Alelie's POV
Isa nanamang magandang araw para saakin. Isang araw nanaman ng pagtitinda sa talipapa na siyang ikinabubuhay ng pamilya namin.
Tatlo kaming magkakapatid. Ikalawa ako at si kuya Nick naman ang panganay. Ang bunso namin ay si Nicolette.
Simple lang ang buhay namin dito. Sa isang compound lang kami nakatira pero disente naman ang lugar namin.
Araw- araw akong nagtitinda ng gulay sa talipapa. Dahil si nanay, may sakit. Si tatay naman may ibang pamilya.
Hay nako. Ewan ko ba. Hindi na nakuntento si tatay kay nanay. Naniniwala kasi ako na pag nagpakasal dapat kayo na talaga.
Maging kontento sa kung anong meron kayo. Ganern! Hindi yung maghahanap pa ng iba!
Kaya kami ni kuya ginagawa ang lahat para sakanilang dalawa ni Nicolette.
Si kuya nakapagtapos ng kursong Accountancy. Pero hindi na siya nakapagtrabaho sa isang maayos na kumpanya dahil sa nagkasakit nga si nanay at kung ano ano na muna ang raket na ginagawa niya.
Ako hanggang Highschool lang. Matalino naman ako sa mga ibang subject. Isa lang talaga ako kulelat ako. ENGLISH.
Gusto ko maging Veterenarian. Kaso nga lang.. Si Nicolette muna. Gusto ko makapagtapos muna siya.
Malakas naman ang benta madalas dahil fresh naman ang nakukuha kong gulay galing kay Mang Carding.
"OH! SUKI BILI NA KAYO NG GULAY! SARIWANG SARIWA!" Nakipag sabayan na ako sa pagsigaw ng mga tindero at tinderang katulad ko.
"Nicolai, sitaw kaba?" Tanong ng isa sa mga manliligaw ko. Which is nakakainis.
Si Ethan, kargador dito sa palengke. Hay nako, ewan ko ba. Wala akong interes sakanya. Kahit anong interes wala.
"Pwede ba. Kung wala kang bibilhin at wala kang sasabihin na matino umalis kana. Nakakaasar kana." Ngumiti siya na parang aso. Tsk, ka badtrip to. Sarap bigwasan!
"Ito naman nagpapacute lang naman ako." Inisnaban ko siya at ibinaba ang tabo na panghugas ko sa mga gulay.
"Alam mo? Wala akong interes sayo. Kaya mabuti pa umalis alis kana bago pa kita upakan." Nagsabi sabi pa siya pero hindi ko nalang pinansin.
Alas-siete palang ng umaga kaya madami pang bumibili. Tinuon ko nalang ang pansin ko sa mga paninda ko kesa sa mga mukhang tilapia na lalaki dito.
Hindi ako ang gaya ng iba na kahit sino basta mayaman, kekerengkeng na. Gusto ko lang yung magmamahal at poprotekta saakin at mamahalin ang pamilya ko gaya ng pagmamahal ko sakanila.
Ganun lang naman ang gusto ko eh. Ayaw ko yung mamahalin ko lang ng dahil sa materyal na bagay.
Ako ang tipo na kaya ang gawin ang lahat para sa mga mahal niya. Kaya ako pag nagmahal lubos lubos.
Mag aalasdyes na nung umuwi ako. Wala na kasing tao sa talipapa ng ganon na oras kaya umuwi muna ako.
Bakasyon ngayon kaya wala pang pasok si Nicolette.
Enrollment nanaman kaya si kuya todo kayod sa pag apply at pag racket.
Ako naman toka ako sa pagsustento sa gastusin sa bahay. Hati naman kami ni kuya sa gamot ni nanay.
Mamayang alas-singko pa ako ng hapon babalik sa talipapa.
Pagkauwi na pagkauwi ko ay hinanap ko agad si nanay.
"Nay! Nakauwi nako!" Inalis ko na ang apron na nakapalibot sakin.
Kinuha ko muna ang wallet ko at sinilip.
BINABASA MO ANG
Game Of Love
Ficción GeneralAng pag-ibig walang pinipiling oras. Darating at darating sa gusto niyang oras o panahon. Wala din itong pinipiling tao. Mabuti ka man o masama pwede ka parin mahalin. Para ka din sumusugal dahil pwede kang masaktan o hindi. Anong gagawin mo kung...
