Alelie's POV
Nasa tapat na ako ng building ng MARLODEVARDO. Ewan ko ba kinakabahan ako.
Nakasuot lang ako ng simpleng pencil skirt na black at white long sleeves. Typical na pang office.
Dala ko lang ay ang pera, cellphone, at mga personal kong gamit. Pati na din resume at iba ko pang documents dala ko.
Pagkapasok ko ay agad ako nagtanong sa receptionist.
"Hello, pwede po magtanong kung saan yung HR? Ako po si Alelie Pascual yung bagong secretary ni Mrs. Tandoc." Nginitian niya ako at may sinilip sa monitor.
"Youre just in time ma'am. Saakin po kayo binilin. Ibigay niyo daw po ang resume niyo and you can go to the 6th floor and then right third door thats the office of Mrs. Tandoc of Finance Department. No need to proceed to the HR. Your first day is today."
What!? First day ko ngayon!? Akala ko ba bukas palang?! Hala!
Natataranta man ay pumasok na ako sa elevator. Nako! Sana naman hindi masungit ang boss ko.
Tinext ko si kuya para sabihin na first day ko ngayon. At dahil sa mabait akong empleyado. Pinatay ko muna ang phone ko.
Pagkadating ko ng 6th floor agad kong sinunod ang sinabi ng babae. Ng nasa harap na ako ng office ay huming muna ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko.
"Kaya mo yan Alelie. Kaya mo yan." Pinalakas ko ang loob ko at kumatok na ako.
Pumasok na ako at nakita ko ang boss ko.
May katandaan na pero ayos lang. Mukha naman siyang masaya sa buhay kaya hindi masungit.
"Good morning iha. Im Mrs. Josefina Tandoc. Nice meeting you. Dont worry. Hindi ako gaya ng iba na masungit. Kung mabait ka ganon din ako. Simple lang ang rules ko. Basta gawin mo ang trabaho mo ayos lang. Pwede kang mag cellphone and computer. Pero dapat tapos na ang trabaho mo bago mo gawin iyon okay?"
Ngumiti at atsaka tumango.
"Opo. Naiintindihan ko po. Makakaasa po kayong aayusin ko. Ako nga po pala si Alelie Nicolai Pascual. Pwede niyo po akong tawagin Alelie or Nicolai."
Nginitian din niya ako at itinuro na saakin ang mga trabaho ko.
Ako ang aayos ng schedule niya, ako din ang taga bigay ng mga dapat ibigay sa big boss talaga.
Madami ay ang paperworks. Madami kailangan itype at kung ano ano.
At dahil nga Finance pag may mawawala or kulang sa tinype kong mga value patay kami pareho ni Mrs. Tandoc.
"By the way iha, you can call me mamsy. Yan naman ang tawag ng lahat saakin."
"Sige po mamsy. Wala na po ba kayong ipaguutos?"
Nagisip siya bigla at tinignan ako muli.
"Sa palagay ko kailangan mo muna ng training kaya halika ituturo ko kung paano mapapadali ang trabaho mo."
Ang sweet naman niya. Imbes na pahirapan ako ay tutulong pa siya para mapadali ang trabaho ko.
Tinuruan niya ako sa paggawa ng mga powerpoint pag kailangan ng big boss. Tinulungan din niya ako kung paano makipag cope up sa mga katrabaho ko.
Mababait naman sila kaso di ko sila feel.
Maayos naman ang pakikitungo nila. Sinabi din sakin ni mamsy na may weekly allowance pala ako.
1000 pesos per week. Hala! Pwede na yun saakin ng isang buwan! Mas makakatipid ako! Mas madami ang mapapadala ko kina nanay!
Ang sahod ko dito ay 15k per month. 7500 every fifteen days daw.
Mataas sila magpasahod infairness.
Lunch na kaya pinasabay na ako ni mamsy sakanya. Lilibre daw niya ako since madali daw ako matuto.
Hay! Napaka bait talaga! Sakto panaman di ako nagbaon. Kasi naman akala ko magpapass lang ako ng resume.
"Iha san mo gustong kumain?" Napaisip naman ako. Pano ba yan? Eh wala naman ako alam na kainan dito sa Manila.
"Yung kung saan po kayo komportable. Bago bago palang po kasi ako dito kahit po ako walang masyadong alam." Napayuko ako at siya naman ay napangiti nalang.
"Osya tara dadalhin kita da paborito kong lugar. Maselan kaba sa pagkain iha? O kaya maselan kaba sa mga lugar?"
Umiling ako. Hindi naman talaga eh. Nakuha ko na nga magtinda sa talipapa magiging maselan paba ako?
Sa pagkain? Hindi din ako maselan. Basta nakakain, masarap at mura go na go na ako!
***
Nabigla naman ako ng dalhin ako ni mamsy sa ihawan! Grabe! Hindi mo akalain na kakain sa ganitong lugar ang tulad niya! Akala ko panaman pang restau ang mga datingan niya.
"Masarap dito iha, subukan mo lahat. Wag kang mahihiya. Akong bahala sa bill okay?" Naglaway naman ako bigla. Mukha ngang masasarap!
"Manang, ano po yan?" Turo ko dun sa parang galing sa manok.
"Ah, paldeot yan neng, pwet ng manok. Wag kang magalala. Ligtas kainin yan. Hindi naman namin ibebenta kung hindi." Nginitian ako ni manang at kumuha ako ng isa non.
Kumuha pa ako ng isaw, tenga ng baboy, at betamax pati na din seafood gaya nalang ng hito. Kumuha din ako ng buro at gulay! Grabe! Ang saraaaap!
"Nako mamsy! Salamat ah! Ang sarap pala talaga. Mukhang tataba ata ako sa poder ninyo!" Hay nako nagiging madaldal nanaman ako.
"Sabi ko na sayo eh. Sige lang kuha ka lang. Ako bahala sayo." Nagsimula na ako sumubo ulit. Nagkamay lang kame ni mamsy.
"Iha, san ka pala talaga nakatira?" Nagsimula ng topic si mamsy.
"Sa Tarlac po. Kaso medyo mahirap po ang buhay kaya nag Manila po ako. Dapat po ang kuya ko magiging secretary niyo eh. Pero nagpumilit po ako na ako nalang imbes na siya."
Nakinig lang saakin si mamsy.
Kung ano ano pa kinwento ko tungkol kina kuya, nanay, at Nicolette.Bigla ko silang namiss...
"Nako iha, napakadaldal mo pala. Hindi ako babagutin sayo! Nako! Di gaya ng mga big boss natin. Palit ng palit ng sekretarya. Para kasing mga estatwa. Di man lang magsalita kung di mo pa kakausapin."
Napaisip ako. Di ko pa kilala big boss namin.
"Eh mamsy, sino po ba big boss natin?"
"Ah yung limang may-ari iha. Magkakaibigan sila mula nung Elementarya sila. Si sir Deverell nakilala nalang nila ng college.
Si sir Martin, Mercado, Arce at Lopez. Yan ang mga nagkasama mula nung Elem palang sila. Parepareho sila ng interes sa buhay kaya ayan kumuha ng parehong kurso tas nag home study pa ng isang course"Nagpintig ang tenga ko. Lopez... Argh! Naalala ko nanaman siya! Hindi... Hindi siya ang big boss mo. Hindi lang siya ang Lopez sa mundo Alelie.
Chill lang...
"Oh? Iha tara na balik na tayo sa opisina. Half day ka muna ngayon para makapag pahinga kapa. Tas bukas kana magsisimula talaga okay?" Tumango ako at umalis na nga kami.
Bigla ko nanaman naisip na.. Sana hindi na kami magkita. Baka matadyakan ko lang.

BINABASA MO ANG
Game Of Love
Ficção GeralAng pag-ibig walang pinipiling oras. Darating at darating sa gusto niyang oras o panahon. Wala din itong pinipiling tao. Mabuti ka man o masama pwede ka parin mahalin. Para ka din sumusugal dahil pwede kang masaktan o hindi. Anong gagawin mo kung...