil sa taranta ko.
"Sige akin na ipapa-abot ko nalang sa kanya" sabi ng goons. "Ahh eh kaylangan ko rin kasi siyang maka-usap may pinapasabi
kasi ang teacher namin 2 weeks na kasi siyang hindi napasok" mabilis kong naipangbara sa mamang goons. "Nako iha hindi
pwede mahigpit na bilin ng amo namin na wag magpapapasok ng kahit na sino" napakamot ako dito ah. Teka ano pa bang
magandang idahilan ko sa gunggong nato? "Sir kaylangan kasi talaga maka-usap si Marion kasi bukod dun namimiss ko na rin siya
kasi alam mo na kaming mga babae masyado kaming sentimental kapag hindi kami nagkaka bonding nagiging emosyonal kami
ending nun namimiss namin ang isat-isa kasi mag transfer na din kasi ako ng school lilipat na kami sa malayo baka ito na din ang huli
naming pagkikita ipagdadamot mo paba yung moment na to hindi ka ba naaawa sa akin? Wala ka bang kaibigan na namiss dati?
Sige na pagbigyan mo na ako hindi naman ako masamang tao at wala naman akong gagawing masama sa itsura kong ito please mamang
pogi" derederetso kong pagsasalita na may halong pagpapa cute at pambobola. Nag isip ang mamang goons "Ok naiintindihan kita
pero dito ka sa gilid dumaan samahan kita palusot nyan likod bahay na dun ka nalang dumaan" Nabuhayan ako ng dugo
dahil tumalab na naman ang charm ko yehey galing ko talaga magpa-awa. Sinamahan ako ng mamang mukang goons pero malambot
din pala ang puso at dahil dun heto tuluyan na akong nakapasok at sa likod bahay ako short cut papuntang kwarto ni Marion
dumaan.
Kumaway ako sa glass window at nakita naman ako agad ni Marion at halatang natuwa siya at sabik na parang ngayon nalang ulit nakakita ng tao.
Marion's POV
Ang saya ko nang biglang litaw ni Friendship at natawa ako after niya ikwento ang eksena bago siya makapasok sa gate.
Naikwento ko na rin ang set-up ko dito sa bahay.
Nag usap kami ng mahina sa loob ng aking kwarto "Ano yan?" tanong ko. "Cellphone friend" sagot niya agad. "Alam kong cellphone yan
i mean bakit mo ibinibigay yan sakin at kanino galing?" "Ano kaba yan talaga ang misyon ko kung bakit ako pumunta dito
at nakipag deal sa mga goons mo sa labas. kanino paba yan manggagaling syempre kay Von ipinapaabot niya itago mo ha at wag
na wag mo ipapakita sa aunti mo. Alam namin na grounded ka at dahil hindi ka ma contact kaya ayan ipinapa abot niya yan."
Napangiti ako sa wakas magkaka roon ulit kami ng contacts ni Von. "Maraming salamat friend ha.. buti na lang nandiyan ka
para masolusyunan mga pinagdadaanan ko" sabay hug.