Alelie's POV
Nandito ako ngayon sa bahay ng bago kong boss.
Take note ah! BAGO! Kainis siya! As in!
***
FlashbackAgad niya akong binuhat papunta sa condo niya. Talak lang ako ng talak hanggang sa ibaba niya ako.
"Jeez woman! Cant you keep your mouth shut!?" Aray naman! Ansakit ng pagkakababa!
Napahawak ako sa pwetan ko dahil sa masakit nga.
"Eh ano ba kasing gusto mo!? Kailangan ko ng umuwi saamen!"
Unti unti siyang lumapit saakin at kinulong ako.
Pulis ba to!? Ang hilig magkulong!
"Be my everything."
Ano daw!? Inlababo ba tong lalaki na to sakin!?
Sht! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang may karera. Sheeeps! Ano naman kasi pinagsasasabi neto!?
Bigla naman ako namula kaya tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko.
"A-ano bang p-pinagsasasabi mo!? Be my everything? Ginagago mo ba ako?!" Alam kong naiirita na siya saakin.
Yun naman talaga ang goal ko eh.
"Be my everything Alelie. I need you to be my secretary, cook, and my housekeeper. Ill double your salary. Every day you have to go here to cook breakfast, lunch, and dinner for me. You have to clean the house regularly. And then at work you'll be my secretary. I already told Mrs. Tandoc that Im getting you. She agreed. I gave her my secretary. So.. is it a yes or a yes?"
What the fck!
"Ano?! Hindi pwede! Kay mamsy lang ako!"
Ngumisi siya ng nakakaloko.
Mas lumapit pa siya saakin kaya kung gagalaw pa ako ay baka mahalikan ko na siya.
"You have no choice honey. Im the boss here. Whether you like it or not sakin parin ang bagsak mo."
End of flashback
****
Napabuntong hininga nalang ako.Bago nanaman ang set up. Bago 8am dapat may breakfast na daw siya.
Binigay na din niya saakin ang mga naiwang trabaho ng dati niyabg secretary. Grabe! First day na first day ko kay mamsy lipat agad ako!
Kasalukuyan niyang sinusulat ang mga ayaw at gusto niyang pagkain.
Naisip ko din na pwede na. Kasi 30k daw ang sweldo ko plus 10k allowance every month. Pwedeng pwede na. Magpapadala ako agad kina nanay sa unang sweldo ko.
Para mag enroll na din si Nicolette.
"Oh, ayan ang mga pwede at di ako pwede. Eto 5k pagkasyahin mo na yan." Kinuha ko sakanya ang papel ng walang imik.
Mayaman nga. Sobra sobrang kakuripotan naman.
"Excuse me? Are you rolling your eyes on me?" Nakataas ngayon ang kilay niya.
"N-no sir.. Soooo pano sir bukas nalang po. Have a good night sir."
Palabas na sana ako pero pinigilan niya ako.
"Wait... Ako nagdala sayo dito. Ako din dapat maguwi sayo. Di ko naman hahayaan na umuwi ka magisa sa ganitong oras. Di naman ako ganon kabastos."
Kinuha niya ang susi niya at inunahan akong lumabas.
BINABASA MO ANG
Game Of Love
General FictionAng pag-ibig walang pinipiling oras. Darating at darating sa gusto niyang oras o panahon. Wala din itong pinipiling tao. Mabuti ka man o masama pwede ka parin mahalin. Para ka din sumusugal dahil pwede kang masaktan o hindi. Anong gagawin mo kung...