19:DENY PA

3.2K 117 3
                                    

Alelie's POV

Nagising ako sa tama ng mga hibla ng araw sa mukha ko.

Nandito ako ngayon sa isang guest room sa bahay nila Megs.

Nag enjoy kami kagabi. Board games, make-up, girl stuff, at kung ano ano pa.

Pinapatulog nga niya ako sa kwarto nilang mag-asawa po siempre, nirerespeto ko parin ang pamamahay nila.

Hindi dapat ako pumasok sa privacy nila.

Tinignan ko ang cellphone ko kung may message ba si kuya Nick.

Ng makita kong wala ay tumawag ako sakanya. Sabado ngayon kaya walang trabaho.

6am na kaya sigurado ako na gising na yun.

Kuya Nick calling...

After ng ilang ring sumagot si kuya.

(Oh? Nicolai!? Kumusta kana? Ilang araw ka din hindi nakatawag. Oo nga pala, salamat doon sa pinadala mo. Unti unti na nababawasan ang mga gastusin natin.) Napangiti naman ako sa sinabi ni kuya.

Salamat naman. Worth it naman ang pagtatrabaho ko.

"Wala yun kuya. Si Nicolette? Okay lang ba?"

(Sandali tatawagan ko para makausap mo. Miss kana din nun.) Naexcite naman ako.

Naghintay akong konti at narinig ko na ang boses ni bunso.

(Ate! Kumusta kana? Sorry ah? Naglalaro ako eh. Miss na kita ate!) Gusto kong maluha dahil miss ko na sila.

"Miss na din kita bunso. Kayo nila nanay. Si nanay nasaan?"

Nagpahid ako ng luha ko dahil miss ko na talaga sila.

(Ayun ate nagpapahinga. Katatapos lang niya magluto. Ang sarap nga ng ulam namin ate eh! Paborito mo! Batchoy!)

Natawa ako dahil sa kagiliwan niya.

"Osige na bunso. May kailangan pa gawin si ate. Pakumusta mo nalang ako kay nanay ah? Hayaan mo bibisita ako kung kelan ko kaya." Ngumiti ako kahit na alam kong hindi niya makikita.

(Talaga ate!? Sasabihin ko yan kay kuya at nanay!! Sige ate! Bye! Ingat ka! Mahal kita! Mwah mwah!)

Pinatay ko na ang tawag at bumaba na para magluto ng almusal.

Sakto ko namang nakita si Meghan na naghahanda na pala ng kape, gatas at juice.

Nakita ko na nakalahad ang frozen bacon, hotdog, ham, at itlog.

Nilapitan ko siya at tinignan ang mga nakaluto na pero wala pa pala.

"Uy! Good morning Megs! Ako na magluluto bes!" Kumuha na ako ng frying pan at nagpainit ng mantika.

"Good morning din bes! Hay nako pasensya na. Kagigising ko lang eh. Pauwi na yung dalawang yon panigurado ako. Tumawag kasi siya kahapon eh."

Tumango nalang ako at nagsimula ng magluto.

Tinignan ko kung may kanin pa at magluluto ako ng special fried rice na tinuro saakin ni nanay.

Marami rami pa naman at sakto na siguro para saaming apat.

"Bes, eto oh. Luto na ulam. Sandale lutuin ko yung kanin. May tinuro kasi si nanay saakin dati eh." Kumuha pa ako ng isa pang kaldero at naginit na ng konting mantika.

"Bes pwede kana mag-asawa! Pakasalan mo na si Xander!" Namula naman ako bigla.

"Putek naman bes! Sa lahat naman ng pwedeng maging asawa oh! Bat hindi nalang si Robert Pattinson diba!? Bes naman!"

Nakasimangot kong sabi pero sa kalooblooban ko, why not?

"Pakipot kapa! Osha tapusin mo na yan. Ako na bahala mag ayos sa dining." Tumango na ako sakanya at pinagpatuloy ang pagluluto sa special fried rice na tinuro sakin ni nanay.

(A/N: Next time po ishare ko recipe namen hehehehe)

Ng matapos ako nilagay ko na sa bowl at inihapag sa dining.

Si Meghan naman kumukuha na ng mga kubyertos at iba pa.

Tinignan ko ang orasan at malapit na din pala mag 8am.

Sakto naman namin narinig ang busina ni Aston.

Nagliwanag bigla ang mukha ni Meghan.

Hay nako. Pag-ibig nga naman.

Siguro kasama na niya si Xands.

Lagot sakin yon! Nakipag suntukan pa! Sino naman kaya nakasuntukan neto!

Sumunod nalang ako kay Meghan para salubungin ang dalawa.

Agad na niyakap ni Meghan ang asawa niya at naghalikan pa. Sheeet! Kakilig! Wag naman po sana mag live show itong dalawa!

Naramdaman ko na may taong nakatitig saakin kaya tumingin ako sa gawi niya.

Iba ang tingin niya. Tagos sa pagkatao ko. Ewan ko ba.

Kaya kumaway nalang ako sakanya at tumango lang siya saakin.

"Hey guys, lets eat. Im starving." Napatingin kami sa mag-asawa at pumasok na sila.

Sumunod naman kami at hindi parin siya nagsasalita. Napano kaya to? Ang down naman ata niya masyado.

Nagsimula na kaming kumain at ayun nagkwentuhan lang kami sa mga ginawa namin kagabi.

Tapos na akong kumain at uminom na ako ng tubig. Pinagmasdan ko lang ang mag-asawa.

Ang sweet nila. Naiingit ako.

Nabigla ako ng bigla ako buhatin ni Xands.

"Hey fcker, let me borrow a room. We need to talk privately."
Nag thumbs up nalang si Aston at inakyat niya ako.

Pagkapasok namin sa kwarto hindi niya ako binaba agad.

"Ano bang problema mo?! Ibaba mo na nga ako! Nakigamit kapa ng kwarto ng iba!" Pinagmasdan ko ang mukha niya.

May sugat siya sa gilid ng labi.

Ibinaba niya ako sa kama at hindi parin siya umiimik.

Ng makaupo ako ay bigla naman siyang humiga sa mga hita ko.

"Let me rest. Pagod ako. Oo nga pala, pupunta akong Japan. May seminar kami. Hindi na kita isasama wala ka din naman gagawin don." Nakapikit siya habang sinasabi yon.

"Osige. Ako nalang bahala sa mga gamit mo. Alam kita. Magulo ka mag-ayos." Tumango lang siya at nanahimik kami sandali.

Ng mapansin ko na nanaman ang sugat niya ay hinampas ko siya sa dibdib niya ng malakas!

"Ikaw ah! Nakipag suntukan ka daw! Ano nanaman ba pumasok diyan sa kokote mo at ginawa niyong boxing ring ang lugar kung saan man kayo nagsuntukan! Hay nako Alexander! Sin ba yung kasuntukan mo ha?!"

Inalis niya ang kamay niya at tinignan ang nakakunot kong mukha.

"Si Max ang nakasuntukan ko. Bakit? Nag-aalala ka sakanya? Pwes okay lang siya. Ako ba hindi mo tatanungin kung okay lang ako? Baka sakaling may pakialam ka pala sakin." Anong drama neto!?

"Si Max!? My gosh Xander! Wala naman ginagawa sayo yung tao! Sayo ako nag-aalala! Baka magkaroon kapa ng bad image ng dahil lang sa kanya!"

Nakasimangot parin ang mokong at ang cute pala niya.

"Sandali nga lang. Xander, nagseselos kaba?"

Bigla siyang napabangon at namumula ang mukha niya.

"Hindi no! Hindi ako magseselos sa mukhang hilaw na baklang yon! Hindi ako magseselos dahil close kayo! Hindko magseselos dahil sa palagi kayong may date! Hindi ako magseselos dahil nanliligaw siya sayo! At mas lalong hindi ako magseselos dahil alam ko na gusto mo din siya! Bwiset!" Nagmarcha siya sa banyo at binagsakan ako ng pinto.

Imbes na magalit ako sakanya ay mas lalo pa akong nahulog at natawa ako sakanya.

Halata na kasi nag dedeny pa.

Selos ang honey ko.

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon