6:MULING PAGKIKITA

4.1K 151 2
                                    

Alelie's POV

Nung bumalik si mamsy hindi na niya kasama si Max.

Kalungkot naman.

Tumunog ang intercom at narinig ko ang boses ni mamsy.

"Iha, prepare kana. Thirty minutes before yung meeting. I want you to take down notes okay? Medyo makakalimutin na ako iha. I need you to be by my side." Sinagot ko naman siya at naghanda na.

Kinuha ko na ang dapat. Usb, notebook at cellphone.

Hindi ko pa pala natatawagan si kuya! Hala!

Kumatok ako sa office ni mamsy.
"Mamsy, pwede po ba pa excuse sandale? Tatawagan ko lang po kuya ko."

"Sige iha, basta ba handa na ang lahat." Ngumiti ako at tumango.

Pumunta na ako sa table ko at tinawagan si kuya.

Dialling Kuya Nick....

(Nicolai? Oh? Kumusta kana?) Agad akong napangiti nung marinig ko boses niya.

"Okay lang kuya.. Eto okay naman ang trabaho. Di naman masyado na hohome sick. Pero namimiss ko parin kayo."

(Sabi ko naman kasi sayo. Ako nalang. Di kaba pinapahirapan ng boss mo? Tsaka... si Daisy.. Kumusta siya?)

Hay nako! Inlababo din ang kuya ko!

"Ikaw talaga kuya. Okay naman ang boss ko. Mabait nga eh. Si ate Daisy? Ayun maganda paren. Namimiss ka din nun. Wag ka mag-alala." Ansarap asarin ng kuya ko!

(Wala naman ako sinasabi na miss ko siya ah? K-kinokumusta ko lang!)

"Talo ang pikon kuya! Hay nako! Umamin kana kasi. Torpe neto. Sige na kuya may trabaho pa ako. Tatawag ulit ako mamaya. Pakausap naman ako kina nanay pati Nicolette mamaya no? Bye kuya! Mahal ko kayo."

(Sige na ayusin mo trabaho mo. Magiingat ka diyan. Tumawag ka pag may kailangan ka ah? Mahal ka din namen.)

Binaba ko na ang tawag at tinignan ang orasan.

1:57 na. Tinawag ko na si mamsy through intercom at pinauna na niya ako sa conference room.

Agad kong hinanda ang laptop pati na din ang projector.

Para naman maayos na pagdating ng mga big boss.

Saktong 2:00 ay nandito na si mamsy.

"Sige iha upo kana doon. Ako ng bahala. Hintayin nalang natin sina boss."

Naghintay pa kami ng ilan pang mga minuto at may pumasok.

Tatlong Greek gods. O to the M to the G! ANG GUGWAPO!!

Sila pala mga big boss namen!! My gash! Di man lang ako nainform na ang gugwapo nila!

"Good morning mga sir. Nasan po yung dalawa?" Mukhang close na si mamsy sakanila ah?

"Good morning den mamsy. Si Ton busy daw with some matters. Si Xander oh well Filipino time lang yun." Sabi nung isa. Gosh. Ang gugwapo nila.

"Ganon po ba? Sige sir Kevin upo na din po kayo."

Di ko namalayan na nakatingin na pala silang lahat saakin.

Napalunok ako. Gosh. Nakakakaba.

"Oh! By the way. This is my new secretary. Alelie Nicolai Pascual. Nicolai, sila ang mga boss naten. Si sir Kevin Arce, sir Lucas Deverell, at sir Dominic Mercado."

Nag bow ako at ngumiti. "Good afternoon. Nice meeting you po."

Tumango lang sila at si sir Kevin ay naglabas ng kanyang phone.

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon