39:GIRL TALK

3K 101 2
                                        

Alelie's POV

Nandito kami sa beach ng mga babae at nakaupo sa nakalantad na nipa mat.

Kanya kanya silang suot ng swimsuit na bagay na bagay sakanila. Sexy kaya nilang lahat. Buti pa sila. Eh ako may konting bilbil eh. Si Meghan naka maternity dress na may hawaiian design siempre, juntis na siya.

Masasabi ko naman na mababait sila. Kasi nagkukwentuhan kami ang dali nila makasundo. Lalo na si Crisel at Joanne ang daldal. Gaya ko din pala silang taga probinsiya.

Si Beatrice lang talaga ang galing sa mayaman na pamilya. Pero kahit ganon halatang napalaki ng maayos ng magulang niya.

Yung mga lalaki ayun nasa malapit sa gate, nag ba-barbque. Habang kung ano ano nalang din siguro pinag uusapan nila.

"Mga bes, ano maganda iregalo sa lalaking hindi mo alam kung ano ang relasyon niyo?" Tanong ni Joanne.

"Bakit? Ano ba meron? Anniversary niyo ni Lucas?" Tanong ni Crisel na nagpapapak ng banana chips.

Wow! Kaloka ah? Magulo nga relaayon tas anniversary.

"Hindi. Birthday niya bukas. Eh mag be-bake ako ng cake, gusto ko nga patulong sainyo eh. Lalo na kay Meghan. Tas patulong din ako sainyo para girl bonding na den." Tumango tango ako.

"Edi bigyan mo siya ng relo. Okaya pabango. Yun lang naman kasi usually yung nakakayanan natin eh. Lalo na kung gipit mga bes." Si Crisel naman nag iisip den.

"Damit nalang kung gusto mo. Eh ang problema madami na siya non I bet. Kaya para unique edi brief ibigay mo." Sumubo pa siya at tinignan si Joanne.

"Bat naman brief? Nakakahiya kaya magbigay ng ganon." Natawa naman si Crisel na parang may naiisip na kalokohan.

"Sabagay di mo na kailangan bigyan. I bet pag kayo lang dalawa di na siya nagsusuot non." Ng dahil sa sinabi niya naibuga ko ang iniinom ko at tumawa.

Natawa din si Meghan na kumakain din at si Crisel todo tawa, si Joanne halatang pulang pula na ang mukha.

"Grabe kayo sakanya ah! Ang hard niyo! Pero totoo? Di na siya nagsusuot?" Bigla kong singit.

"Gagu! May pa hard hard kapang nalalaman eh pareho lang kayo! " Sinapak ako ni Meghan at natawa nalang ako.

"Eh ikaw ba Beatrice? Kumusta kayo ni Doms?" Tanong nanaman ni Crisel. Itong babae talaga na to walang hiya.

"Umm, okay lang naman. Ganon paden. Walang pagbabago." Umasim naman ang mukha ni Crisel. Ay kakatak nanaman yan.

"Ay? Ganern? Pwends pewo with benewfets? Jusko day! Umamin kana na mahal mo! Tignan mo man! Si Kevin kahit ganyan lang mahal ko yan. Kahit ako una umamin okay lang. Kasi ramdam ko naman mahal niya ako. Torpe nga lang talaga siya. Eh itong si Meggy, jontes na! Happy life pa! Etong si Aleleng nako, kasal nalang ang kulang diyan." Kasal? Ewan ko lang kung pagpapatali saakin yon.

"Oo nga naman, Alelie. Pakasal na kayo. Halata naman senyo na dun din punta niyo eh!" Namula naman ako. Bagay ba? Alelie Nicolai Lopez? Mrs. Lopez?

Para matago yung kilig ko kinanchawan ko nalang sila.

"SIGE! PAPAKASAL AKO KAYO MAGBAYAD! Nako! Super nagmamadali naman kayo! Grabe kayooo! Tsaka this is the Story of Mah Life. Kaya hinay hinay lang okie?" Binatukan naman ako ni Crisel at tinawanan ko nalang sila.

Panigurado naman kasi hindi pa magpapatali yon. Alam ko dahil siempre, mas gusto pa niya malaman kung ano talaga gusto niyang gawin. Malay mo nga hindi pa siya yung forever ko eh.

"Ladies, lets have lunch." Tawag samin ng pansin ni Kevin. Agad kaming tumayo at inakbayan niya si Crisel. Hinalikan siya ni Kevin sa harap namin at nagtilian naman kami.

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon