CHAPTER 4: MY FIRST DREAM ABOUT HIM

14 0 0
                                    


Marion's POV

Isang napaka kisig na lalaki ang biglang dumating at sumulpot sa aking harapan galing siya sa itaas lulan ng makapal na lubid

habang ako ay umaawit sa entablado na puno ng tao sa paligid.

Siya ay naka formal attire na all white at may silver kapa na

para bang knight in shinning toxedo. Noong una halos wala na akong matanaw sapagkat

puro flash ng ilaw ng cellphones ang bumubungad sa aking paningin. Lahat ng tao sa paligid namin ay naghihiyawan,nag chi-cheer

at pawang mga kinikilig. Wari ko'y isa itong Proposal.

Palinga linga ako sa paligid parang diko alam ang nangyayari mixed emotions ang nararamdaman ko. Pero biglang napalitan

ang nararamdaman ko nang simulang kunin ni mistery gentleman ang aking kaliwang kamay at

nag umpisa siyang lumuhod sa aking harapan. Sa pagkakataong ito kinikilig na ako diko maipaliwanag ang saya at kilig ko.

Nang tignan ko ang kanyang muka ay nakasuot siya ng maskarang tila may nakalarawan na simbulo, Isang imahe ng sinaunang Timbangan.

Nagtaka ako at nang akmang hahalikan niya ang aking kamay ay may nakita ulit akong isa pang simbulo na naka tatoo sa kanyang

kamay malapit sa kanyang hinlalaki isang maliit na imahe naman ng itim na ibon. Napapa isip ang expression ng aking

mukha napakunot ang noo ko. Ano kaya ang mga nakikita ko? Para san kaya ang mga simbolo?

Parang napaka unussual nang scene na ito sa totoong buhay. Parang sa mga movies ko lang ito nakikita ah.

Nilapit ko ang aking palad upang haplusin

ang maskara ni mystery gentleman at nang akmang tatanggalin ko na ang kanyang maskara ay bigla siyang umiwas at umatras.

Tumakbo siya papalayo sa akin at sinundan ko siya subalit sa sobrang bilis niya ay nawala na siya sa paningin ko.

May isang makinang na bagay ang napansin ko sa lapag di kalayuan pinulot ko ito. White Gold necklace na may Guitar pendant

na napapaluputan ng golden serpent at mukang nahulog ito mula kay mystery gentleman. Maya maya pa ay may narinig akong boses

"Marion! Marion!" palakas ng palakas.

"Marion!!"

Biglang namulat ako sa katotohan. Hayys panaginip,tama panaginip lang pala ang lahat.

Kakaiba ang pakiramdam ko sa aking pag gising puno nang katanungan ang umiikot sa aking isip.

"Marion tanghali na may klase ka bumangon ka na riyan" mariing pang gigising ni Aunti.

Umupo ako sa aking kama na tila wala pa sa aking sarili, nakatulala ako sabay sambit "sino kaya ang lalaking yun? Bakit ganun

ang panaginip ko? Ano kaya ang ibig sabihin ng mga nakita ko sa panaginip ko na yun?

bakit ang bilis ng pintig ng puso ko? panaginip lang pero parang totoo..." sunog sunod kong mga tanong

sa sarili sabay lapat ng aking kanang

kamay sa aking dibdib. Biglang nag re-fresh sa utak ko ang lalaki sa panaginip ko

na visualize ko ulit ang imahe niya nakatayo patalikod siya sa akin at nasa bandang bintana

siya at wari mo may sinisilip sa labas. Nakapamulsa ang dalawang kamay at napaka gwapo sa tindig pa lang.

Nagkusot kusot ako ng mata "pambihira nanaginip na nga ako nangangarap pa ako ngayon ng gising"

bulong ko sa sarili.

When I Dreamed About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon