Marion's POV
Uwian na gamit ang scooter ko ay nag drive na ako palabas ng campus hindi pa ako masyadong nakakalayo at biglang may sumasabay
sa akin, si Von ulit gamit ang motor niya. Tina-try niyang mag overtake sa akin. Ngunit nakikipag unahan din ako sa kanya.
Sa Park:
Naka upo kami na tantiya ko may pitong dangkal na agwat dito sa bench na malapit sa may kambal na puno ng mangga.
Niyaya niya kasi ako para magkaroon kami ng closure tungkol sa naging alitan namin noon.
Wala kami masyado mapag usapan pagkatapos ng closure topic ay biglang
nagsalita si Von..."Palagi ako sa lugar na'to at pansin ko pinupuntahan mo rin ang lugar na'to" mahinahon na boses ni
Von at hindi ako maka imik agad mga ilang sigundo bago ako makapag salita. "M-medyo...hilig ko kasi ang magpalipad ng
saranggola at dito sa park ako madalas magpalipad noon...sumasali din ako sa Kite flying Festival na taunang ginaganap dito"
kwento ko sa kanya na may mahiyaing tono. "Talaga? ako din hilig ko yon..may bagay pala na parehas nating kinakahiligan..?
dito din kasi mismo sa lugar
na to madalas nagpapalipad kami ng saranggola noon" bigla ako nagtanong sa kanya "kami? ibig sabihin may kasama ka lagi
dati dito na nagpapalipad ng saranggola? Biglang lumungkot ang muka niya "oo" mahina niyang sinabi.
"May...may nasabi ba akong mali? muka kasing nabagabag ko ang kalooban mu."
"Aaminin ko may mga bagay na malungkot pero kaylangan ng ibaon sa limot na nangyare sa lugar nato pero salamat at ang lugar
narin na ito ang nagturo at nagpa realize sa akin na hindi ka pwedeng huminto na lang sa buhay
katulad ng mga puno na yan ang galing nila kahit anong bagyo ang dumating dito nanatili pa ri silang nakatayo at patuloy na
lumago...alam mo ba espesyal ang mga puno na yan para sa akin."
Pataka akong tumingin sa mga puno. "Anong espesyal sa puno na yan?" curious kong tanong. "Hmmmm basta espesyal para sa akin
ang mga puno na yan" This time para siyang pala isipan sa akin ibang Von na naman ang kaharap ko.
Base sa pananalita niya mukang may pagka matalimhaga din ang pagkatao niya. Lalo siyang nagiging maamo tignan sa
pagkakataong ito.
Ang sarap titigan ng muka niya halos di ko na naririnig ang sinasabi niya sa kakatingin sa napaka gwapo niyang muka.
Ibang-iba pala siya kapag malaliman na ang usapan. Dito mo malalaman ang tunay na pagkatao niya.
Ngayon ko lang talaga na appreciate na talagang ma-iinlove talaga sa kanya ang lahat ng babaeng makaka-usap siya ng ganito.
Katulad ko ngayon na halos nakatulala nalang para silayan ang gwapo niyang muka. "Ahm Marion?" bigla akong bumalik sa aking
sarili "ahh sige lang nakikinig ako".
"Ikaw mag kwento ka naman" demand niya "tungkol saan?" tanong ko. "Kahit ano..tungkol sa buhay mo..nagka boyfriend ka na ba?"
na awkwardan ako sa biglang tanong niya na ganoon. "Ahhh...kasi..Wala pa akong nagiging boyfriend kahit isa"
"Ahhhh hindi naman masama kung hindi ka pa nagkaka boyfriend hindi naman minamadali ang lahat"
"Tama ka ganun nga" sabay ngiti ko tapos sulyap sa muka niya tapos tingin sa baba. Tumayo ako at may kinuha ako sa aking bag