CHAPTER 7: HEARTFELTS AND HEARTBREAKS

16 0 0
                                    


Aunti Rebecca's POV

Pagabi na at patingin tingin ako sa malaking bintana sa loob ng home office ko. Hinihintay ko kasing dumating ang pamangkin

kong si Marion hanggang ngayon wala pa siya sa bahay at naunahan ko pang naka uwi.

Muli akong naupo at itinuon ko ang mga siko ko sa aking table desk habang nakatingin sa orasan na nakapatong sa table ko.

Maya-maya pa ay natanaw ko na siya sa bintana at papasok na siya sa gate. "Pasaway na bata talaga habang pinagbibigyan

umaabuso" bulong ko sa aking sarili na may seryosong balangkas ng mukha.

Mga dalawang minuto ang nakalipas ay kumatok na siya sa pinto. "Sige tumuloy ka" paanyaya ko na may seryosong tono.

Binuksan niya ang pinto at nakayuko siyang pumasok at dumiretso sa lugar kung saan ako naka pwesto. "Ginagabi ka..."

paunang puna ko sa kanya.

"Ahm Aunti" matipid at malumanay niyang tugon habang nakayuko pa din at hindi makatingin sa akin ng deretsuhan.

"Maupo ka" umupo siya dahan dahan na parang alam na niya ang aming pag uusapan.

"Maria Rionisa... paano mo maipapaliwanag sa akin ito? habang inilalahad ko ang kanyang class record na may mga

markang "dos" na para sa akin ay mababa na ang ganitong bilang ng marka.

Naka yuko padin siya at di makatingin sa akin. "Alam kong matalino ka at alam mong mataas ang expectations ko sayo, pero bakit

itong mga nakakaraang araw ay parang nawawala ka sa focus? Anong mga ginagawa mo at bumababa ang mga marka mo?"

pigil na pigil ang init ng ulo ko kay Marion sa mga oras na ito.

"Hindi porket napagbibigyan na kita sa mga ibang gusto mo eh pababayaan mo narin ang pag aaral mo?, Tignan mo na ang

sarili mo.. yan ba? yan ba talaga ang gusto mo? pagpapatuloy ko pang pangangaral sa kanya habang wala padin siyang

imik at tila napako ang kanyang paningin sa sahig.

Napapabuntong hininga ako sa sobrang pagtitimpi ko gusto kong bulyaw bulyawan ang pamangkin ko subalit ayokong mauwi sa

masaktan ko ng lubos ang kanyang kalooban.

"A-Aunti pa-pangakong pagbubutihan ko po sa 2nd quarter..."

"Talagang dapat mong pagbutihan Marion" tugon ko agad sa kanya na di pa nakakatapos magsalita.


"Alam mong may pangarap ako sayo at gusto ko unahin mo yun kesa sa kung anu-anong walang kwentang hobbies mo...wala

kang mapapala diyan. Wag na wag ko lang malaman na mas pinaprioritize mo ang pag kanta-kanta mo dahil hindi ka

bubuhayin niyan balang araw" sunod-sunod kong arangkada.

"Marion lahat ng sinasabi ko ay para sa ikabubuti mo kaya wag mo sana itong masamain sumunod ka lang sa mga gusto kong mangyare

wala tayong pag aawayan".

"Pero aunti...."

"Ayoko ng matigas ang ulo habang patagal ng patagal!!!!" medyo pataas na boses ko.

"Tignan mo na nga ang pananamit mo...wika ko habang pinagmamasdan ang pigura niya

"huh ano bang gusto mong iparating sa mga tao? Hay nako hindi ko lubos maisip na magiging

When I Dreamed About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon