5:MAX

4.1K 145 1
                                    

Alelie's POV

Ito na talaga ang official first day ng trabaho ko.

Nagluto ako ng almusal namin ni ate Daisy at ginising ko na siya.

Ayoko malate sa first day kaya dapat 15 minutes early. Ugali ko yon eh.

"Ate Daisy, kain na tayo!" Nasa kabilang kwarto si ate. Magkahiwalay kami.

Dalawa ang kwarto dito. Dapat ang isa ay closet niya pero dahil nandito ako nilagay na lang niya sa dapat na bodega ang mga gamit niya.

Nilinis nalang namin para maging desente naman. Kaya eto may sarili din akong kwarto.

Lumabas si ate Daisy na haggard na haggard.

"Goodmorning Nicolai. Grabe kapagod. Walang bakasyon sa college. Sarap patiwakal." Natawa nalang ako sakanya.

"Hayaan mo na ate. Pag nakapag tapos ka naman worth it naman diba? Tsaka buti kapa diba? Nakakapag aral. Kaya pasalamat ka nalang" Nakasimangot parin siya.

Nilahad ko sakanya yung kape at bigla nagliwanag ang mukha niya.

"Alam kong paborito mo timpla namin ni kuya kaya ayan." Namula naman siya bigla.

"I-ikaw talaga lakas mong mang-asar pagdating sa kuya mo!" Napailing nalang ako.

Magkakatuluyan din mga yan.

"Ay ate. Malapit na working hours. Alis na ako. Kumain na din ako. Ayan na yung ulam for lunch. Nagbaon kasi ako. Sige ate ah? Bye! Tatawag din ako kung gagabihin!" Hinalikan ko siya sa pisngi at nagpaalam na.

Pinaalalahanan pa niya ako na mag ingat at nag wave nalang ako.

Napag desisyonan kong maglakad nalanh dahil nga sa malapit lang.

***

Nakarating ako agad dahil maaga pa nga. 7:50am palang kaya 10 minutes early ako! Yes!

Agad ko naman binati ang guard na mukhang na shock. Grabe si manong.

Pumunta ako ulit sa receptionist dahil sabi ni mamsy pumunta daw ako bago pumasok.

"Hello ulit miss. Pinapapunta ako ulit ni Mrs. Tandoc. May pinapakuha siya sakin."

Nangunot naman ang noo niya saka may naalala.

"Ay! Oo! Eto pala ID mo daw. Para hindi ka mapagkamalan daw na visitor lang. Medyo maselan kasi dito. Nung isang araw nga nasesante si Ashley Norowa, yung dating receptionist. Binastos yung bisita ni sir Martin. Ayun nga nga ngayon." Tumango tango nalang ako. Grabe naman yun.

"Hay nako may ganyan talagang tao. Osha alis nako ha? Uh-- Bernadette." Di ko alam pangalan niya eh so tinignab ko sa ID.

Nag wave lang siya saaken saka na ako pumunta sa table ko sa 6th floor. Inayos ko muna gamit ko saka ko pinagtimpla ng kape si mamsy.

Nilagay ko nalang sa table niya pagkatapos.

Agad ko naman tinignan ang schedule niya at may meeting pala sila ng mga big boss.

2pm pa naman ang meeting kaya ginawa ko muna ang mga kailangan kong gawin.

Dumating na si mamsy kaya agad akong tumayo.

"Goodmorning po mamsy! Nandun na po yung coffee niyo mainit pa naman po." Ngumiti siya saakin.

"Halika iha, sumunod ka. May ipapagawa ako sayo."

Agad naman akong sumunod at dinala ko ang notebook kong maliit para mag take notes.

Pati na din ang schedule niya dinala ko.

"Eto iha, diba sa tabi ng desk mo may xerox machine? Ixerox mo lahat to. Tig 15 copies per page. Kailangan yan para mamaya sa meeting namin ng mga big boss."

Kinuha ko na ang mga dapat ixerox at nagpagawa din siya ng powerpoint.

"Oo nga pala iha, ano ang schedule ko ngayong araw?"

Tinignan ko ang notebook ko at hinanap ang schedule ni mamsy.

"Magmula ngayon hanggang 11am vacant niyo po, tas po mamayang 12pm which is lunch time kasama niyo po ang anak niyo. Tas po mamayang 2pm meeting na po ninyo ng big boss. Paguusapan niyo po yung tungkol sa monthly budget ng building."

Tumango tango lang siya.

"Sige iha, pwede kana magsimula. Basta before 2pm kailangan na yung powerpoint okay? Magiingat ka sa mga value okay?"

Ngumiti ako atsaka tumango at bumalik na sa table ko.

Sinimulan ko na yung powerpoint at nagxerox na din ako.

Di ko na namalayan na malapit na ang lunch time.

Tapos ko na yung powerpoint at pagxexerox pero chinicheck ko pa yung mga value para masigurado kong walang mali.

Ng masigurado ko ng walang mali ay nilagay ko na sa usb at binigay ko na kay mamsy.

Kumatok ako at saka pumasok na.

"Mamsy eto na po lahat. Okay na din po yung mga value. Pwede na po ba mag lunch? Ay oo nga po pala yung pong lunch niyo kasama yung anak niyo." Para bang signal yon at tinignan niya yung orasan niya.

"Sige iha pwede na. Susunduin pala ako ng anak ko pwede bang ikaw nalang yung magsabi na pupunta muna ako sa 13th floor? May ibibigay lang ako sa HR. Okay?"

"Sige po mamsy. Ako na po bahala."

Umalis na si mamsy at nagsimula na ako mag unpack ng lunch ko.

Nagluto ako ng adobo para hindi agad mapanis. Kumuha muna ako ng tubig sa dispenser at nagsimula na akong kumain.

Nagsimula na akong kumain at sa kalagitnaan ng pagkain ko ay may napansin akong pigura sa aking harapan.

Nag angat ako ng tingin at nagsalubong ang mga mata namin ng isang gwapo at mukhang model na lalaki.

Itim na mata at buhok, ayos lang ang pangangatawan, manipis na labi, medyo matangos ang ilong.

"Excuse me. Nandyan ba ang mama ko?" Nakanganga na pala ako ng hindi ko namamalayan.

"Excuse me miss? Ako nga pala si Max Tandoc. Anak ako ng boss mo. Nandyan ba siya?" Nagtanong naman siya in a nice way. Sheeeeeeeet! Mabait pa!!

"Ah- eh... Uhm... Ay!! Opo sorry po! Nasa 13th floor po ang mama niyo. May inasikaso lang po hintayin niyo nalang po siya."

Tumawa siya at parang medyo bumilis ang tibok ng puso ko. Ang cute niya!!

"Cut the formality. Bata pa ako. 22 palang naman ako. Ikaw ba ilang taon kana? And whats your name? Kinukwento ka ni mama pero hindi man lang mabanggit ang pangalan mo."

"Oh. Umm.. Im Alelie Nicolai Pascual. Secretary ng mama mo and 19 palang ako. Galing akong Tarlac. Pero mahirap din ang buhay kaya nakipagsapalaran ako dito."

Tumango tango lang siya at saka tinignan ang pagkain ko.

"Ay umm.. Kain tayo. Lunch time na den." Umiling lang siya ay ngumiti.

"Sige kain ka lang. Idedate ko si mama. Miss ko na kasi siya eh. Matagal din kaming hindi nagkita."

Wow! Mapagmahal pa ng magulang! Sweeet! Good catch si kuya!!!

"Sweet mo naman. Oh ayan na pala si ma'am eh."

Nakita ko na papalapit na si mamsy kaya inaya ko din siya kumain.

"Iha, lunch out lang ako ha? Ikaw na bahala dito. Basta before 1:30 nakabalik na ako okay? Nagkakilala na pala kayo ni Max. Im glad you met her. She's such a great girl."

Namula naman ako dahil sa compliment niya.

Nakita ko na ngumiti Max na para bang sinasabi na totoi ang sinasabi ng mama niya.

"Yes ma. Mabait nga siya. Tara na ma para naman makapagusap pa tayo ng matagal." Binati niya ako ulit atsaka na sila umalis.

Napangiti ako ng hindi ko alam. Sheeeeeeps kinekelergs ako!!!

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon