2:DECIDED

5.2K 164 2
                                    

Alelie's POV

Linggo ngayon kaya madaming tao sa talipapa kanina kaya pakyaw nanaman ang gulay.

Pagkatapos ng ngyari kahapon agad agad akong bumalik kay Mang Carding para bumili ulit.

Naalala ko nanaman siya bigla... ARGH!! KINUHA NIYA FIRST KISS KO!

HINDI PORKE'T GWAPO SIYA HAHAYAAN KO NA SIYA!

ARGHH! ORAS NA MAKITA KO YUN TATADYAKAN KO!

ANG YABANG NIYA! NUKNUKAN NG YABANG!

Alexander...

Naramdaman kong namula ang pisngi ko ng maalala ko ang pangalan niya.

Agad kong nilibang ang sarili sa ibang gawain.

Walang sumobra doon sa pinambili ko ng gulay.

Kaya alanganin ang pera namin dahil walang racket na nakukuha si kuya tas wala pang tumatawag sakanya.

Kaya ako lang muna ang gumagalaw pansamantala.

Gabi na at nasa labas ako at may duyan kaya humiga muna ako.

Iniisip ko paano ko kikitain ang pang- enroll ni Nicolette.

Nagmumuni muni ako ng biglang lumabas si kuya at nginitian ako.

"Kuya, lika kuha ka upuan. Kwentuhan tayo." Kumuha nga siya at tumabi sa duyan.

"Nicolai, kumusta kana?" Nagunot naman ang noo ko sa tanong ni kuya.

"Kuya naman! Araw araw na nga tayo magkasama oh!" Natatawa na sabi ko sakanya.

"Bakit? Araw-araw ko din ba kayong nakakausap ng ganito?" Seryoso niya akong tinignan.

Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.

"Hmm... Okay lang naman kuya. Eto napapagod sa talipapa. Pero ayos lang. Alam ko naman na para saten itong ginagawa ko." Tumingala ako at tumingin sa mga bituin.

"Nicolai... Pag ba umalis ako, kaya mong alagaan sina nanay?" Natigilan ako sa sinabi ni kuya.

Aalis? Kayang alagaan?

Para bang naisip niya ang iniisip ko at tinignan ako.

"Sagutin mo Nicolai." Umiling ako.

Hindi ko kaya.. Mahirap. Kung ako lang magisa tas ang kapatid ko pa bata. Si nanay may sakit pa.

Hindi ko makakayanan. Lalo na pag may ngyari ng masama. Pakiramdam ko hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Hindi ko kaya kuya... Kuya naman wag kang ganyan. Bakit? Aalis kaba? San ka pupunta?" Mangiyak ngiyak na sabi ko.

Masama ang kutob ko...

"Aalis sana ako Nicolai. Luluwas ng Maynila para sainyo. Mas mdami akong oportunidad don. Lalo na sa course na nakuha ko." Bigla naman ako nanghina.

Pero kahit na nanghihina pinilit kong tumayo at hinarap siya.

"Kuya naman.. hindi ko kayang alagaan si nanay magisa. Kuya mahina ang loob ko. Baka di ko na alam ang gagawin ko pag may ngyari na dito. Pano kung--"
Naputol ang pagsasalita ko ng bigla niyang hablutin ang dalawa kong kamay.

"Nicolai.. Para saatin din yon. Kita mo palang dun sa talipapa kulang na para satin. Si Nicolette nag-aaral pa. Si nanay may sakit. Si tatay wala ng pakelam saten kaya ako ang tumatayo bilang padre de pamilya. Kailangan kong gawin ito."

Di ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Kuya.. Wag mo kaming iwan. Hindi ko kaya na ako lang mag-isa. Kuya... Mahina ako.." Umiling iling siya at hinawakan ang magkabila kong braso.

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon