Galing sa bahay nagmamadali akong umalis ulit inutusan kasi ako ni Aunti para pumunta sa
Speacialist niya dala ang reseta gamit ang scooter type na motor ko.
Si Aunti kasi sinusumpong na naman ng sakit niya at kylangan niya mag inject ng insulin, Diabetic kasi siya.
Pagkalabas ko ng Medical Center after ko ma-accomplish ang task ko dumiretso ako sa parking space kung saan naka
park ang scooter ko... kinuha ko ang susi na nasa pocket ng maliit kong buddy bag kasabay nun ay nahulog ang dalawang
concert tikets na binigay sa akin ni sr.Jason.
Mabilis kong napulot ang isa at nang akma ko nang pupulutin ang isa pa ay biglang humangin mg malakas dahilan
para matangay ito papalayo.
Sinundan ko ito dali dali at mabilisang napulot ko din ang isa pang ticket
dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko na namalayan na mayroon palang motorsiklo na papasalpok
sa akin...
Napasigaw ako nang pagkalakas-lakas at tumalsik paatras dahilan upang maka preno ang motorsiklo...
tumalsik ang buddy bag ko habang sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa mga tickets hanggang sa malukot ang mga ito.
"Magpapakamatay ka ba?!!" sigaw nang driver ng motorsiklo pagkatapos niyang tanggalin ang helmet at i-stand ang kanyang
motor. At nagulat ako dahil kilala ko pala siya. Tama siya si VON JOVI. Siya lang naman ang
famous at Campus hearthrob ng St.Clarence Hill University, kung saan kami nag aaral. Marami ang nahuhumaling na girls sa kanya pero
ako hindi, ayoko kasi sa mga katulad niya masyadong pa "peymus".
"Hoy kung magpapakamatay ka huwag mo ako idamay bibigyan mo pa ako ng problema!!" pagalit na wika pa nito
habang nakatingin siya sa akin ng masama na wari kaya niya akong patiklupin sa mga tingin niya
Nanatili akong naka upong patihaya sa harap niya medyo nangangatog pa ang aking mga tuhod sa takot
kaya hindi ko pa magawang tumayo. Malakas pa
ang heartbeat ko kaya nangingibabaw ang pagkabog nito na halos dinig na dinig ng tainga ko dulot ng pagkakatalsik ko ang kaba ko.
Dahil sa mga bulyaw niya sa akin ay nag umpisa na rin mag start ang engine ko at gusto ko na rin mag over heat.
"Hoy sa tingin mo ako lang ang may kasalanan dito? Napakayabang nito....hindi to express way para magpatakbo ka na parang
sayo ang daan!!!"
pabulyaw ko din itong nasabi sa kanya. "kaskasero" pahabol na pabulong ko pa.
Napangisi si Von sa narinig nya. "Ahhhhh....sabi ko na eh ikaw si ms.trying hard punk princess
from Psychology class..isa sa mga psycho sa Campus at walang pumapansin dahil walang interesado".
Napa buntong hininga ako at diko pinapahalatang sobrang asar ko na sa kanya.
"Huh..trying hard? psycho? ang lakas naman ng loob mo para pagsalitaan ako ng
ganyan..? wala tayong kinalaman sa isat-isa kaya wala kang karapatang husgahan ang pagkatao ko.
kung anong amo ng muka mo yun naman ang sama ng ugali mo" mga salitang pangisi kong ibinato sa kanya.
"Hoy babaeng weird.." habang nakatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa.
"Sa susunod wag kang tatanga tanga sa mga gantong
klase ng lugar...may gana ka din magalit ahhh bilib din ako sayo... pangisi ding bitaw ng mga litanya ni Von
"kapag sa University at magkakasalubong tayo.., umiwas ka na ayoko kasing
makita ang weird mong itsura. dagdag pa niya na biglang naging seryoso ang muka.
Sa point na ito hindi ko na mapigilan ang pagkapikon ng expression ng aking muka, napaka yabang talaga niya tumayo
na ako at pinulot ko ang aking bag. Nagtitigan kaming dalawa na parehong bakas ang pagka galit sa aming mga muka.
Ang Fierce niya kahit galit ay hindi mo mapagkakaila ang ka gwapuhang taglay ng kanyang muka.
Hindi na siya nagsalita dagli niyang sinuot ang helmet niya at ini start ang kanyang motor at humarurot ng takbo.
Sinundan ko lang ng masamang tingin habang papalayo na siya. Malalim ang aking paghinga, pinipigil ko pa rin ang emosyon ko
na parang sasabog.
Bumaling ang tingin ko sa baba at nakita ko ang isang flashdrive at mukang kay Von ito.