Jason POV
Habang nagda drive ako ay naisipan kong puntahan ang isang tao, si Marion. Tutal on the way din naman ako at madadaanan
ang village na tinitirahan niya kaya nagpasya akong mag drop by sa kanila para mangamusta na din.
Nandito na ako bamabaybay ilang metro nalang ang layo. Nang matanaw ko siya. Itinigil ko ang pagdadrive ko at hindi na
ako bumaba sa kotse.
Minanmanan ko nalang siya. Hindi siya nag-iisa at malayo pa lang ay pamilyar na sa akin ang kasama niyang lalaki. Si Insan Von?
Ang malaking tanong anong ginagawa ni insan dito sa ganitong oras? at bakit sila magkasama ni Marion? Mga ilang minuto
din ang tinagal nilang nag-uusap sa malapit sa likod bahay nila Marion. Mukang si Marion tumakas lang at kaya sa likod bahay
siya hinatid ni Insan. Nagtataka pa din ako dahil ang alam ko ay hindi naman sila close ni Marion. Bahagyang nakaramdam ako
ng selos sa mga nakikita ko. Sweet sila at kung pagmamasadan ay mukang may namamagitan sa kanilang dalawa.
Naiba ang plano ko nag drive ako pauwi ng may nadiskubring bagay.
Mr.Romualdez POV
6am at ang una kong naging rota ay ang puntahan ang puntod ng aking nasirang asawa. Nilapag ko sa madamong lapida ang
isang bugkos ng bulaklak ng tulips at kinausap ko ang puntod ng aking asawa.
"Remedios masaya ako.. sa tagal ng panahon na paghahanap ko sa ating anak ay mukang may maganda nang magiging resulta...
buong buhay ko alam mong minahal kita hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit nagawa ng ate Rebecca ang mga bagay na
iyon sa atin at sa anak natin. Pag natagpuan ko na ang anak natin babawi ako sa lahat ng mga naging pagkukulang ko. Hindi
ko man lang alam kung anong pangalan niya. Siguro napakalaki na niya at dalagang dalaga na. Maganda rin siya sigurado katulad
mo." Pagkatapos kong dalawin ang puntod ng asawa kong si Remedios ay excited na din ako para puntahan ang naka plano kong
puntahan ngayong araw. Wala nang makakapigil sa akin ngayon Diyos na din ang gumawa ng paraaan para mapalapit ako sa aking
anak.
Marion's POV
Prepare na ako para pumasok. Pero wala akong gana ngayon gusto ko kausapin si Aunti nag-iipon lang ako ng lakas ng loob.
paano ko kaya siya mababasag sa gusto niyang mangyari? Hindi ko talaga gusto ang lumabas ng bansa labag na labag sa loob ko yun.
Naglakad na ako palabas ng gate at nang isasara ko na ito ay isang ma eded na lalaki ang bumungad pag harap ko.
Nagulat ako at napa atras ng bahagya "Sino po kayo? Ano pong kailangan nyu?" pinagmasdan ko ang lalaking nasa harap ko na may
pormal na kasuotan nang maalala ko.."Ahm teka parang nakita ko na kayo Sir. pamilyar po kayo sa akin..Tama kayo po yung nakikita ko
sa puntod ni Mama.." biglang naging maaliwalas ang muka ng matandang lalaki na kaharap ko. "Talaga Mama mo ang pinupuntahan
mo sa puntod?" Tanong ng may matigas na boses ng ma edad na lalaki.
Mr.Romualdez POV
Inanyayahan ko si Marion para ihatid ko siya sa University niyang pinapasukan at napag alaman niya din na ako ang Boss ni Von
kaya naman nagtiwala siyang sumama sa akin.
Marion pala ang pangalan niya? Ngayon alam ko na at napakasarap sa pakiramdam na kaharap ko na ang anak ko. Sigurado akong
siya ang anak ko na matagal nang inilayo sa akin ni ate Rebecca. Dalagang dalaga na nga siya at may angkin ding kagandahan kamuka
niya si Remedios.
Sa ngayon ay kukunin ko muna ang loob niya. Ayokong mabigla siya kapag sinabi ko agad sa kanya na siya ang matagal ko
nang anak na naiwan at hinahanap. Sa loob ng aking kotse
ay nagkwentuhan kami ng mga ilang bagay-bagay. "Teka mga ilang beses ko din po kayo nakitang dinadalaw ang puntod ni Mama..
maitanong ko lang po Mr.Romualdez ano pong kinalaman niyo sa mama ko?" Nabigla ako sa tanong kaya hindi ako agad nakasagot.
"Kaibigan ko siya" tanging nasabi ko. "Ganun ba? akala ko kayo na ang papa kong nang-iwan sa akin eh" pabiro niyang
sinabi ,nawala ako sa focus
masyado sa aking narinig. "Iniwan ka ng papa mo?" pakunwaring tanong ko sa kanya. Mukang ipinalabas ni ate Rebecca na
iniwan ko ang aking anak noon kaya kami nagkahiwalay. "Hehe ang papa madaya siya bigla na lang daw siyang nawala at hindi na nagpakita simula
ng ipinanganak ako." Binagalan ko ang pagpapatakbo ng kotse dahil naging interesado ako bigla at gusto ko pang may ibang
kwentong marinig mula sa aking anak. Gusto ko pang malaman ang mga kasinungalingan na itinanim ni ate Rebacca sa utak ni Marion.
"Kung ganun malaki ang tampo mo sa papa mo?"
"Tampo?.. opo hindi ko siya maintindihan bakit sa mga panahong kailangan siya ng mama ko bigla na lang siya hindi nagpakita.
Duwag siya at iresponsableng tao para sa akin. Pag nagkita kami hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit sa kanya."
Lubhang masakit ang mga narinig ko mula kay Marion. Talagang nilason ang utak niya at puro kasinungalingang kwento ang
itinatak sa isip niya. Mukang hindi ko pa talaga dapat ipaalam sa kanya na ako ang kanyang ama. Hindi tama kung bibiglain ko
siya, dapat ko munang makuha ang loob niya nang sa ganun ay mabawasan ang sama ng loob niya sa akin.
Pagdating namin sa University na kanyang pinapasukan ay bumaba na si Marion at nagpaalam "Sige po Mr. Romualdez maraming salamat
po sa paghatid sa akin sana hindi ko po kayo naabala ng lubos. Nice meeting you po ulit...!"
"Walang ano man thanks din sa pagtitiwala sige mauna na ako" sabay start ng engine. "Sige po" payukong pagpapaalam niya.
Masaya ako na may halong lungkot na umalis.
----------------------------*
