Nagtungo agad ako sa rooftop ng school building habang kinakausap ko ang nasa kabilang linya dun kasi tahimik kaya dun
ko agad naisipang pumunta.
"Ella napatawag ka?, pahingal hingal kong salita dahilan ng pagtakbo ko."Ang tagal na panahon since huli tayong nagkausap",
Kamusta kana? ok ka lang ba diyan? excited kong mga salitang binibitawan. Subalit siya sa kabilang linya ay parang pinapakinggan
lang ang aking mga sinasabi. "Ella? bakit ayaw mo magsalita?" biglang napalitan ng malungkot kong tono ang
kaninang excited. "Ok na miss lang kita kaya ako ganito im sorry kung exajerated ako", medyo bumaba ang boses ko.
"Tumawag ako kasi gusto ko lang sana sabihin na may bago na akong boyfriend at masaya na ang buhay
ko dito gusto ko rin marinig sayo na naka move-on kana". mahinahong boses na ngayon ko nalang ulit narinig subalit
ang mahinahong boses narin na yon ang nag sanhi sa akin ng hapdi ng pakiramdam ko ngayon. Ang sakit lalo nang mismong
sa kanya ko pa narinig ang mga salitang yon. "A-akala ko ba?...." nanginginig kong boses. "Pano ang pangarap mo?"
muli kong tanong na may paiyak na tono. "Von masaya na ako ngayon sa buhay ko... tungkol sa pangarap ko? suguro eto na yon..
tinawagan kita mismo para wag kana umasa at gumawa ka nang sarili mong buhay na hindi na ako kasama sa mga plano
mo, magpatuloy ka pa rin alam kong may mararating ka at makakahanap ka din ng babaeng bagay sayo". dugtong ni Ella na may
mahinahon pa ding tono. "Ang labo mo Ella ang sabi mo hahanapin mo lang ang pangarap mo dyan ang daya mo Ella". this
time hindi na napigilan ng luha ko ang pumatak. "Im sorry..." malungkot na sagot ni Ella. "Sorry yun lang?"
napangiti ako na may pagka plastick na ngiti. "Von sana mapatawad at maintindihan mo ako."
"Ganon ganon nalang ba yon Ella? napaka daya mo umasa ako sayo na may pag asa pa tayo" paiyak na tono ng
boses ko. Bigla kong binaba ang tawag niya sa sobrang sama ng loob ko ay ibinato ko
ang phone ko at napasandal at napaupo nalang ako sa isang sulok. Hindi ko matanggap niloko niya lang ako. Ang buong akala
ko hindi siya maghahanap ng ibang lalaki sa ibang bansa at magkakabalikan kami pagkatapos niyang ma achieve ang gusto niya.
Para akong nalugi, lugmok ang itsura ko habang naka upo sa lapag ng rooftop.
Marion's Pov
Pagkatapos nang Philosopy subject namen ay nagkaroon kami ng vacant time. Dahil nga may pagka loner ako nagtungo ako
sa lugar dito sa Campus na paborito kong pinupuntahan kapag gusto kong mapag isa, iyon ay sa rooftop ng Psychology Building.
Tahimik kasi sa mga gantong klase ng lugar at bukod sa akin iilan lang din ang nagkaka interest tumambay sa rooftop.
madalas sa Canteen sila o kaya sa Oval field or sa Botanical garden sila nag kukulumpungan.
Sariwa ang hangin dito at puro huni ng mga ibon ang maririnig nakikita ko pa ang magagandang views sa palagid ng
St.Clarence Hill. Sa bandang kanan ng building na ito ay matatanaw sa di kalayuan ang isa pang building ng University
napalingon ako dun kasi maya isang lalaki ang pumukaw ng atensiyon ko. " Aba si Von yon ahh" kinausap ko ang sarili ko.