MARION'S POV
"Hindi ko yata kayang isuot ito" pag aalinlangan ko sa kasuotan na hawak-hawak ko na.
"Napanood mo ba sila Avril Lavigne? noong sinuot niya ang ganyang klase ng kasuotan sa isa sa mga concert niya?
napaka astig talaga tignan...sa kanya ko
kaya nakuha ang idea na yan". Buong pangungumbinsi ni Peachy sa akin habang ako nagdadalawang isip talaga kung
kaya kong panindigan ang ganung klase ng kasuotan. Inilapat ko sa aking katawan ang kasuotan at pinag masdan ko sa
harap ng salamin na pang whole body ang aking sarili, "Sana Peachy magtagumpay tong mga binabalak mo".
Lumapit sa akin si Peachy "Ano kaba syempre oo naman..wala ka yatang tiwala sa akin eh?"
"Malaki naman ang tiwala ko sayo, kaso sa sarili ko talagang kinakabahan ako sa pwedeng mangyayare...wag na lang kaya
natin ituloy to?" ibinaba ko ang kasuotan sa center table. Kinuha ulit ito ni Peachy "Ano kaba Marion bigyan mo naman
ng tiwala yang sarili mo... ang galing galing mo kaya tapos mapanghihinaan ka ng loob? kung ako lang may ganyang talento
buong ipagmamalaki ko sa ibang tao at ipamamalas ko talaga yan kaya wag kana umarte diyan sige na sukatin mo na"
pilit iniaabot ni Peachy ang kasuotan muli sa akin.
Wala na akong nagawa kaya sige susukatin ko narin.
Pagkatapos ng pagsusukat ko nang damit bago ako umuwi ng bahay ay dumiretso muna ako sa puntod ng aking Mama. After 3 months
ngayon ko lang ulit mabibisita ang puntod niya. Malayo pa lang ako ay may napansin akong lalaking sa tantiya ko ay nasa mga
edad 40 plus na. May katangkaran at naka clear eyeglass at mestisuhin siya.
Nandun siya sa harapan ng puntod ni Mama mismo. Mukang kagalang galang ang lalaki dahil sa attire niyang
pang businessman ang dating. Nagtago ako sa malaking puno ng santan at nagmasid lang. Nakapagtataka ano kaya ang relasyon niya
sa mama ko?
Tumingin ang misteryosong lalaki sa kanyang wrist watch na tila minomonitor niya ang oras. Di nagtagal ay umalis din siya at
naglakad patungo sa silver niyang Vios Car.
Lumabas na ako sa pagkakatago sa pagkakataong ito at pinag masdan ang kotseng Vios habang umaandar na ito papalayo.
May isang pumapasok sa isip ko na kutob ko, posible kayang siya ang aking ama na matagal na akong iniwan bago pa lang ako
ipanganak?
Lumapit ako sa puntod ni mama at naupo sa maberdeng damo. Nakita kong may bulaklak na kakalagay pa lamang sapagkat sariwa pa.
Inilapag ko din ang alay kong bulaklak sa lapida "Ma... kamusta ka na?
namiss moko nuh??? mistulang buhay siya na kinakausap ko. "Yung lalaki na yun kilala mo ba siya? Dati mo ba siyang manliligaw?
Tumingin ako sa kalangitan at may nakita akong makulay na guryon na matayog na lumilipad at sumasabay sa hangin.
Napangiti ako "Ma...masarap ba ang pakiramdam ng nasa itaas? yung tipong lahat ng nasa ibaba nakikita mo... alam ko lagi
mo ako pinagmamasdan." biglang bumaba ang tono ko. "Kung nabubuhay ka lang siguro ikaw ang magiging number one fan ko at
ang pangarap ko ay para sayo mama...malungkot kong mga bitiw ng salita.