46:THE WEDDING AND RECEPTION

3.4K 95 6
                                        

Alelie's POV

So this is it. Ikakasal na talaga ako. Grabe na to. Hindi ko keri. Pero infairness, medyo ka hurt. Hindi ko man lang naasikaso ang kasal ko.

Naglalakas na ako papunta sa groom ko na ubod ng gwapo. Na konti nalang bibigyan na ako ng sakit sa puso. Overloading na sa pagmamahal. Okay, corny na.

Habang naglalakad pinagmasdan ko ang mga tao. Nandito ang mga kaibigan niya at ang mga asawa ng kaibigan niya. Na naging kaibigan ko na din. May mga tao din na hindi ko kakilala, pero sana nandito ang parents ni Xander. Sa totoo lang hindi ko pa sila nakikilala.

Siempre, nandito nina kuya, Nicolette. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang ama ko nandito.

Ang nanay ang naghahatid saakin sa altar. Kaya naman tinignan ko siya. Pero umiwas lang siya ng tingin.

Gusto kong tumigil sa paglalakad pero hindi ko magawa. Mas mahalaga ngayon ang kasal namin ni Xander, kesa sa hinanakit ko sakanya. Ngumiti siya saakin pero umiwas ako ng tingin.

Pero ng makita ko ang lalaki na ginawa ang lahat para sakin, nawala lahat ng bigat ng loob ko.

May ganon pala? Yung kaya kang bigyan ng saya at kakontentuhan sa isang tingin lang?

Ngumiti siya at ganon din ang ginawa ko. And thats it. It made me feel extra better.

Ng nasa altar na kami ay inabot na ni nanay ang kamay ko kay Xander. Nag mano siya at humalik sa pisngi ni nanay.

"Iho, alam kong gagawin mo, pero sasabihan lang kita uli, alagaan mo ang anak ko. Mahal na mahal ko yan. Siya ang nag alaga saamin pero sa katwiran siya ang dapat kong alagaan. Kaya sana ibigay mo ang lahat ng pagmamahal at arga sa abot ng iyong makakaya." Naiiyak na ako. Grabe si nanay. Pinapaiyak ako.

"Oo naman, nay. Mahal ko to eh." Hinalikan din ni nanay sa noo at bumalik na si nanay sa upuan niya. Nagtungo na kami sa altar at nagsimula na ang seremonya.

Nagmisa muna si Father, at nagsermon.

Na ang mag-asawa, pag nagisa ay hindi dapat iwanan. Na ang mag-asawa dapat magtulungan, at ang mahalaga, dapat ang mag-asawa.. Magmahalan. Lahat ng sinabi na sermon ni father, siniguro ko na nakatatak sa isip at puso ko.

At ng oras na para sa mga vows namin medyo kinakabahan ako. Dahil siguro sa ito yung chance na para maging open talaga ako sakanya.

"Alexander Lopez, sa una natin pagkikita nakakainis kana. Binanga mo na nga ang kariton ko, ang kuripot mo pa." Nagtawanan ang mga bisita at si father. Napailing nalang siya at tumawa din.

"Pero ng dahil doon nakilala kita, hinalikan mo pa nga ako eh. Tas nagpunta nga ako ng Manila para mabuhay sina nanay. Tas nandon ka din para guluhin ang buhay ko. At totoo nga na lalong gumulo, hindi lang gulo binulabog mo pa ang buhay ko. Pero journey na pala natin yon hanggang dito. Sa pinagdaanan natin, puro what ifs, puro pag aassume, pero ngayon, masasabi ko na ng tapat at walang halong pag aalinlangan, kahit isigaw ko pa, na mahal na mahal na mahal kita. Siguro nga kung may mas mataas na level pa sa love, yun na ang nararamdaman ko para sayo. Mahal kita, love. And so I vow to cherish you, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, death will not do us part. Because my love for you will eternally be engraved in me." Sinuot ko na sakanya ang singsing. Umiiyak na siya at ganon din ako. Who would habe thought na umiiyak pala siya sa ganitong events right?

I kissed his knuckles and smile tenderly at him.

Itinapat na sakanya ang microphone par sa vow niya at nagsimula na siya.

"Ayun nga August 24, 2000. Nakilala kita. Si kupido siguro gusto ang August maliban sa Febuary kasi nakilala kita, you know that feeling when I look at you and Im contented? Thata how I feel now, love. Were not the kind of relationship na may ligawan. But I assure you, after this wedding, Id always be the man who is willing to court you and say yes to everything you ask, well except for leaving me of course. Id rather be your slave, kesa sa iwan mo ako. Ganon kita kamahal. Love, from this day on, asahan mo na titriplehin ko ang effort ko na mahalin ka lang lalo. Its time for us to grow and stop playing the assuming game. Lets tell eacher other how we really feel just like Im doing to you now. Im gonna say this because its true and pure, in front of God, Im saying that I love you so much, that words arent even enough.
And this is my  vow to cherish you, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, that even death cannot take my love away from you." Sirang sira na ang make up ko ng dahil sa pagiyak.

I didnt know my Xander could be this sweet.

"I now pronounce you husband and wife, you may kiss the bride." Pagkasabi non ng pari walang pasabi na hinalikan ako ni Xander at nagngitian kami pagkatapos non.

Ang weird kami lang ata ang kinasal ng gabi. At gladly okay lang kay father.

"OKAY PEOPLE! RECEPTION NA!" Nagsilipat lang ang mga bisita sa mala function hall at nandoon ang mga handa, pati na din ang cake sa kasal namin nandoon. God, how did he prepare these?

"Nagustuhan mo ba, love?" Niyakap niya ang bewang ko at hinalikan ang noo ko.

"Oo naman, love. This is more than enough. Thank you." Hinalikan ko siya sa labi at ngumiti.

"Come on, lets eat. Baka itakas lang kita para honeymoon na tayo agad." Hinampas ko siya at ngumiti. Smiles alwaya come on me these days.

Biglang nawala lahat ng galit ko sakanya.

Nag enjoy naman kami sa reception, yung mga emcee inaasar palagi ang mga ibang bisita lalo na kami, may video presentation pa na may pictures namin dalawa at kinwento pa ng mga kaibigan namin ang love story namin.

Mga bully talaga.

At ng oras na para sa messages ng mga special friend and relatives, unang una na tumayo si nanay.

May ngiti sa mukha ni nanay at alam ko na masaya siya para saakin.

"Mga anak, masaya ako at kinasal na kayo. Ngayon alam ko na, na nasa mabuting kalagayan at kamay ang anak ko. Iho, salamat sa pagbibigay ng lahat ng nararapat para kay Alelie. Nagpapasalamat ako sa Diyos at naisilang ka sa mundong ito at napalaki ka ng maayos ng mga nakapaligid sayo. Alam ko na nararapat sayo ang anak ko. Mahal na mahal ko kayo mga anak. Palagi niyong tatandaan na handa akong maging ina niyo pareho, kung may problema sabihin lang saakin at handa qkong tumulong." Sa sobrang saya ko ay tumayo ako at niyakap si nanay. At ganon din si Xander.

Sumunod naman si kuya at naiyak din ako sa message niya. Ang tatay ko ay nanatili lang sa upuan niya at sumunod na nagsalita ang mga kaibigan ni Alexander.

Pero sa pagtataka ko ay sabay sabay silang tumayo at may dalang nakafold na tarpaulin at party poppers pa.

Tinwist nila ang party poppers at nilantad ang tarpaulin.

"WELCOME TO OUR NEW CLUB, TAKUSA CLUB!!!" Napailing nalang si Xander at tumayo para makipag bro hug sa mga kaibigan niya. Nagtawanan sila dahil sa pagkakuha ng microphone ni Kevin ay nagsimula na sila mqg asaran.

Ang mga pinaghihinalaan kong magulang niya ay nakqupo lang at nakatingin kay Xander.

Bigla naman silang tumingin sa direksyon ko at ngumiti at ganon din ang ginawa ko.

Hinayaan na namin silang kumain at magsaya at si Xander naman sinamahan ako sa table namin at sinusubuan ako.

"Ikaw talaga, ang pikon mo. Pag ganon hayaan mo na. Kasal naman natin eh. Pagbigyan mo na." Hinawakan ko ang kamay niya at ang isa ko namang kamay ay pinangsubo ko din sakanya.

"Love, honeymoon na tayo. Quota na ako sa pang-aasar nila at sa pagiging tigang ko." Napailing nalang ako at tumango na.

Nagliwanag naman ang mukhq niya at sumigaw ng 'yes' ng nakakuha ng atensyon ng mga bisita.

"Pumayag na ang asawa kong mag honeymoon!! Gotta go everyone!!!!" Binuhat niya na ako at nagtilian namana ng ibq at ang iba nagpalakpakan.

Pagkasakay namin sa bago nanaman niyang sports car ay hinalikan niya ako.

"Get ready. We'll have Olympics at home before we live for Maldives tomorrow." Ngumit ako at nagtaas ng kilay.

Okay na eexcite din ako sa Maldives.

"Bring it on. Im a sporty woman. Mr. Lopez." Kinindatan ko siya at ngumisi siya.

"We'll see, Mrs. Lopez.. We'll see."

And it felt good to be Mrs. Lopez.

I gues it really is a game over for our doubts. And a new game for our eternal love.

Game Of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon