CHAPTER 30: ANOTHER AWKWARD NIGHT TO REMEMBER

10 0 0
                                    


Von's POV

Kinagabihan sa bahay ay naka prepare na ang lahat. Thanks talaga sa Mama ko na punong abala sa lahat, simula sa pagkain

na siyempre lahat ay luto niya at sa garden venue na pina-ayos pa niya. Maya-maya ay nagsipagdatingan na ang mga bisita ko.

Nauna na ang mga ibang classmates at close friends ko sa campus na sila Frank, Paolo, Merry at Jerrica. Dumating na din

ang mga new friends/officemates ko na sila Kiko, Rachel, Echo, at Rico.

"Happy Birthday!!! isa-isa nilang pagbati lalo na si Frank at Paolo na mga sanggang dikit ko talaga.

"Salamat at naka punta kayo lahat" tugon ko.

"Namiss ka namin kapatid" ang palaging O.A na si Frank na biglang yumakap sa akin.

"Siya nga pala mga ka officemates ko si Rico, Kiko, Echo, at Rachel guys mga kapatid ko sa college sila Merry, Jerrica, Poalo

at Frank.."

"Nice Meeting you!" sabay-sabay silang nag greet sa isa't-isa. Inanyayahan ko na sila para umupo at kumain.

Maya-maya ay dumating na ang aking inaasahan pang bisita si Insan Jason at si Marion kasama din nila si Peachy.

"Happy Birthday Insan!!!" sabay yakap sa akin ni insan Jason. "Siyempre may regalo din ako sa iyo" inabot niya ang isang

bote ng Wine. Inimbitahan ko din silan para umupo sa iisang long table para kumain.

Sa pagkakataong ulit na ito ay umaarte kaming dalawa ni Marion na para bang strangers at hindi close sa isa't-isa.

Hindi namin pa maipakita ang closeness namin sa harap ni pinsan.

Jerrica's POV

Biglang sumama na naman ang ihip ng hangin para sa akin. Nakita ko na naman kasi ang pagmumukha ng mga kinaiinisan kong tao.

Wala akong magawa kundi ang pagtiyagaan ang mga nakikita ko sa ngayon. Sa pagkaka-upo ko ay muli akong tumayo at pumunta sa

likuran ni Marion habang habol ang masamang tingin ng asungot niyang si Peachy. "Jerrica!!" tinawag agad ako ni Von.

"Don't worry Von hindi ako gagawa ng alam kong ikasisira ng party mo I will just go outside saglit medyo sumama lang

ang pakiramdam ko eh..I just need some fresh air" agad akong nag exit habang nakikipagtinginan din ako ng masama kay Peachy.


Peachy's POV

"Alam mo nakaka-inis talaga yang babae na yan..kahit kaylan talaga napaka insekta niya" pabulong ko kay Marion subalit

plastik ako sa pagkakataong ito dahil ngiti lang ako habang pabulong kong sinasabi ito sa friend ko. "Peachy hayaan mo na

siya Birthday ni Von at magsaya nalang tayo dito wag mo nalang siya pansinin" pabulong na tugon ni Marion. "Ok sige tama ka

diyan." sabay tingin ko sa ibang bisita ni Von at sabay ngiti ko ulit na kunwari ay good mood talaga.

Jason's POV

"Tita kamusta? Siya nga pala si Marion special friend ko..Marion si Tita Yvonne siya ang Mama ni insan" pagbati ko kay tita

nang makalapit siya sa pwesto namin. "Nice meeting you po" payukong pag greet ni Marion sa looking young kong tita.

"Hmmmmmm mukang alam ko na..Nice meeting you rin iha" sa pagkaka bitiw ni tita ng mga salitang iyon ay medyo nahiya

ako kay Marion.

Von's POV

Nagtinginan lang kami ni Marion sa pagkakataong ipinakilala siya ni Insan kay Mama. Pagkatapos ay ipinagpatuloy nalang namin

ang aming pagkain kasabay ng lahat. Maya-maya ay bumalik na rin si Jerrica sa kanyang pwesto. Iba pa rin ang timpla niya.

Nagsalita muli si Mama "Jason natutuwa ako at naisama mo si Marion ngayon..alam mo Marion kung hindi mo naitatanong

yang si Jason ay napaka pihikan din sa babae..maswerte ka at ikaw ang kanyang napili..hindi ka magsisisi sa batang yan napaka

responsable at bait ng batang yan" pagbi-buid up ni Mama. Napayuko lang ako sa pagkakataong ito na nagsalita si Mama

at pasalising tumitingin kay Marion. "Ahm tita gusto ko lang pong linawin special friend ko po si Marion pero hindi po kami"

pakamot na sinabi ni Insan Jason. Ngumiti si mama "alam mo Jason kung ako sayo abay bilisan mo na ang pagligaw kay Marion

sige ka maraming lalaki diyan baka maagawan ka pa" lalo akong napayuko sa mga sinasabi ni Mama.

Si Marion sa kabilang banda ay gayon din ang reaksiyon. "Tita hindi naman ako nagmamadali pati isa pa etong si Marion ay

hindi rin naman mahilig mag boyfriend kaya ok lang sakin ang relasyon namin ngayon bilang magkaibigan diba Marion?"

"Ou...ou naman" paputol putol na sinagot ni Marion si insan sa kanyang tanong.

"Basta Jason wag mo nang pakawalan si Marion.. Muka naman siyang mabait at simple lang na tao..Hiling ko nga na sana si Von

ay katulad mo..makahanap din ng parang katulad ni Marion." Napaka awkward talaga ng mga sinasabi ni Mama para sa aming

dalawa ni Marion. Kung alam niya lang na sa totoo ay kami ni Marion ang talagang nagmamahalan at hindi si pinsan Jason ang

gusto ni Marion. Natapos ang hapag namin sa ganoong usapan at pagkatapos ay nagyaya na sila para mag inom ng wine.



Marion's POV

Habang kanya-kanyang inuman na dito, si Peachy ay bidang bida sa table na kung saan lahat ng ka officemate ni Von

ay naka pwesto. Mukang aliw na aliw sa kanya ang mga ka officemates ni Von. Habang kami nila Jason at Von ay nag-gigrill

ng barbi-Q sa table nila di kalayuan. Sa kabilang side naman ay ang table ng mga pa peymus na tropa ni Von.

"Marion, Insan maiwan ko muna kayo saglit may kukunin lang ako sa kotse"

"Sige insan" habang nagpapaypay si Von sa niluluto niyang barbi-Q. Naupo ako malapit kay Von "Ang bait pala ng Mama mo nuh?"

kinausap ko si Von habang pinagmamasdan ko ang paligid at hindi direktang nakatingin sa kanya. "Oo mabait talaga siya

the best ang Mama...gusto ko sana ipakilala kita sa kanya bilang espesyal na babae na nakilala ko at hindi lang basta common

friend" medyo malungkot niyang tono. "Ok lang yan atleast nakilala ko ngayong gabi si Tita Yvonne..alam mo hindi ko maiwasang

hindi mainggit kapag may nakikita akong magulang na mabait sa mga anak nila kasi..ang Mama ko hindi ko man lang siya

nakamulatan." This time nagiging emosyonal ako. "Siguro kung buhay lang siya...siya ang unang-unang susoporta sa mga pangarap

ko sa buhay.." lumapit si Von at inilagay ang lutong barbi-Q sa table "Wag kana malungkot diyan..malulungkot din ang mama

mo kapag nakikita ka niya mula sa langit na nalulungkot ka" sa pagkakasabi niyang ito ay tumingala ako sa langit.

"pasensiya ka na ha alam ko hindi ito ang tamang okasyon para mag isip ako ng ganitong bagay..hindi ko lang talaga naiwasan

nang makita ko ang Mama mo." sabay abot sa akin ni Von ng Barbi-Q "heto kumain ka na lang kesa kung anu-anong iniisip at

sinasabi mo diyan" pabirong alok niya sa akin.

----------------------------*

When I Dreamed About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon