A/N: GUYS! Eto po yung cast nito. Para naman may naiimagine kayo habang binabasa niyo hehe! Alisin na po si Tad Hilgenbrink hehe. Wala po kasi ako maisip na kapartner niyaaa!
Jake Abel as Max
Robert Pattinson as Alexander Lopez
Alexandra Daddario as Alelie Nicolai Pascual
Feeling ko bagay sila eh sooo ayan na nga haha!
Enjoy po!! :)
****
Alelie's POV
Nasa bahay lang ako ngayon. Walang ginagawa kaya pahinga talaga.
Si ate Daisy umalis sandali para mamalengke. Buti nalang at pumayag na wag muna akong sumama.
Nakahiga ako sa kama at nagbabasa ng libro. Nabored kasi ako eh.
Ilang minuto pa ay may kumatok.
Agad akong bumangon at pinagbuksan ng pinto si ate Daisy.
"Hay! Grabe sa palengke! Daming tao ngayon. Ay! Binili kitang mansanas bhe. Alam kong gusto mo yan." Tinignan ko naman at napangiti ako.
"The best ka talaga ate!! Salamat! Kaya dapat pakasalan mo na si kuya pagkatapos mo makapaghana ng trabaho!"
Namula naman siya at tinignan ako ng masama.
"Ikaw ha! Hilig mong mangasar! Pag talaga ako nakita ko na manliligaw mo isusumbong kita! Dalawa pamandin sila!"
Dalawa? Eh ang alam ko lang naman na kinukwento ko kay ate Daisy si Max ah?
Hindi ko gusto si Max sadyang nababaitan lang ako. Ewan ko. Nagising nalang ako isang araw wala akong nararamdaman na iba para sakanya.
"Aba! Yung Alexander mo! Kwento ka mg kwento eh! Nagdadalaga kana bhe ah! Kaya umayos ka! Baka isumbong kita sa kuya mo!"
Nagbibiro niya akong kinurot sa tagiliran.
Tumatawa naman kami habang nag aayos ng mga pinamili niya dahil sa mga corny niyang jokes.
Bigla kami natigilan ng may kumatok na kapitbahay.
"Neng, may naghahanap na gwapo sa kasama mo." Nangunot naman ang noo ko.
Sino naghahanap saken?
"Sino daw po aling Mercy?" Tanong naman ni ate. Nakita ko naman na parang kinikilig si ale.
"NAKO NENG! ANG GWAPO! SIYA YUNG NASA BILLBOARD DIYAN SA EDSA! KASAMA YUNG APAT PANG GWAPO!" Feeling ko kilala ko na. Nakumpirma ko nalang nung nasa likod na siya ni aling Mercy.
"Ive been waiting for a long time. Pwede naba pumasok?" Nainis nanaman ako.
Sino paba!? Edi si Alexander!
Si ate Daisy natulala na nakanganga. Siniko ko siya at natauhan naman siya.
"Ay!! Sir! Upo po kayo! Nicolai ano ba. Yung boss mo oh." Napairap nalang ako sakanya. Umupo na din ako sa kaharap na sofa.
"Ano bang kailangan mo nanaman? Linggo ngayon para sabihin ko. Walang trabaho."
Hindi ko siya matignan ng tuwid sa mata. Ewan. Naiilang ako.
"Dagdag ulit sa sweldo mo. Tara samahan moko. Wag kana magbihis ganyan ka nalang."
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Na concious naman ako bigla.
Naka tshirt na puti lang ako at black dolphin short na medyo kinulang ata sa tela. Shet bat ito pa kasi suot ko!
"M-magpalit kana. Bilisan mo. Magpantalon ka nalang. Ayos na yung damit mo dali." Nakita ko naman na namula yung ilong niya.

BINABASA MO ANG
Game Of Love
Fiksi UmumAng pag-ibig walang pinipiling oras. Darating at darating sa gusto niyang oras o panahon. Wala din itong pinipiling tao. Mabuti ka man o masama pwede ka parin mahalin. Para ka din sumusugal dahil pwede kang masaktan o hindi. Anong gagawin mo kung...