45:GAME OVER

3.6K 117 4
                                    

Alexander's POV

Tangina, tangina, tangina. Hindi pa siya umuuwi. Ninenerbiyos na ako. Konti nalang aatakihin na ako sa nerbiyos. Did I went overboard?

Sumobra ba? Shit shit shit!! Dapat hindi ko siya tinitiis eh! Tangina,nakakasira ng relasyon tong pagpapanggap na to!

Yes,its just an act. Kahit nga sa reply ko kanina hindi ako ang nagtype ng dahil sa hindi ko kaya. Tangina na Kevin. Sumobra.

Paikot ikot lang ako sa bahay at may narinig akong sasakyan sa labas. Agad akong tumungo sa gate para silipin yon. Not even minding my surroundings.

Nakita ko si Max na karga si Alelie. Kahit gusto kong basagin ang mukha niya ngayon eh hindi pwede. Were friends now. JUST FRIENDS. Civil kumbaga.

I trust him. Alam kong hindi siya gagawa ng kagaguhan. Pag gumawa naman siya sisiguraduhin kong sa empierno ang bagsak namin dalawa. Kinuha ko sakanya si Alelie at nagunat siya. Tsk. Di naman siya mabigat eh!

"Hey fcker, etong girlfriend mo grabe uminom. Hindi naman pala kaya. At sa totoo lang nabingi ako sa kga kinakanta niyang Aegis. Tangina, hindi ko alam na gusto niyang mag karaoke. Magpapacheck up ako ng tenga mamaya." Oh shoot! Its 1am!

"Ikaw na gago ka, sabi ko libangin mo lang siya! Hindi ko sinabing lasingin mo! Tangina mo! Lumayas kana nga!" Alam ko na, alam niya na ito ang paraan ko ng pasasalamat.

Wonder why were okay? Well, actually nagpa sorry siya saakin personally. Nagpakumbaba siya kaya ganon din ako. Hindi naman ako masamang tao masyado. Sadyang nangaagaw lang siya nun

"Youre welcome. Sige na. Pag naman hindi mo pa ginawa ang plano mamaya tangina mo."

Napailing nalang ako at pumasok na. Pahirapan sa pag lock ng gatr dahil sa buhat ko na ngayon si Alelie. Pagkalock ko ay pumasok na ako. Since doon sa text na sinabi ni Kevin sa dating niyang kwarto ko siya hiniga. Kumuha ako ng towel at malamig na tubig. Pinunasan ko siya at pinalitan siya ng damit na pantulog.

Ng maalis ko ang dress niya konti nalang eh papasok nalang ako. Pero tangina, kailangan mag pigil. Shit shit shit. Kinakabahan talaga ako.

Hindi ko alam kung tama ang gagawin ko. Ganito din ba naramdaman ni Aston? Yung konti nalang eh sasabog na yung buong katawan mo?

Kahitmna labag sa loob ko ay bumalik na ako sa kwarto ko. Ang hirap ng hindi siya katabi. Sobra. Okay fine, yung nighties niya ang katabi ko sa pagtulog. Kahit amoy lang muna pwede na ako.

Sa kaiisip ko eh, hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

***

Kinaumagahan maaga talaga akong nagising kahit na kulang na kulang ako sa tulog. Kailangan ko siyang maunahan sa pag-alis. Ayoko siyang nakikita baka bumigay ako.

Agad kong tinawagan si Ms. Cortez, isang event organizer. Kaya for the whole week magkameeting kami dahil dito. Si mang Dan naman tinawagan ko na din para sunduin ang mga kailangan ko ng presensiya para mamaya.

"Hello? Ms. Cortez, Ill just go there later. Sa tingin ko wala nang dahilan pa para magkita tayo right?" Offending pakinggan but I honestly dont care. Ayoko ng presensiya ng ibang babae as much as possible. Gusto ko si Alelie lang at mga kaibigan ko lang talaga.

(Yes, its okay already. Papunta na kami sa venue para mag ayos. Ang presence niyo nalang ang kailangan para mamaya. We'll see you.) Pagkasabi niya non ay binaba ko na ang tawag.

Kulang pa ako sa tulog kaya pumunta ako sa office at doon muna natulog. Sinigurado ko na naka-lock ang pinto para isipin niya na wala pa ako. Nag park din ako sa public parking lot para hindi niya makita ang sasakyan ko sa parking lot ng building.

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon