A/N: Yug pong chapter 33 pakibasa po ulit kun nabasa niyo na. Yung unang update ko po kasi bitin hahah! Kumpleto na po siyaaa! Sorry po my mistake hehehe. Kaya po pala may xomments na sobrang bitin kasi po totoo, sobrang bitin nga po! Hahaha! Sooo enjoy reading poo! :*
Alelie’s POV
Pumasok na kami sa bahay at binigyan siya ng twalya. Katatapos lang naming maglaro. Halos mag aalas-sais na ng gabi pero wala parin sina nanay.
Pero napansin ko na magmula ng lumabas ako wala na sila sa bahay.
San kaya sila nagpunta?
Kasama naman siguro nila si kuya. Hindi porket pinapasok ko na siya sa bahay namin, eh okay na kami. Hindi din dahil sa ginawa niya okay na kami.
Magpapakipot muna ako siempre. Sayang ang beauty ko!
“May extra bang damit ang kuya mo? I forgot to bring clothes. Nagmadali kasi kami ni Dominic. Tas iniwan pa ako ng gago, pinuntahan si Beatrice.” Nagsimula na siyang mag alis ng mga butones ng polo niya.
Shet! Kumakalabog ang dibdib ko! Ngayon ko nalang ulit siya nakita after a week.
Isang linggo lang yun pero argh! Parang taon! Ang sarap patiwakal! Infairness naman sa isang linggo nakapag isip na ako. Lalo na noong kinausap na ako ni kuya.
Minulat niya ako lalo. Malaking tulong ang pag-uusap namin.
Pero siya kaya? Handa na? Alam naba kung ano ang feelings niya para saakin? Binalikan lang ba niya ako dahil sa trabaho ko? O dahil mahal na niya ako? O dahil sesesantihin na niya ako? Ang daming tanong.
Ako handa, handa na tanggapin ang lahat ng mali niya. Parte yon sa pagmamahal eh. Ang tanggapin ang lahat ng flaws niya.
Maraming meaning ang pag-ibig, may kanya –kanya tayong opinion, at para sakin, ang pag-ibig ay parang laro na madami kayong player, matira matibay.
Dapat ang pasensya, pagiging open sa lahat ng bagay, at specially ang pagmamahal mo, dapat ang gawin mong lives. Dapat mahaba, at madami. Dapat balansihin mo ang laro, balansihin ang puso at utak.
At sa sitwasyon ko, nagamit ko naman ang utak at puso ko naman. Handa na ako.
Aamin na ako pag tama ang atmosphere. Kahit panget mag first move sa babae gagawin ko na.
Mas okay na ito para sakin kesa naman sa umasa pa ako diba? Masakit man pero kakayanin ko.
Mahal ko siya pero kung hindi naman niya ako mahal hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko.
“Meron si kuya. Sandali kukuha ako.” Pumunta ako sa kwarto ni kuya para kumuha ng damit.
Kumuha nalang ako ng jersey shorts pero wala akong mahanap na puti o kahit na anong tshirt na matino. Hindi pa pala ako naglalaba. Fudge.
Iisang sando nalang ang natitira at pink pa. Hay nako.
Pero ano kaya itchura niya? Yiie! Bigla naman ako naexcite.
Kinuha ko agad at binagalan ko ang lakad nung natatanaw na niya ako. Inabot ko iyon sakanya at tinignan niya ako.
Binalikan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay. “Oh? Ano? Nagdedemand kapa? Magtiis kana. Hindi pa ako naglalaba.” Masyado akong nastress sayo.
Napailing nalang siya at pumasok na sa banyo.
Pagkalabas niya yung mga muscles niya, bakat. Shet, nangigilikit ako!
“Of all the colors, fck it. Can I borrow a phone? Wala akong charger eh. Tatawagan ko lang si Dominic. Ayoko naman na madagdagan pa ang bugbog ko sa tagiliran. Fck, ang sakit manuntok ng kuya mo amica mea.” Nag stretching pa ang gunggong.
“Oh heto.” Inabot ko ang phone ko pero pagkadampi ng mga balat naming para akong na ground.
Napalunok ako. Agad ko ng iniwas ang kamay ko. Tinignan ko siya at nakayuko siya.
Naramdaman din kaya niya?
Umupo ako sa isahang sofa. Pinagmasdan ko lang siya habang kausap na niya si Dominic.
Nung nakita ko siya nagkaroon ako ng pag-asa. Pero meron pa nga ba kaya?
***
Alexander’s POV
In my peripheral vision, nakita kong nakatitig siya saakin. I felt how much she missed me. By just a look.
Kahit naman ako. Miss na miss ko na siya. Mas higit pa. Fck it. Kung pwede lang talaga! Yayakapin ko na siya pagkakita ko palang.
I think its time for me para umamin na. Tangina, bahala na kung ano ang mgyayare.
Pero putangina parin talaga ni Dominic, iniwan niya ako.
Tinuon ko muna ang atensyon ko sa phone na kanina pa nag riring at sa wakas nasagot den.
“Fck it Dominic, nasaan kana? Ayoko naman na magpalipas pa ng gabi dito. Siempre rerespetuhin ko parin siya. Lalo na ang pamilya niya, hindi naman ako ganon ka desperado. Kahit mag araw-araw ako dito at gumastos ako sa gas okay lang makuha ko lang respeto nila. Lalo na ang mga guardian niya. Tangina Dominic bumalik ka dito! Ibalik mo ang sasakyan ko! Tangina mo ka!” Nakuha ko ng pumunta sa kusina nila. Tangina niya.
(Uso mag hello pare. Im with her family. Kahit ang kuya niya. Im thinking to give him a job.He’s good by the way! Theyre here in Manila with me. No worries. May permiso kana ng kuya niya pare. Legal na daw eh! Tangina mo ka! Hindi ka nagsshare! Osige na. Enjoy the honeymoon don’t worry about the wedding we’ll take care of it.)
Binaba niya agad ang phone at napa-nga nga nalang ako. PUTANGINA KA DOMINIC!
But on the second thought, this might help me. I think it’s a good idea too. Legal pa kaming magkasama. What a luck.
“Hay, pahiram ng phone ko. Tatawagan ko si kuya, hanggang ngayon wala parin sila. Lalo na sina nanay. Nakina aling Goreng nanaman siguro sila ni Nicolette.” Napabuntong hininga nalang ako. Fck it. Tatalakan nanaman ako nito.
“Theyre in Manila, amica mea. Dominic brought them there. And it seems kasama nila ang kuya mo. Were stuck in here. I actually have mo money, charger, and clothes. Sorry ‘bout the trouble.” Napa-face palm nalang din siya.
“KUYA!!!!!!!!!!” Sinuntok niya ang mini table sa tabi at nag crack ang isang side.
Tangina, what an amazon.
“Wala na akong magagawa. You can stay. Magbebenta nalang ako sa talipapa bukas para naman may pera ka. Idagdag mo nalang yon sa last kong sweldo. Alam ko naman kasi na pagkatapos ng ginawa ko last day ko na yon sa trabaho. Sorry nga pala, dapat hindi ko—“ She was on the verge of crying and I hugged her. TIGHT.
“No. Im sorry. I toyed your feelings. I shouldn’t have done that. What you saw, wasn’t intentional. Maniwala ka sa hindi wala na akong interes sa ibang babae. Hindi paba pruweba na wala ka nang condom na nakikita sa condo? All I can say is that—“ She cut me off by pinching my lips. But.. she’s crying.
“TANGINA MO KA! MALAY KO PABA KUNG SAAN MO SILA DINADALA! Nakakinis ka! Paasa ka! Naiinis ako sayo! Malandi ka! Kuripot pa! Naiinis na ako sayo! Nakakainis ka kasi eto kana nanaman! Pinapaiyak ako! Nakakainis lang kasi.. Kasi.. After ng ginawa mo… walang nagbago.” I hate to see her cry. Fck it.
I let her speak. I shouldn’t interfere in this matter.
“Nakakainis ka kasing gago ka.. M-mahal parin kita.”
S-so its not one sided love?! FCK IT! ALL MY EXPECTATIONS ARE FILLED! FCK IT!
How I love this woman in front of me!
***
A/N:Emegherd! Unang umamin talaga si Alelie! Hindi na kinaya ang bigat ng damdamin. Hindi man lang natapos mag-explain si Xander L No worries! Maririnig natin side niya sa next chapter! Hope kiniligs parin kayo kahit halo halo ang feels haha!
Enjoy reading! Please vote, and comment! Lovelots! Mwah!

BINABASA MO ANG
Game Of Love
Ficção GeralAng pag-ibig walang pinipiling oras. Darating at darating sa gusto niyang oras o panahon. Wala din itong pinipiling tao. Mabuti ka man o masama pwede ka parin mahalin. Para ka din sumusugal dahil pwede kang masaktan o hindi. Anong gagawin mo kung...