C:39 OPPOSING GUARDIANS

3 0 0
                                    



Aunti Rebecca's POV

"Sinasabi ko na mas natuwa pa siya sa ginawa kong pagpapalayas sa kanya. Kaya pala ok lang sa kanya dahil magagawa niya

ang mga bagay na kagustuhan niya. Mali ang naisip ko ang akala ko magmamakaawa siya para bumalik dito..hmmmm Sige manmanan

mo lang si Marion at balitaan mo ako sa mga pinag gagagawa pa niya."

Ibinaba ko na ang phone at kumukulo na naman ang aking dugo. Nauulit lang ang nangyari dati. Natatakot ako sa magiging

kinabukasan ni Marion. Paano kung sapitin niya rin ang sinapit ng kanyang ina? Nabuntis ng maaga at nasira lahat ng

pangarap ko para sa kinabukasan niya. Hindi ako mapakali sa pagkakataong ito. Dalawa ang sabay na pinoproblema ko

tungkol sa batang iyon, isa pa ang kanyang ama nararamdaman kong kumikilos narin ngayon si Joseph para mahanap niya si

Marion. "Hindi...hindi ako makapapayag" ang sabi ko sa sarili ko halos mabalisa na sa sobrang pag iisip.

Mr.Romualdez POV

"Kung ganun pinalayas si Marion ng tita niya?" tanong ko sa na hired kong private investigator. "Opo Mr.Romualdez at kasalukuyan

siyang nakikitira sa kaibigan niya heto po ang address" sabay abot ng address card. "At isa pa lumalabas siya kasama ang isang binata

malamang fiance niya" tumayo ako sa aking pagkakaupo "kung gayon salamat sa mga impormasyon heto dinagdagan ko bilang pasasalamat"

habang iniaabot ko ang paunang bayad. "Salamat po Sir. aalis na po ako" sabay yuko ng private investigator.

Lumabas ako ng aking office at agad nagdesisyon pumunta sa address kung saan nanunuluyan ang aking anak.

Mabilis kong natuton ang lugar na tinutuluyan ni Marion. Bago pa man ako bumaba ng kotse ay natanaw ko na siya at kasama

niya ang empleyado kong si Von. Hindi ako bumaba ng kotse at sa halip ay pinagmasdan ko lang sila.

Napansin ko ang extra sweetness sa dalawa habang nagpapaalaman sa isat-isa mukang si Von ang tinutukoy ng Private

Invesigator ko.

Pagkatapos ng mga tagpong iyon nang akmang papa alis na si Von at sasakay sa kanyang motor ay nag overtake at bumusina

ako sa kanya. Signal nang isang paanyaya.

"Kung gayon siya ang fiance mo" tanong ko kay Mr.Filan habang naka stop over kami sa Green Valley bridge para makapag usap.

"Opo Sir. sa katotohanan kanina lang po kami naging official" sabay ngiti niya. "Masaya ako para sa'yo, naaalala ko lang nung

ganyan ang edad ko sayo..Ang payo ko lang wag na wag mo siyang lolokohin at sasaktan" biglang lingon

ni Von at nagtataka ang hilatsa ng muka. Nangiti ako sa reaksiyon ng muka niya na may parang pagtatanong na tingin "hmmm

dahil mahirap pagsisihan ang mga bagay bagay kapag nagkamali ka..habang na sayo pa ang mga pagkakataon panghawakan mo iho..

wag mong hayaan na sirain kayo ng mga nakapaligid sa inyo..mukang responsable ka naman at mahal mo talaga ang nobya mo

kaya tiwala ako sayo" sabay tapik ko sa balikat niya habang may halong pagtataka na naman ang balangkas ng kanyang muka.

"Ahm salamat sa mga payo nyo Mr.Romualdez.. wag kayo mag alala susundin ko po ang mga sinabi nyo makakaasa po kayo. Mahal

ko po si Marion at walang makakasira saming dalawa." Nginitian ko siya sa kanyang mga sinabi. "Maiba po tayo, tungkol nga

po pala kay Ms.Apacible.." bigla ako na hinto sa ipinasok niyang topic. "Sa totoo lang hanggang ngayon napapa-isip pa rin ako,

pasensiya po sa panghihimasok pero si Ms.Apacible po kasi ay may kinalaman sa girlfriend ko." Medyo bumwelo ako bago ako

mag react ang pang uusisa ni Von "Sabihin na nating maliit lang talaga ang mundo para sa atin balang araw mauunawaan mo din

ang lahat..sige maiwan na kita may appointment pa ako maraming salamat sa oras" paglilihis ko at pag iwas sa usapan. Hindi pa

ito ang tamang oras para sa pagbubunyag ng lahat. "Ahm sige po pasensiya na sa pag uusisa Mr.Romualdez" iniwan ko siya na may

naiwang palaisipan sa ikalawang pagkakataon.

Aunti Rebecca's POV

Pumasok ako sa loob ng naiwang kwarto ni Marion. Hindi ko inugali ang ganitong gawain pero sa pagkakataong ito ay ginawa ko

na. Nagmasid masid ako sa loob ng kwarto niya sa mga nakikita ko ay mukang may nobyo na nga ang batang iyon. Puro letters

na nakasabit sa ceiling at mga kung anu-ano pa. Binuksan ko ang mga drawers niya nagbabakasakaling may malalaman akong bago

tungkol sa mga pinag-gagagawa niya. Kinukutuban kasi ako pero sana mali ang kutob ko. Mukang maimpluwensiyang tao na ngayon

si Joseph lahat kaya na niyang gawin sa pera niya at posibleng nakakalapit na rin siya kay Marion ng hindi ko nalalaman.

Nang wala akong makitang kakaiba ay isinara ko ang drawer subalit sa malaking salamin ay nakita ko ang isang calling card na

nakasisksik. Binasa ko at nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita.

Marion's POV

Habang nagdidilig ako ng mga hanging plants sa labas ng apartment nila Peachy ay biglang may bumungad sa aking harapan.

Nanlaki ang aking mga mata, si Aunti. Lumakas ang kabog ng dibdib ko world war 3 ba ito?

Kinausap niya ako ng mga ilang sandali at pagkatapos ay

mahinahon niyang ipinahakot ang aking mga gamit at nakakapagtaka ang pagiging mahinahon niyang iyon. "Friend salamat ulit sa

pagkupkop sa akin ahhh" pagpapaalam ko kay Peachy. "Ayos lang yon Marion ahm mamimiss kita hehe ang o.a ko parang

hindi naman tayo magkikita sa University." Niyakap ko si Peachy "naging masaya ako sa pag stay dito hehe mamimiss ko tong

apartment mo"

"Haha Oa na tayo sige na sa school nalang ahhh" pagpapa alam din ni Peachy. Sumakay na ako sa kotse ni Aunti naghihintay

na kasi siya. Nakatanaw ako sa likod at pinagmamasdang kumakaway si Peachy habang papalayo kami.

Sa mga oras na ito ay nagdududa na ako sa pagbabago ng ihip ng hangin sa pagiging mahinahon at pagpapatawad sa

akin ni Aunti na ito. Hindi ko mahulaan ang tumatakbo sa isip niya Psychology student ako pero ano ba naman ang takbo ng

isip ko sa takbo ng isip ng isang Psychology masteral/expert.

----------------------*

When I Dreamed About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon