26: MR. AND MRS.

3.6K 117 7
                                        

Alelie's POV

Apat na araw na kami dito at last two days nalang bago kami umuwi.

Fiesta ngayon kaya naman pupunta kami sa bukid kung saan madalas gawin yung mga Laro ng Lahi.

Madalas yung maghabol ng baboy, tug of war, sack race, at yung race ng mga mag-aasawa.

Mamayang 4pm palang naman yung mga laro.

2pm palang kaya may oras pa kami.

Ayun. For the past two days iisa lang ang routine namin ni Xander.

Siya magsisibak, magiigib, maglilinis, ako naman linis, tulong kay nanay sa pagluluto gagawa ng baon ni Nicolette, tas ayun kwentuhan, asaran, tas tulog na kami.

Kontento na kami sa ganon.

Pero si kuya!! Ang lakas din mang asar!!

Pag nag uusap kami tas magkatabi kami sa sofa bigla siyang pupunta sa gitna!

Tapos doon sa duyan!! Nasa duyan si Xander tas uupo sana ako doon sa upuan sa tabi ng duyan para sana makausap siya bigla siya uupo!!

Kainis!!

Nasa kwarto ako ngayon. For goodness sake si kuya may trabaho kaya naman walang mang aasar sakin at iistorbo pag kausap ko si Xander.

Hahanapin ko na sana siya pero bigla siyang pumasok sa kwarto ko.

"Let me lie down amica mea." Bigla siyang humiga sa mga hita ko at ibinaon niya ang mukha niya sa tiyan ko.

Bigla din niya akong niyakap at sumiksik siya lalo saakin.

Hinayaan ko lang siya. Alam kong pagod siya.

Araw-araw ka banaman mag puno ng apat na gallon ng tubig ng limag beses sa isang araw.

"Tulog ka muna. Mamaya gisingin kita pag aalis na ta--" Bigla ko nalang narinig ang mga hilik niya.

Napangiti nama ako.

Pagod nga siya.

Hinaplos haplos ko ang buhok niya para marelax din siya.

Tinignan ko naman ang suot niya. Sando at kargo shorts ang suot niya.

Grabe hindi naman niya responsibilidad pero ginagawa niya.

Parang ginagawa noon ng mga manliligaw sa kanilang nililigawan.

Feel na feel ko naman.

Wala akong pake kahit mangalay likod ko. Siya pagod na. Kahit dalawang oras akong nakaupo at unan niya walang wala yon sa pagod niya kaya ayos lang.

Ang tulog mantika niya.

Nakikita ko lahat ng efforts niya. Pero hindi ko alam kung para saan yon.

Siguro experience? Pero kung anuman ang dahilan niya.

Kinikilig parin ako.

Habang tinitignan ko siya. Narealize ko na siya ang unang lalaki na minahal ko.

Siya din ang unang lalaki nanagparanas saakin ng ganitong pakiramdam.

Siya ang lalaki na nagparanas sakin ng pag ibig. Its very new.

"Dont stare at me too much. I know Im handsome amica mea."

Napanganga ako.

"Ang hangin po. Baka matangay po tayo." Ngumisi siy at nagdilat.

"Ayos lang na matangay tayo. Hinding hindi kita pakakawalan." Fudge! Feeling ko pulang pula ako!

"M-manahimik kana nga. Tulog kana." Bigla siyang umupo at dumagan siya saakin kaya ang siste pareho na kaming nakahiga.

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon