Author's POV
Dumukot sa bulsa si Jason para kunin ang susi niya ng kotse. Hindi niya namalayan na may bagay na nahulog
mula sa kanyang bulsa dahilan ng kanyang pagdukot. Ang necklace na may silver guitar with golden serpent pendant.
Binuksan niya ang Kotse at nagmatyag sa loob.
"Hays nasaan na ba yon?" habang hinahanap ni Jason sa loob ng kotse ang isa pa niyang regalo para kay Von. Hindi nagtagal
ay nakita din niya ang ibinalot niyang regalo. Madali umalis si Jason para bumalik sa party at naiwan sa lupa ang kuwintas.
Pag balik ni Jason ay excited niyang inabot kay Von ang isa pa niyang regalo. This time sama-sama na lahat ng bisita
ni Von sa iisang table at may kanya-kanya nang mga trip maliban kay Jerrica na naaalibadbaran sa mga nakikita niya.
Si Merry naman ay kahit may pagka bratinelang kikay ay nakikibagay at mukang nag eenjoy naman. Si Peachy ay makikitang may
amats na rin at mas doble ang kakulitan na halos maging bangka na at bidang-bida na sa pagkukwento kala Rico, Kiko, Rico
at Rachel.
Marion's POV
Habang nagkukilitan na dito ay tinignan ko ang status ng signal ng phone ko at talagang mahina ang signal dito sa Garden.
Lumabas muna ako dahil kaylangan kong makontak ang katiwala namin sa bahay kasabwat ko kasi siya at kaylangan ko ma monitor
ang pagdating ni Aunti kinakabahan kasi ako baka bigla siyang umuwi at mabuking na umaalis ako ng bahay at gantong oras ay
nasa labas pa ako. Dito sa mapalit sa kotse ni Jason ako nakahanap ng signal "Hello manang ahmm kamusta diyan sa bahay?"
sumagot si manang at nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala naman si Aunti pa. "Sige maraming salamat manang isarado mo
nalang po maigi ang mga pinto ng bahay sige po" at ibinaba ko na ang phone. Ibinulsa ko ang aking phone subalit nahulog ito
at agad ko namang pinulot. Habang pinupulot ko ay may napansin akong isang bagay na makinang, isa itong necklace. Pinulot ko ang
necklace at pinagmasdan "Teka kay Jason ito ahhh" mahinang sabi ko. "Marion anong ginagawa mo diyan?" pagtingala ko ay si Von ang
lumantad sa aking harapan. Napatingin siya sa necklace na hawak ko at bigla niya itong inagaw sa aking kamay. "Teka...bakit
hawak mo ito? nagtataka akong napatingin sa reaksiyon niya. Tila parang nagulat siya na hawak ko ang necklace ni Jason.
"Ahh Von mukang nahulog ni Jason ang kuwintas na iyan sa kanya kasi yan" paliwanag ko. "Sigurado kang kay insan to?" tanong
niya na parang balisa na hindi ko maunawaan. "ahm ou may problema ba?" tanong ko din na may halong pagtataka sa ipinapakita
niya. Maya maya ay biglang dumating din si Jason "Von!!!" pagtawag niya at nagtinginan silang magpinsan at si Jason ay napatingin
din sa hawak hawak ni Von na necklace.
Jason's POV
Dahil sa dagliang pagsunod ko kay Insan ay ngulat ako sa aking nakitang hawak niyang bagay..ang necklace. "Insan? bakit
nasayo ang bagay na ito?" tanong ni Von. Sa pagkakataong ito ay hindi ako agad nakapag salita talagang nagulat din ako sa
nakita kong
nasa kamay niya ang necklace na matagal na niyang iwinaksi sa buhay niya. "Kasi... hindi ko
na napagpatuloy ang aking sasabihin. "Kinalimutan ko na ang mga bagay na makapagpapa-alala sa akin kay Ella
wala na rin naman sa akin ito pero hindi ko lang expected na makikita ko pa ang bagay nato" pagpapatuloy niya.
Nahihiya ako sa pagkakataong ito. Nabablangko ako at hindi ko agad maipaliwanag kay insan Von.
"Teka...ibig sabihin sayo talaga ang kuwintas na ito at hindi kay Jason?" buong pagtatakang tanong ni Marion.
"Ou Marion kay Von ang kuwintas na iyan at hindi sa akin.." sagot ko.
Marion's POV
Nanlaki ang mga mata ko sa rebelasyong nalaman ko ngayong gabi. Talagang na sorpresa ako.
"Kung gayon kay Von ang necklace?...at libran din siya at nag aaral kasalukuyan sa St.clarence Hill University?..."
biglang nabuong puzzle sa utak ko. Si Von ang tunay na lalaki sa aking panaginip..? mga idea nabuo sa aking isip.
Sa pagkakataong ito ay malinaw na ang lahat. Ang saya nang malaman ko ang katotohanan. Ang katotohanan na si Von talaga ang
aking destiny. Ang man of my dreams. "Bakit Marion?" tanong ni Jason at agad akong bumalik sa aking sarili. "Ahm wala Jason
akala ko kasi talaga pagmamay-ari mo ang necklace na yan" sagot ko. "Sorry Von kung pinakailaman ko ang bagay na iyan..alam
ko hindi maganda ang ginawa ko..hindi ko na dapat itinago pa yan at hinayaan ko nalang." pagpapaliwanag ni Jason sa kanyang
close na pinsan. Lumapit si Von kay Jason at kinuha ang kamay nito. Ibinigay muli ni Von ang necklace kay Jason "Insan
kaw na ang bahala..matagal ko nang ibinaon sa limot ang mga bagay na magpapa-alala kay Ella..isa pa move on na rin talaga ako
sa kanya at hindi na apektado hindi ko lang talaga inaasahan to...sige ok lang kung itatabi mo yan" muling pinagmasdan ni
Jason ang necklace habang nasa palad nya ito. "Humihingi ulit ako ng pasensiya Von sa pangangailam sa pribado mong buhay"
this time ay ipinatong lang ni von ang kamay niya sa balikat ng kanyang pinsan, pagpapakita ng pagiging understanding niya.
Author's POV
Pagkatapos ng mga rebelasyon na iyon ay muli silang bumalik sa kasiyahan na parang walang nangyari. Nagpaalam ng maaga sila
Jerrica at Merry. Si Rico, katulad ng inaasahan ay madaling nalasing at nangyari na naman ang pagkakalat nito at mukhang
may bago na namang ipangaasar ang mga ka officemates niya. Si Marion, sa mga lumipas pang oras na iyon ay napapaisip ng
malalim na may halong pagka amaze sa rebelasyon na nalaman niya. Natapos ang gabi na iyon na punong-puno ng mga pangyayaring
hindi inaasahan katulad ng sa gabi ng kaarawan ni Jason
Marion's POV
2 weeks ago. Mabilis na natapos ang sem break. Lahat ay back to normal, ako sa school at si Von, busy ulit sa OJT niya.
Vacant time kaya dito ulit ako sa rooftop nagmumuni-muni at hindi pa rin ako maka get over sa mga nabuong pala-isipan.
Na noong una ay naligaw ako at si Jason ang natukoy sa panaginip ko. Kaya pala hindi ko ramdam kay Jason ang naramdaman
kong alab sa panaginip ko na yon. At kaya pala kay Von.. ramdam ko yon, dahil siya talaga ang mistery guy. Pinagmasdan ko ang
hawak kong libro ng mga panaginip. Malaki ang naitulong nito sa akin sa paghahanap ko ng mga kasagutan. Ilang minuto
ay nagdecide akong magpunta sa library para isauli ko na ang libro ng mga panaginip. "Salamat..malaki ang naitulong mo sa
akin. Kaya kita napulot kasi nakatakdang mangyari talaga. Ikaw ang naging susi para makilala ko na siya ang lalaking
mamahalin ako at mamahalin ko din ng lubusan" isinilid ko ang booklet sa may bakanteng bookshelf. "Alam ko may iba pang
makakapulot sayo at dahil may mga palaisipan pa na kaylangan mong sagutin sa iba pang katauhan" ngumiti ako at pinagmasdan pa
ang booklet sa huling pagkakataon. pagkatapos noon ay umuwi na ako sa bahay.
--------------------------*