CHAPTER 5: ACQUAINTANCE PLAN

10 0 0
                                    


Peachy's POV

Monday morning at abalang abala ang ibang Prof. at mga Student councils sa St.Clarence Hill University.

Nalalapit na kasi ang Acquaintance Day ng lahat ng college level ng St.Clarence Hill. Actually isa ako sa mga

student council dito, And I want to introduce myself pala bago ko malimutan...

Im Peachy the chubby and bubbly. Ang role ko dito? ako ang BFF ni Marion.

Ako lang sa campus na ito ang nakaka intindi at nakakasundo ni Marion may pagka loner kasi siya. Ewan ko ba sa bff kong ito

looking weird sabi nga ng mga ka-campus mate namen, siguro dahil sa outfit at fashion statement niya na punkista ang

datingan. Pero may likas na ganda tong si friendship ayaw lang pumorma ng pormal.


Sa Locker section ng Campus nilapitan ko si Marion... "Oh bakit parang ang lalim ng iniisip mo na naman dyan?" tanong ko

agad. Di niya ako sinagot sa tanong ko at nagpatuloy lang sa ginagawa niya para siyang lutang.

"Hello Ms.Maria Rionalisa Apacible still on the line?". pabiro kong sinabi habang kinakaway ko ang aking palad sa muka niya.

After she paused for seconds...."Naniniwala ka bang may pahiwatig ang mga panaginip? na discuss na sa class natin yun before

but still nahihiwagaan parin talaga ako".

"Ou in a way... bakit naman yan ang naging topic mo?" sagot at tanong ko.

"Ah nevermind...nga pala magiging busy kayo this week diba? for the Acquaintance preperation" tanong ni Marion.

"Yup and kaya nga pala kita hinanap agad kasi may konteng favor sana akong hihingin sayo". medyo paalangan kong sinabi.

"S-sige... ano yun?" paalangan din niyang sagot, mukang nakakakutob kasi siya sa favor ko.

"Alam kong may talent ka sa pagkanta and its about time para ilabas mo yan sa harap ng maraming tao....to make

it short isa ka sa mga napili kong magpeperform para sa darating na Acquaitance day,

ako kasi ang in charge sa mga productions ng event kung ok lang sana friendship?"

pagpapa cute na request ko kay Marion.


Sa pagkakataong ito ang tagal niyang sumagot. Ni-lock na niya ang locker niya at nagbuntong hininga. humarap ulit siya sa

akin at nangungusap ang mga mata. "Isa lang naman ang pinangangambahan ko", malungkot niyang sagot. "Ahm ang Aunti mo?"

sabat ko agad sa kaniya. Napatungo lang si Marion at bakas ang lungot sa mukha niya. Masyado kasing against ang Aunti niya

tungkol sa talento niya wala daw kasi siyang mararating sa ganun. Masyado mahigpit sa kaniya ang tita niya.

"Sayang kasi eto na yung chance mo sana para maipamalas mo ang talento mo..kasi ako bilib na bilib ako sa pag kanta mo

pati si Sir.Jason bilib na bilib sayo as a coach mo diba? Tingin ko nga malayo mararating mo sa ganung larangan eh",

pag bi-build up ko pa sa kanya. "Salamat sa pangbibuild up mo Peachy" Bahagyang napangiti si Marion.

"Sige ganto na lang ako bahala basta makakapag perform ka Marion", with a naughty smile.

"Peachy ano binabalak mo?"

VON'S POV

Pagod plus gutom sa mga inutos ng prof namen kaya dumiretso kami ng mga tropa/classmate ko na nabibilang sa mga Famous student

ng St.Clarence Hill sa Canteen para nadin magkarun ng

relaxation at bonding habang kumakain ng pizza at konting kwentuhan. Dito sa loob ng Campus ang tropahan namen kasi ang

apple of the eye.

Para kaming mga celebrity dahil sa mga looks at personalities ng bawat isa sa amin. Mapa babae o lalake sa grupo namin walang

patapon, pero sa lahat hindi sa pagmamayabang ako daw ang outstanding at pinaka misteryoso ang pagkatao.

Kaliwa't kanan, kanya-kanya silang nagpapapansin sa akin dito sa campus nakaka-irita na nga yung iba OA na sa pagpapapansin.

At marami din mga binabae ang nagpapa charming sa akin at halos nag-istalk pa sila hanggang sa social media hindi ko na lang

talaga sila pinapansin.

Sa pagkukwentuhan namin sa Canteen sa loob ng Campus....

"Malapit na ang Acquaintance Day Bago man lang tayo gumraduate sa St.Clarence Hill gusto ko sana magkaroon tayo ng

activity na hindi nila makakalimutan most specially ng mga stalker natin dito hehehe", pabirong suggest ni Frank isa

sa mga tropa kong kilala sa pagiging joker.

"Mukang may kalokohan ka na namang naiisip sige suportahan kita", dugtong ni Paulo

"Kahit kaylan talaga kayo, dont tell me bago kayo umalis ng tuluyan eh gagawa kayo ng stupid things? mga naiisip nyu ahh"

pangiting sabat ni Merry habang may kinakalikot na gadget (Android Phone).

"Ikaw tol, hindi mo ba kami susuportahan?" si Frank ulit may pagtapik pa sa balikat ko.

Napangiti lang ako.

"Magkakaroon ng mga performances ang ibat-ibang students from different classes at courses at sa pagkakarinig ko lang

kanina pero hindi pa naman sure... magkakaroon daw ng performance itong si Ms.psycho", biglang singit sa usapan ni Jericah

na may mala malditang ngiti isa pa naming tropa na may pagka bratinela at sosyalera girl.


Bigla nagbago ang mood ko sa narinig ko sinagi ko ang box ng pizza na kinakain ko at napa higop sa straw ng soda drink.

"Oh Von easy ka lang wag mong sabihing ikaw ang number one hater niya?" naka ngising biro ni Frank sa akin.

"Imagine that kind of girl kakanta sa stage? duh...!!! gagawin pa yatang circus ang event puro ka cheapan talaga".

panglalait pa ni Jericah habang nakataas kilay.

Napatawa ang lahat pero ako nakasimangot lang.

"May plano ako lapit kayo dali lapit", at nakinig silang lahat sa binubulong na plano ni Frank Bigla akong tumayo at nagpaalam

muna sa kanila wala kasi ako gana makisali sa mga kalokohan nila ngayon.

"oh san ka pupunta Von?" tanong ni Paulo.

Nag ring ang aking phone at dali-dali nalang akong umalis at di na inintindi si Paulo.

---------------*

When I Dreamed About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon