14:STALKER

3.6K 130 8
                                    

Alelie's POV

Buti nalang at sabado ngayon at walang trabaho. Kahapon agad kong tinawagan si Meghan dahil nasaktan ako sa nakita ko.

Mugto ngayon ang mata ko dahil sa sobrang iyak. Ang bigat pa ng pakiramdam ko.

Grabe tama nga siya. Kakainin ko lang ang mga sinabi ko na hindi ko siya mahal.

Ngayon din ang lakad namin ni Max kaya naman naghanda na ako.

Tinext niya na 11am susunduin na niya ako para sabay din kami mag lunch.

Ayoko na sana umalis eh. Gusto ko magmukmok. Pero ang sabi ni Meghan "You should not focus yourself only on him. Kasalanan na niyang babaero siya. Kung papaapekto ka maapektuhan din ang pamilya mo. Siya boss mo eh. Kaya be strong. Alam ko na mahal ka din ni Alexander."

Oh diba? Ang taray. Kay eto sasama parin ako kay Max para man lang makalimot sa problema ko sakanya kahit sandali.

Nagbihis na ako. Simple lang naman. Nag floral dress nalang ako at white na dollshoes.

Wala na ako maisip na isuot eh. Nag ayos nalang ako ng buhok at handa na ako.

Hindi ako magmamake up dahil feeling ko ang lagkit sa mukha.
Saktong pagkatapos ko ay may kumatok.

Pinatay ko na ang mga appliances at inalis ang mga pagkakaplug nila sa socket para safe.

Binuksan ko na ang pinto at tama naman ako ng hinala dahil si Max nga.

"Hello pretty. Ready kana?" Ngumiti nalang ako at tumango.

Casual lang ang suot niya. Mukha naman kaming bagay dahil simple lang naman ang floral dress ko. Pwede naman pang mall.

Iginaya niya ako sa sasakyan niya at pinagbukas.

Minsan palang nagawa ni Alexander sakin yon.

Grabe! Siya nanaman naalala ko! Get a grip Alelie! Si Max ang kasama mo. Ienjoy mo! Okay!?

Madaldal naman si Max kaya naman hindi ako na bored. Madami din siyang baon na joke.

Pero boto parin ako sa binti-kwarenta joke niya.

Ganito ba pag inlove? Naiisip mo siya sa kahit anong sitwasyon?

Miss ko na siya. Pero galit ako dahil sa ngyari. Di ko maiwasan magselos eh.

Ang unfair ni kupido. Ako lang ang pinana niya. Super unfair.

Pag nakita ko na totoo ang kupido na yan sisiguraduhin kong makakalbo yan!

Nung nasa mall na kami ay agad kaming kumain ng lunch.

Masaya naman. Nakakatawa ako ng kasama siya. Pero hindi ko parin siya magawang alisin sa isip ko.

Alexaner Lopez... Ikaw na. Ikaw na mahal ko sige na. Paano ba kita maalis sa sistema ko?

***

Alexander's POV

Bat ganon? Nasaktan ako nung makita ko siyang umiyak?

Bakit ba? Hindi ko naman alam na papasok siya nun eh. And hindi naman totoo na pupunta si Liza eh!

Nabigla din ako noong pumasok siya sa office ko. Nakakafrustrate. Okay naman sana kami eh.

Ayos lang na mag-asaran kami. Normal na yon. Yung pag tinatalakan niya ako. Yun ang gusto ko.

Not the crying Alelie. I want to see her happy.

Fck this. Kailangan ko siyang makausap. I need to say sorry.

Im infront of her apartment and entered the building.

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon