Alelie's POV
Hinatid namin ni Meghan ang dalawa. Pero may problema ata sila.
Eto namang si kolokoy nang asar pa.
"Looks like the fight of the century came bro." Bumuntong hininga lang ang isa at sinabi na magkkwento daw siya mamaya.
"Hayaan mo na sila ano kaba. Mang-aasar kapa eh! Ikaw ah! Ikakapahamak mo pa yung gagawin mong pagtulong na yan eh!" Ngumisi lang siya at inakbayan ako.
"Hayaan mo na. Magaling yang si Lacsina. Tignan mo man. Magkakayos din yang dalawang yan." Bumuntong hininga ako at sumandal nalang din sa balikat niya.
Nanahimik nalang kami at hindi na nag-usap pa. So far... Okay naman kami. Nabawasan ang asaran pero maa naging sweet siya.
Gaya kahapon hinatid pa niya ako. Grabe siya. Pinapakilig niya ako!
Oras na ng paglipad nila kaya naman tumayo na ako at hinatid siya sa private plane nila.
"Ayusin mo don. Alagaan mo sarili mo. Kumain ka ng kumain para may gana ka magtrabaho. Yung mga damit mo ayusin mo! Wag kang makalat. Wag puro delata o junk food. Kung may time ka man... Basta. Sige na." Ngumiti siya saakin at hinalikan ako sa pisngi.
Sa pagkabigla ko napatunganga nalang ako.
"Dont worry. Ill call you everyday. Ill always make time for you. Dont worry. My secretary is far better than Ton's. Take care amica mea. Now give me a kiss please. Initiate first! Palagi nalang ako! Kahit nung first kiss mo ako nag initiate eh!"
Namula naman ako ng maalala ko yon! Putek siyaaa!
"Sira ulo ka! Umalis kana nga! Tignan mo yung dalawa oh! Hindi na nagkikibuan! Sige na puntahan mo na siyaaaaa!" Lalo lang siyang lumapit saken at niyakap niya ako.
"I wont leave if you dont kiss me. Now give me a kiss amica mea."
Napalunok ako dahil natataranta na ako. Sige na nga!!
Pumukit ako at unti unting nilapit ang labi ko sa pisngi niya. Pero hindi pisngi niya ang naramdaman ko.
Ang lambot... Labi niya ba to?
Dumilat ako at nakadampi na nga ang labi ko sa labi niya.
Shet! Goodbye kiss.
Humiwalay siya sakin ng nakangiti.
"Oh well. Gotta go now! Bye amica mea!"
Patakbo siyang pumunta sa plane at napatulala nalang ako.
Umiling nalang ako at nilapitan ko na si Meghan.
"Uwi na tayo Alen." Tumango ako at umuwi na nga kami.
Pareho kaming pagod kaya naman nagpahinga nalang ako sa guestroom na pinagtulugan ko na din dati. One week akong mag ssleepover dito.
Ano kaya mgyayari?
***
Day 1
Pagkagising ko agad akong naghilamos at bumaba.
Nagluto na ako ng agahan namin ni Ms. Martyr of the year.
Ng nakahanda na bumaba na siya at ang haggard niya.
"Hoy loka! Wag ka ngang ganyan! Ayusin mo itchura mo! Hay nako kayong dalawa talaga bat kasi di pa mag aminan!"
Ngumiti lang siya at ayun. Kumain tas nagkulong nanaman. Hay nakoo!
Nag-ring ang cellphone ko at nag aaya mag video call si Xander kaya naman sinagot ko kahit na kumakain ako.
"Hello amica mea! Good morning. Ano kinakain mo?" Uminom muna ako bago sumagot sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/70175858-288-k840064.jpg)
BINABASA MO ANG
Game Of Love
Fiksi UmumAng pag-ibig walang pinipiling oras. Darating at darating sa gusto niyang oras o panahon. Wala din itong pinipiling tao. Mabuti ka man o masama pwede ka parin mahalin. Para ka din sumusugal dahil pwede kang masaktan o hindi. Anong gagawin mo kung...