Alelie's POV
Eto na. Ilang araw na akong lutang. Hindi ko alam kung bakit.
Hay nako. Dalawang linggo na kaming super busy. Kahit kaming dalawa ni Xands wala ng oras para magasaran.
Madalas pa kaming kulang sa tulog pareho. Masyadong madami ang mga ginagawa.
Hay nako. Dumagdag pa si Max. Pormal na siyang nanliligaw pero... ewan ko ba.
Wala na akong maramdaman na kilig. Hindi gaya dati na konting kibot lang niya mapapangiti na ako.
Madalas siyang nandito. Nagagalit na si Xander wala paren.
Madalas na nagkakapikunan sila. Konti na nga lang patayan na eh.
Lunch time na pero wala parin dito si Xands. Kaya kumain na ako. Madalas kasi sabay kami eh.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng mag ring ang cellphone ko.
Meghan Calling....
Agad ko siyang sinagot at iniwan ang pagkain ko.
"Hello Megs?" Bati ko sakanya.
(Alen!! Si Xander daw nakipagsuntukan! Hay nako! Punta kana dito sa bahay para maabutan mo sila ni Ton!)
May trabaho pako eh? Pano yun? Hay nako! Kahit kailan talaga sakit sa ulo to!
"Sige papunta na ako. Ako na ang bahala. Bye bes, pakitawagan nalang ako ulit pag may problema." Nagpaalam na ako at binaba ang tawag.
Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at agad na nagpunta sa bahay nina Meghan at Aston.
Buti pa ang dalawang yon. Masaya na. Pero sana naman umamin na yung gungong na yun.
Pag pinakawalan pa niya si Meghan hay nako ewan ko nalang!
Pagkatungtong ko palang ng gate nila agad na akong nagbayad kay manong driver at agad na tumakbo papasok.
"Oh? Nandyan kana pala. Kakatawag lang sakin ni Ton. Bukas pa pala sila uuwi. Sabi ko sakanya na dito ka matutulog. Mukhang mamamatay na sa pagaalala sayo si Xander. Kayo ah!? May something naaa!"
Namula naman ako. Eh wala naman something saamin eh.
Paano magkakasomething eh hindi na mabilang ang mga babae na umaaligid sakanya.
Malay ko ba kung may ngyayari pa sakanila o wala na. Bigla nanaman kumirot ang dibdib ko.
Putek ng mga babaeng yon! Pag umaaligid kay Xands gusto ko bunutin! Lalo na pag trabaho!
Pag naman tinaboy ko magagalit! Eh siempre inutos ng boss ko!
Pero pag naman kami lang dalawa pinaparandam niya sakin na ako lang at wala ng iba.
Eto naman ako at kinikilig pero nakakainsecure paren. Walang wala ako kumpara sa mga nagiging flings niya.
"Wala naman. Hindi naman niya ako girlfriend eh. Tsaka may Liza yun. Kahit naman na sabihin niyang walang namamagitan sakanila yung babae naman dikit ng dikit."
Ginaya niya ako sa kusina at mukhang may hinandang pagkain nanaman ang bruha.
Grabe siya! Isa siyang magaling na nilalang. Maganda, mabait, matalino, at cook pa! Siya na!!
Bilib na bilib talaga ako sakanya. Pero nakakatakot parin malapit sakanya ng super duper.
Ayoko mawalan nanaman dahil lang sa supet duper clumsy ako. Nakakatakot.
"Alam mo Alen, ikaw ang kasama ngayon ni Xander. Kung hindi ka lang niya mahal edi sana hinahayaan lang niya si Max na manligaw sayo. Pero eto oh! Pinipigilan pa si Max na manligaw sayo. Nakipagsuntukan pa!" Umupo ako sa high stool nila.
"Megs naman kase, nakakainis lang. Yung mga babae sa paligid niya! Ayun! Ang dami! Yung ugok naman nagpapalandi! Nasasaktan ako! Oo mahal ko siya pero abuso na! Oo hindi ako umaamin pero pag umamin ako yun na ang game over ko!"
Napailing pa siya saakin.
"Ayan kase eh. Umamin na kayo sa isat isa. Tignan mo pag nagkaaminan kayo? Sasaya kayo at gagaan ang loob niyo. Tsaka iwasan niyong may sikreto sa isat isa." Bumuga ako ng hangin at ikinulong sa mga palad ko ang mukha ko.
"Di ko na alam gagawin ko Megs. Nakakapagod din pala. Ang set up namin, mag-aasaran, trabaho, sabay kumain magmula umaga hanggang gabi. Minsan naman mainit ulo na pag kasama ko na or kausap ko na si Max na nanliligaw saakin." Ngumiti siya at inilapag ang Red Sinigang na niluto niya.
"Nagseselos yun! Halata naman eh. Alam mo, pagbigyan mo lang ang sarili mo na mahalin siya? Nako. Sasaya ka."
Imbes na magmukhang display tumayo na ako at tinulungan siya.
"Ako nalang magdadala neto. Sabihin ko nalang na kikitain muna kita. Alam mo naman yung bebelove mo. Pag nalaman na kasama kita baka umuwi sila agad dito. Oo nga pala! Sleepover ka nalang! May damit naman ako na kasya mo!" Tumango at ngumiti nalang ako sakanya.
Kaexcite mag sleepover!
Umalis na siya para pumunta sa office ng dalawa.
Eto naman at tutunganga at magiisip kung paano ko aaminin sakanya ang nararamdaman ko.
***
Alexander's POV"Fuck bro, I cant get that bastard out of my mind! Urgh!" Bwisit na manliligaw niya! Sarap bugbugin!
Nandito kami ngayon sa MARLODEVARDO. May kinailangan pa kaming ayusin. Tangina overnight!
Hindi na ako nag aalala sakanya dahil sabi naman ni Meghan mag ssleepover siya doon. I wonder anong ginagawa niya.
"Damn! I didn't know youre a gay! I should contact Alelie and my baby to be rescued from you!" Sinamaan ko siya ng tingin. Ang bully neto porket masaya sa buhay may asawa!
"Hey asshole, why dont we call Dominic for help?" Masyado kasing komplikado ang sitwasyon sa iba naming business. Tangina ng mga nagnanakaw na mga yan!
"They might be busy too. Besides, theyre preparing for our seminar in Japan right?" Oo nga pala. Hindi ko din nasasabi pa kay Alelie.
"Have you told your wife already? Well, even if she's just your wife in papers you should atleast let her know." Sige, ikaw naman asarin ko.
"Dont address her as 'only my wife'. You have no rights fucker!" Ayan kase! Tangina neto. Pakipot pa.
"Oh? Looks like Mr. Cupid shot an arrow on you. A big one to be exact. Tch, youre inlove motherfcker. Admit it already. She keeps telling you she loves you right? Dont you think its the right time for you to confess too?" Pinagpatuloy ko lang ang pagtipa sa laptop ko para matapos na.
"I dont know. I dont know what to say whenever she says that. I know she gets hurt when I just shut my mouth when she says that. But its just that, I dont know what to say." Tsk.. Torpe ng ugok.
"Youre a psychologist and yet you can figure out your own problem? Youre insane fcker" Napapailing nalang ako sakanya.
"Just work now! Youre no good at talking. Better figure out your problem with Alelie. You talk about love why not ask yourself asshole!"
Problema ko kay Alelie? Yung kung paano ko maamin sakanya ang nararamdaman ko.
Tangina kasi. Nakakatorpe din!
Masaya sana na nagseselos siya sa mga bumibisita sakin na babae eh.
Pero pag naabutan niya sa bahay akala niya mag ngyayari saamen.
Hindi ako makafocus sa trabaho pag ganon siya.
Pakiramdam ko nasasaktan ko siya at ang tanga ko para gawin yon. Mahal ko siya.
At eto ako. Napana na ni Kupido sa laro niya ng pag-ibig.
Bukas na bukas, pupunta ako sa bahay ni Ton para sunduin siya.
Bahala na si Catwoman sa mgyayari. Pero sana maganda naman.

BINABASA MO ANG
Game Of Love
Художественная прозаAng pag-ibig walang pinipiling oras. Darating at darating sa gusto niyang oras o panahon. Wala din itong pinipiling tao. Mabuti ka man o masama pwede ka parin mahalin. Para ka din sumusugal dahil pwede kang masaktan o hindi. Anong gagawin mo kung...