Alelie's POV
4am palang gising na kami. Papunta doon nagsuot lang ako ng maong shorts at tshirt. Pinagawayan pa namin ang suot kong to. Ayaw daw niya na nagsusuot ako ng ganito.
Pero ngayon nandito na kami sa top floor ng building kung saan naghihintay ang helicopter na maghahatid saamin papunta ng Palawan. Hinihintay nalang namin sina Lucas, pati Dominic na kasama din si Beatrice.
Si Kevin nauna na. Hindi ko alam pero sobra yata ang excitement at ginamit na niya ang sarili niyang helicopter. May kanya kanya naman sila eh pero siempre gusto nila na sabay sabay daw pumunta. Pero si Kevin nagmamadali eh.
Baka ayaw mabugbog kay Alexander. Ito namang kasama ko parang pinagsakluban ng langit at lupa. Ang sungit. Hindi ko nalang siya pinapansin pero magkahawak kamay kami.
Tinitignan ko ang cellphone at 5:30am palang pala, panigurado na gising na si nanay at naghahanda para sa agahan. Kaya naman tinawagan ko siya para kumustahin sila.
Calling Nanay...
(Hello anak! Oh? Napatawag ka eh sobrang aga pa ah?) Napangiti naman ako ng marinig ko ang boses niya. One week din akong hindi nakatawag sakanila dahil sa madami din trabaho sa bahay.
Tinignan ko naman si Alexander at nakasandal ang ulo niya sa balikat ko at hinihinpmas himas ang mga hita ko habang naghihintay kami.
"Eto nay, namiss ko lang kayo. Kumusta kayo diyan? Buti naman natutunan mo na gamitin yung smartphone na binigay ko. At least matatawagan na kita ng direkta." Isa isa ko sila binigyan ng smartphone. Pinag iponan ko din yun. Pangarap kasi ni Nicolette magkaroon ng isa. Kaya binili ko silang lahat para matawagan ko sila.
(Oo nga anak eh. Eh tinuturuan ako ng kuya mo pati ni bunso. Sa dami ng nagtuturo sakin pati Candy Crush nilalaro ko na. Ay nako! Yang kuya mo! Hindi na natutulog kaka skype ba yon?? Ayun kausap si Daisy. Alam mo naman hindi na mapaghiwalay ang dalawang yon. Magmula nagkainternet dito hay nako. Lalo silang naging aktibo. Nagpapasalamat nalang ako hindi nasisira ang bonding namin. Pero siempre.. namimiss ka namin.)
Naiyak nanaman ako. Pakshit. Nakakamiss umuwi. Three months na nung last akong umuwi. Yun pa yung umiiyak ako sakanila. Hay nako.
Naalarma naman itong katabi ko at pinunasan ang luha ko. Sinenyasan niya ako kung okay lang daw ba ako at um-oo nalang ako.
"Miss ko na din kayo nay. Sige nay, susubukan kong umuwi kaagad. Sa susunod na padala ko nay bumili kayo ng mga personal niyong npgamit okay? Ihihiwalay ko don yung pambili niyo ng grocery, at mga bayarin tas bili kayo ng gamig niyo okay? Tapos na din naman ang bahay." Yup, napagawa ko na din ang bahay namin. May second floor na at semento na. Gumanda ang buhay namin ng dahil kay Alexander at sa kumpanya nilang magkakaibigan.
Kaya naman utang na loob ko talaga yon sakanila. Kaya naman inaayos ko nalang ang trabaho ko bilang pambawi. Kahit minsan talaga hinahawaan ako ng katamaran ng isang to.
(Ay nakong bata ka. May nilalaan kaba para sa sarili mo? Baka naman puro kami lang! Jusko po! Dapat asikasuhin mo din ang sarili mo! Gawin mo ang gusto mong gawin sa sahod mo, anak. Ang kuya mo may permanenteng trabaho na! Salamat din sa kaibigan ng nobyo mo. Osha anak, magsasaing pa ako. Saka maglilinis. Mag ingat ka diyan ha? Mahal kita anak.)
Hay nako si nanay. Palagi ako ang inaalala. "Okay lang ako nay. May gamit naman ako dito. Sige nay. Ingat kayo diyan. I love you po." Binaba ko na ang tawag at sakto din na nanditona ang masayang masayang love birds na sina Aston at Meghan.
Two months nang buntis si Meghan. Katatapos lang din ng kasal nila last month. Hay nako buti pa sila settled na.
"Hi Alelie! Namiss kitaa! Ay madami akong ikukwento sayo! Grabe ang dami kong nakitang gamit ng mga baby! Ay mamaya na tayo magkwentuhan aalis na pala tayo." Napangiti nalang ako ng dahil sa pagiging hyper niya.

BINABASA MO ANG
Game Of Love
Algemene fictieAng pag-ibig walang pinipiling oras. Darating at darating sa gusto niyang oras o panahon. Wala din itong pinipiling tao. Mabuti ka man o masama pwede ka parin mahalin. Para ka din sumusugal dahil pwede kang masaktan o hindi. Anong gagawin mo kung...