35:OFFICIALLY ON

3.4K 108 5
                                    

Alelie’s POV

“Nakakainis ka kasing gago ka.. M-mahal parin kita.” Hindi ko na kaya. Sapat na explanation na yon para sakin. Pero hahayaan ko siyang mag-explain kung gusto niya. Umamin na ako at yon na yon.

Umiiyak lang ako habang hindi ko parin alam ang reaction niya. Kaya naman nag angat na ako ng tingin kahit mukha na talaga akong basahan sa kaiiyak.

Isang linggo akong umiyak hanggang ngayon ba naman diba? Kainis na. Pumapanget na ako ng dahil sa unggoy na to!

“Mahal kita! Gago ka! Kahit nakuha mo ng makipaglampungan sa Liza na yon ng dalawang beses mahal parin kita! Kainis na!” Pinaghahampas ko siya. Kahit alam kong wala naman epekto.

Ang weird nga eh. Pink ang suot niya pero umaamin ako ng feelings ko.

Seeing his sando makes me feel weird. I don’t know why.

“Now let me speak. Lets not make the atmosphere more awkward just because of my sando. Stay at the dramatic act please. Let me explain.” Tangina, eto na masasaktan na ako.

“This is not the most romantic atmosphere to declare my feelings but here it is. I don’t care for Liza. I don’t give a fck about her. Tangina, kung hindi lang siya babae matagal ko ng sinakal yan! I don’t have any interest in her okay? Before.. Okay, maybe just the body but now?! My god! Even to look at her straight for a minute!? I don’t think I can. All I think about is you. Ever since I met you, magmula ng nasagasaan ko ang kariton mo ng gulay. Fck, ikaw ang pinakamagandang tindera sa buong buhay ko. My world stopped. It was like a Zing! Its like youre the zing of my life! Tangina ang corny! But I don’t care. All I wanna say is all those actions , words, and my indirect feelings scream only one meaning, and that is.. fck it! Nakakatorpe! Argh! OKAY!! MAHAL KITA!! Tangina. Dumating pa ang tarantado na Max na yan! Pinsan pala ni Liza! Tangina, makipag usap ka lang sakanya o tignan mo lang siya gusto ko na siyang palipitin at itulad sa mukha ng bulldog!” Napapanganga nalang ako. Mukhang hindi pa siya tapos kaya naman nanahimik ako.

“Then nagpapaligaw ka. Nagdate pa kayo. Nagstalk pa ako. I didn’t know when this started but, this feelings grew until it captured my whole body, heart, and soul. Ikaw nalang ang babae sa buhay ko Alelie Nicolai. Ikaw nalang ang iisang tao na kaya kong sandalan sa lahat ng bagay. Ang mga kaibigan ko, oo, isa sila sa mga nalalapitan ko, isa sa mga nakakakilala ng buong ako. Sa mata ng iba, You are in their level. But for me? Youre in the highest level! Ikaw ang top one sa lahat ng tao na kaya akong, pagsabihan, pagtiyagaan, alagaan, ipagluto, ibaby. Tangina Alelie! Ikaw lang! What Im saying is nonsense.  But, all I want to say is that I really love you. Amica mea, I love you. Very much.” Umiiyak na talaga ako ng todo.

Pero ng dahil na sa saya.

Niyakap ko siya at binaon ko ang mukha ko sa leeg niya. Naramdaman ko naman na hinahaplos niya ang buhok ko.

Ramdam ko na dito ako nararapat. Sa mga bisig niya. Sana si Max hindi gaya ng iniisip ko ngayon. Na isa lang sa sisira ng relasyon namin, kung may mabubuo man.

“Wait, wont you ask kung anong ibig sabihin ng ‘amica mea’?” Kumunot naman ang noo ko. Maayos ko siyang hinarap at nakangiti lang ang mokong. Nakalimutan ko nga pala. Hindi ko nagoogle translate. Masyado akong busy sakanya. At sa pag feeling asawa ko.

“Ano nga bang ibig sabihin niyan? Ilang weeks mo na akong tinatawag na ganyan. Minsan iniisip ko na ‘timang’ ang ibig sabihin nun eh.” Inayos niya ang hibla ng buhok ko na nagulo.

Pinagmasdan ko lang siya. Nakakandong nanaman ako. Ngayon ko lang narealize. Nevermind na nga lang. Wapakels din naman siya.

“There was this time I went to Jerusalem. I visited some churches and historical places. I stayed at some old folks place. There was this old man whose wife is cremated and has an altar in his room. As a good boy, I joined him when he was praying. Then he called his wife ‘amica mea’. In Latin, it means ‘my love’”

May impact nanaman yun sakin. Ang cute niya. Napangiti ako at hinalikan siya sa tungki ng ilong niya.

“Thank you. Kasi kahit ganito ako tinanggap moko. Kahit mahirap, taklesa, mahina sa English, at medyo slow. Salamat at minahal moko.Salamat at hindi mo na ako sinaktan ng todo pa. Kahit ano pang itawag mo sakin, of course, except for offensive ones. Mahal parin kita. Mahal kita Alexander Lopez.” Niyakap ko nalang siya at naramdaman ko naman sa sininghot niya ang leeg ko.

Nakakakiliti.

“I love you too. And it feels good to say it in front of you. Just answer my question first.” Kumabog nanaman ang dibdib ko ng sobrang lakas. This is it ba?

OO na agad! WALA NG PAKIPOT! Pag ako nainis papakasalan ko na siya!! Pero siempre joke lang. Pakipot mode muna. Except sa o-oo nako siempre!

“Will you be my girlfriend? I know its fast but I just cant—“ Walang halong pag aalinlangan hinalikan ko siya ng sobrang diin. Nabigla siya pero hindi niya pinalipas ang pagkakataon para tumugon.

Bumitiw ako sa halik at ipinagdikit ang mga noo namin.

“May choice ba akong huminde? Alam ko naman sa kahit ‘hindi’ ang sagot ko hindi moko titigilan eh. Sobrang ganda ko kasi eh.” Para naman gumaan. Intense na ang pagmamahalan naming.

CHARR!!

Ngumisi siya at umiling. Hinalikan niya ang noo ko at tinignan ako.

“Wala kang choice. Dahil sa sobrang ganda mo hindi na kita pakakwalan. Mahal kita.” Kinikilig po ako! Pasapak naman para matahimik ako! Kahit slight lang.

“M-mahal din kita.” Ngumiti siya at niyakap ko nalang siya para hindi nalang Makita ang sobrang pagkakakilig ko.

“Wag masyadong kiligin. Baka mangisay kana diyan. Alam kong alam mo mahal kita pero wag mo naman masyado ipahalata na kinikilig ka.” Ayan na! Mang-aasar na!

Hinampas ko siya at tumawa lang siya ng malakas.

Napangiti naman ako ulit. Mapupunit na ata labi naming sa sobrang ngiti.

“Pano ba yan? Girlfriend na kita. Propose naba ako?” Napailing nalang ako at tumayo na.

Tinulungan ko na din siya tumayo pero bigla siyang lumuhod.

“Sira ulo ka! Tayo na nga! Luto tayo! GUTOM NA AKO! PINAIYAK MO KASI AKO! GINUTOM MO AKO!” Mapang-asar na tingin ang binigay niya saakin.

“Hala? Pano yan? Tayo lang dito. Baka mauna honeymoon naten sige ka.” Kinagat ko ang labi ko. Nilapitan ko siya at hinampas sa braso.

Pagkahampas ko sakanya tumawa lang siya. Siraulo talaga.

Pero aaminin ko. Namiss ko talaga siya. Promise. Pero sana okay lang sina nanay! Kahit naman namiss ko to inaalala ko parin sila.

“Oo nga pala, tawagan mo nalang kuya mo kung kelan balik nila. Masyadong siraulo si Dominic hindi ko alam kung kelan niya ibabalik ang pamilya mo. But don’t worry I know theyre in a safe place. Lalo kana. Ako kasama mo eh.” Kinindatan niya ako at napangiti naman ako.

Haba na ng hair ko pramis. Kinikilig ako. 

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon