Alelie's POV
Nagising ako dahil sa alarm clock ng cellphone ko.
Sunday ngayon at walang gagawin.
In-off ko na ang aircon dahil ang lamig.
Tinignan ko kung anong oras na at 7:30 na ng umaga.
Lumabas ako mula sa kwarto at nag on ng tv para manood ng balita.
Habang nakikinig pumunta muna ako sa kusina para tumingin ng pwedeng lutuin na may Silog ngayon.
Kinuha ko nalang yung tocino at meatloaf pati dalawang itlog. Isinalang ko na ang frying pan at naglagay na ng mantika.
Habang niluluto ko nilow fire ko para naman makagawa pa ako ng ibang gawain.
Kumuha na ako ng plato at mga kubyertos. Pagkatapos maayos sinilip ko ulit at niluto ang kabilang side.
Habang kabilang side naman ng pagkain ang naluluto nag walis nako sa kusina. Grabe. Multi-tasking.
Tinapos ko na ang pagwawalis at nilagay ko na sa plato ang mga naluto ko. Sinunod ko ang iltog.
Pagkaluto ko agad ko ng hinain at kumuha ng kanin.
Hindi na ako mag fa-fried rice.
Bago ko siya tawagan ay naghilamos muna ako sa banyo.
Opo. Tama po kayo. Live in na kami. Kung yun nga ang matatawag don. O kaya... nakikitira na po ako dito sa condo niya. Ayaw paawat kahapon eh.
"Xander, handa na pagkain. Labas kana diyan." Kinatok ko ang pinto niya.
Ilang segundo lang bumukas na ang pinto at may yummy na abs ay este! At iniluwa non si Xander.
"Hindi pagkain ang abs ko amica mea. Tara kain na tayo." Hinampas ko siya sa likod at hinayaan nalang.
Mapang-asar talaga. Psh.
Umupo ako sa tabi niya at itinaas ko ang paa ko sa upuan.
Nakasuot naman ako ng pajama kaya walang makikita sakin.
"I miss eating with you. Tara mag kamay tayo. Kuha ka kamatis pati patis. Sawsawan sa tocino dali." Tumango ako at mabilis na kumuha.
Ang sarap kaya non!
Kumuha na ako at bumalik para kumain.
"Sunday ngayon. May gusto ka gawin?" Wala naman kasi ako maisip eh.
"Ewan ko lang. Dito nalang tayo. Wala naman tayo gagawin sa labas. Simba nalang tayo mamayang hapon." Tumango tango siya.
"Okay. Church it is later afternoon. Lets just have honeymoon." Muntikan na akong mabilaukan sa sinabi niya.
What!?
"Ginagago mo ba ako? Asawa ba kita? Tsk." Ngumisi siya at napailing.
"Hindi. Pero kung gusto mo bukas na bukas din papakasalan kita." Napanganga ako.
"Manahimik kana nga diyan at kumain! Maglilinis pa ako ng kwarto mong makalat at puno ng nakakadiri na condom!"
Alam kong wala ng condom sa kwarto niya. Subukan lang niya na gumamit sa ibang babae lagot yan sakin!
So gusto mo sayo lang niya gamitin yon? AY! GRABE SI KONSENSYA!!
Kumain nalang ako at siya naman nakangisi lang.
Putek hindi ata magandang idea yung pag payag ko na makasama siya sa iisang bubong.
Pagkatapos na pagkatapos kong kumain tumayo na ako at hinugas ang pinagkainan ko.

BINABASA MO ANG
Game Of Love
Fiksi UmumAng pag-ibig walang pinipiling oras. Darating at darating sa gusto niyang oras o panahon. Wala din itong pinipiling tao. Mabuti ka man o masama pwede ka parin mahalin. Para ka din sumusugal dahil pwede kang masaktan o hindi. Anong gagawin mo kung...